Nandito kami ngayong tatlo sa kusina nina mama at papa. Nakaharap sa aming hapagkainan para makapaghapunan.
Umupo na nang maayos si mama at papa kaya naman umupo na rin ako ng maayos."Papa ako na po ang magdadasal" sabi ko kay papa na may pagsusumamo.
"Oh siya siya ikaw na anak palagi naman eh" kamot ulong sabi ni papa sakin.
Kaya umayos na kami ulit ng pagkakaupo at ako ay magdadasal na.
"Sa ngalan ng ama ng anak, ng espirtu, santo Amen.. Lord salamat po sa lahat ng blessing na ibinibigay niyo sa amin araw araw. Alam ko pong mabubusog kami ngayon dahil masarap ang iniluto ni mama at higi sa lahat wag niyo pong kakalimutan ang palagi kong idinadasal. Sana po ay eh follow back na ako ni Ariana Grande sa Instagram. Sana maka nood ako ng Live concert niya at sana magkita na kami in person. Thank you Lord. Amen." napangiti agad ako sa aking idinasal.
Iniimagine ko pa lang na makakanood ako ng Live Concert niya tumatambol agad ang puso ko. Kapag makanood ako ng concert niya bibilhin ko agad ang private sit para sa unahan ako para mas damang dama ko. Naiisip ko pa lang iyon parang na sa heaven na ako.
"Ano ba naman iyan Carianna! okay na sana eh bat mo paba sinasama ang idol mo sa panalangin na dapat eh sa pagkain lang!" Napigil ako sa pagdadaydream kay babygirl ko nang
marinig ko ang medyo inis na boses ni mama.
"Mama naman eh sabing Ariana ang itatawag mo sakin eh" Bakit ba kasi Carianna pa ang ipinangalan niya sakin dapat ariana na lang para kapangalan ko pa ang idol ko.
"Oy! ikaw! Carianna ang ipinangalan ko sa iyo kaya yun ang itatawag ko at hindi ang Arinna na yan" sabing balik ni mama.
"Ariana ma. Ariana Grande at hindi Arinna" haynaku mali mali pa ang pangalan na itinawag niya.
"hays tama na nga iyan. mabuti pa at kumain na tayo" pag-awat ni papa samin
Hays mabuti pa nga.
Nagsimula na nga kaming kumain at syempre tahimik lang ako dito habang kumakain pero sina mama at papa panay ang dakdak tungkol sa kanilang trabaho. Nagtatanungan kung kamusta ba o marami ba ang kinikita nila.
Hindi na lamang ako nakinig at binilisan ang pagkain. Mga ilang minuto pa ay natapos na rin akong kumain.
"Pa tapos nako kumain, Ma punta lang ako sa kwarto magpapahinga" Nangmakapagpaalam na ako ay tumayo agad ako at umalis na hindi man lang sila nakakasagot sa akin.
Pagkapasok ko ng kwarto kinuha ko agad ang laptop ko para mag online ng Instagram at syempre aandar na naman ang stalking skills ko. Sino pa ba ang dadalawin ko sa instagram edi si baby girl ko, The One and Only Ariana Grande.
Nang makapagonline na ako agad akong pumunta sa profile niya at hindi ko na pinansin ang nasa News feed ko.OMG ang ganda ganda talaga ng babygirl ko. Iyan lang naman ang lumantad sa aking mga mata nang puntahan ko ang profile niya.
Ilan minuto pang pagstastalk sa kanya ay napagod rin ako at nag log-out na sa Instagram Account ko.
Ang ganda nya talaga at sobrang galing pa kong kumanta kaya naman maraming humahanga sa babygirl ko eh.
At hindi lang iyan marami na rin siyang natanggap na Awards.
Bakit ko alam?
Syempre araw-araw kaya nagreresearch ako tungkol sa kanya.
Hmm? ano nga ba? cge iisipin ko ulit kung anu ano ang mga ito
Ito lang naman ang mga FACTS ABOUT ARIANA GRANDE, MY BABY GIRL.
~ø~
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Short Story)
FantasyAng storyang ito ay hangu lamang sa lumilipad na imahinasayon nang isang manunulat. Tungkol ito sa isang babaeng sobrang hayok sa kanyang ini idolo, walang araw na hindi niya ito pinag lalaanan nang oras kaya naman hanggang sa panaginip niya ay tan...