Rain's POV
"Bro nandito tayo para magenjoy hindi para maging emo ka dyan sa tabi" napatingin ako kay Lawrence siya ang kasama ko sa kwarto samantalang tatlo naman sila Kean, Leo, at si John sa kabilang kwarto.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang dagat ng baler, walang masyadong tao na naliligo dahil sa taas ng araw. Napaka peaceful ng kapaligiran pero nagwawala ang isip ko dahil sa nakita namin ni Ericka kanina.
Si Hans. Matagal na silang may galit saamin magkakaybigan silang dalawa ng girlfriend niyang si Sharmine, dati kaming magkakaybigan pero nasira eto dahil sa kanila. Akala namin ay tuluyan ng mawawala ang pagkakaybigan namin ng nagaway away kami dahil sa issue na pinalaki namin, dahil dun lumayo saamin si Ericka.
"Nakita namin si Hans kanina sa elevator" wala sa sariling sabi ko kay Lawrence na nagaayos ng gamit, humiga ako sa kama at pinagmasdan ang ceiling.
"Kaya pala, hayaan mo na yung kupal na yun bro. Hindi siya mahalaga para pagtuunan mo ng pansin." naiiling niyang sabi, magsasalita pa sana ako ng bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa nun sila Kean na parang bata na naghahabulan at hubad baro.
"BROOOOO!!" sigaw ni John sabay tapon ng katawan sa kama
"Bakit ba kayo naka hubad? maliligo na kayo?" tanong ko sakanila
"Gago kaba? sayang yung gluta kung maliligo na kami sa dagat na yan" sagot ni Leo habang iniinom ang juice na hinatid kanina saamin.
"Ikaw ang gago tanga, nagglu-gluta ka pa sa lagay na yan eh gago kaitim itim mo naman garod" tawanan kami sa sinabi ni John kay Leo
"Nakakita sila ng nakabikini na babae na may kasamang lalaki na nakahubad baro at may abs sabi nila meron daw din sila na ganun hindi lang daw nila ineexpose" naiiling na sabi ni Kean kaya ayun tawang tawa kami kila Leo at John.
Nakangiti kong pinagmasdan ang mga kaybigan kong nagtatawanan, ilang years na nakalipas pero eto solid pa din ang tropa dumaan kami sa maraming problema pero kahit kelan hindi namin maisip magwatak watak.
I close my eyes and silently pray to God for giving me this idiots
"Hoy wag kang bakla dyan tara dito alalahanin natin yung nakatae si John" natatawang sabi ni Kean sabay hila saakin papunta sa kanila.
Ericka's POV
Tahimik akong nagaayos ng gamit ko habang iniisip pa din ang nakita namin kanina, baka kung ano nanaman ang gawin niya baka manggulo nanaman sila sa bakasyon namin.
"Ericka, kanina kapa namin kinakausap. Okay ka lang ba?" napatingin ako kila Kayla at Anne na nakahiga na ngayon sa kama. kami ang magkakasama at sila Laurice, Danice, Angelika sa kablang kwarto.
"Ayaw mo ba kami kasama?" tanong ni Kayla
"Kung ayaw ko kayong kasama wala ako dito ngayon, may iniisip lang ako"
tumango tango naman sila, pero alam hindi pa din tinatanggal ni Anne ang tingin saakin.
"Nakita namin si Hans kanina, na bobothered lang ako baka guluhin niya tayo." umupo ako sa kama
" wag mo nalang pansinin, masisira lang araw mo pag nagisip ka ng mga negatibo" tumango ako sa sinabi ni Anne tama naman siya mageenjoy nalang ako ngayon.
"Hoy Hoy magswim suit tayo?" tanong ng kakapasok lang na sila Danice
"magagalit si kuya at paniguradong pagagalitan tayo nun pag pinag swim suit natin ang kanyang lovey dove" sabay sabay silang napatingin saakin na nanunukso
"Ikaw Anne wala magagalit sayo kaya tara swim suit" excited na aya ni Laurice kay Anne
"Sige lang" bored na sabi ni Anne tsaka inihagis ni Laurice ang kulay itim na swim suit kay Anne
"Magswi-swim suit tayong lahat hayaan niyo na yung boys"
nagtawanan nalang kami at kinuha ko ang kulay dilaw na one piece at nag sipagbihis na kami, pare-parehas namin pinartneran ng short na maong ang mga suot namin atsaka nagpicture picture na sila.
Bumaba na kami para kumain ng pananghalian ng makita namin ang boys sa lobby ng hotel at pare-parehas na naka topless
"ohh fcck"
"damn"
"shit"
"penge kanin"
"pandesal omy"
Natatawa akong napatingin sa mga kaybigan ko na parang ngayon lang nakakita ng hubad baro na lalaki, pinagmasdan ko ang mga kakisigan nila. Masasabi kong ang gwagwapo talaga nila na kahit sino ay mapapatingin sa kanilang kagwapuhan.
May lumapit na mga kababaihan sakanila katulad namin ay naka swim suit din sila pero hindi sila nakashort. Makakati.
Unang nilapitan ay si John kaya napatingin kaming lahat kay Angelika na walang reaksyon pero nang hawakan ng babae si John ay takbo lakad na pumunta si Angelika sa kinakatayuan ng kanyang kasintahan at hinala ito
"Subukan mo ulit lingkisan ang boyfriend ko, ipapakain ko sayo lahat ng chalk ko sa bag tignan natin kung saan ka dadalin ng kakatihan mo." may diing sabi ni Angelika na ikinatawa namin mukang nagulat naman ang babae kaya mabilis itong umalis.
Sumunod na nilapitan ay si Lawrence, hindi na hinintay pa ni Laurice na magsalita pa ang babae at lumapit na siya dito para palayuin ang babae.
"Hi miss, im Flight Attendant Laurice Gumiran but i'm not just a flight attendant but i also train to hold guns, knife and i also know how to do sparring don't you want to try it?" nakangiting sabi ni Laurice sa babae kaya mabilis itong umalis
Sabay naman lumapit yung dalawang babae kila Kean at Leo pero mas naunang lumapit si Danice kay Leo
"Aalis ka o ibabalibag kita?" mataray na tanong ni Danice na mabilis na nagpaalis sa babae
pero si Anne ay kalmadong nakatayo sa tabi ko habang pinagmamasdan si Kean at ang makating babaeng nakapulupot na ang kamay kay Kean
"Bibilang ako hanggang tatlo pag hindi umalis yang babaeng yan kay Kean ibabalibag ko tong kutsilyong hawak ko."nagulat naman kami ni kayla ng makita ang kutsilyong nilalaro ni Anne sa kamay
"1."
"2"
bilang namin ni kayla pero hindi pa din umalis ang babae kay Kean
"I'm a fucking doctor that heals people, but i can also kill people damn you bitch you just hold the wrong guy, that's mine." at mabilis niyang itinapon ang kutsilyo sa babae na natamaan sa braso
Gulat na gulat ang mga kaybigan namin habang tawa kami ng tawa ni Kayla habang pumapalakpak pa.
"I told you miss my baby will kill you for what you did." ngising aso na sabi ni Kean
Umalis na ang lahat ng babae pwera nalang ang malanding babae na nilalandi si Rain na umiinom ng juice sa may pinto at walang kamalay malay sa mga nangyayari
"I won't be shock if you have your guns on you and pull the trigger to that bitch." ngumisi lang ako sa sinabi ni Kayla
"She always have." proud na sabi ni Anne
"I won't do that." nagtatakang tumingin ang mga kaybigan ko sakin
"He knows what will happen to him pag may ginawa siyang kagaguhan."
lumapit kami sa kinakatayuan ni Rain at napangiti nalang ako sa sinabi niya
"You know what go and run as fast as you can, because when Ericka see us hindi yun magdadalawang isip na putukan ka ng baril sa ulo."
at dahil sa sinabi niya ay umalis ang babae at nagulat naman siya ng makita kami sa likod niya, ngumiti lang ako sakanya at nauna na akong naglakad papunta sa restaurant na kakainan namin habang may malaking ngiti saakin labi
"He never change."
BINABASA MO ANG
Bloody Roses
Humor"Next na magpapakilala" tumayo ang babaeng chubby na maputi but unfairness she was beautiful, pero ang weird nya. "Ericka Nicole. I hate math." pagkatapos ng maikling pagpapakilala ay umupo na sya, napatingin muli ako sakanya. may kakaiba sakanya...