Chapter One

27 0 0
                                    

Nagising ako ng maaga dahil sa sikat ng araw na tumatama saaking mukha dahil bukas na ang aming bintana. Nandito ako ngayon sa probinsya namin kung saan maganda ang simoy ng hangin at lalong lalo na ang tanawin. Syempre di ito gaganda kung walang ak--

"Nak, gumising kana. May bisita tayo mamaya kaya maglinis ka" Kaaga-aga naman tong si Mama. Eh di pa nga ako nakakapag almusal eh inuutusan agad ako. Hayyy buhay!

"Opo,Ma." Pagsagot ko nalamang dahil wala na kong magagawa pa.

Pagkatapos ko magligpit ng aking kama ay dumiretso ako sa lababo para magmumog at maghilamos at pagkatapos ay dumiretso na kong kusina upang mag-agahan. Pagkatapos ko mag-agahan ay naghugas ako ng mga plato na ginamit namin at sinimulan ko ng magwalis gamit ang walis tambo na gawa ni Papa. Na-miss ko tuloy bigla si Papa.

"Nak, pagkatapos mo magwalis sa loob, dito naman sa labas ah? Tas magdilig kana din ng halaman. Kailangan ko ng masampay ire" Turo ni mama sa hawak niyang planggana na puro damit.

Tumango nalang ako sakaniya dahil alam kong wala na kong magagawa. Pagkatapos ko sa loob ay sinimulan ko na din sa labas ng aming bahay. Nahirapan ako ng konti dahil mahangin at sumasabay pang mahulog ang maliliit na bulaklak galing sa punong narra. Hayy! Kawawang Joyanne.

Pagkatapos ko maglinis at magdilig ng halaman ay naligo na ko dahil sa pawis na tinamo ng aking katawan. Masyado na itong malagkit kaya naligo na siya. Pagkatapos niya maligo ay pumunta na siyang kwarto niya para mag bihis dahil may dadating daw ang bisita. Sino kaya ito?

Nasa kalagitnaan palang siya ng pagbibihis ng biglang kumatok ang nanay niya.

"Nak, anjan kaba?"

"Nagbibihis po ako Ma, bakit?" Sigaw ko

"Aba'y nandito na bisita natin, bilisan mo"

"Okay po Ma."

Binilisan ko ang pagbihis ko tulad ng sabi ni mama. Nag-ayos ako dahil nakakahiya naman sa bisita. Konting pulbo at lipstick lang keri na ko lumabas. Pagbaba ko ng bahay namin ay may nakita akong matandang lalaki.

"Ma, sino po siya?"

"Oh, anjan kana pala anak." Napatingin ang matandang lalaki saakin at ngumiti. Dahil masiyahin at maganda ako ay ngumiti na din ako pabalik. Nagmano din ako sakanya dahil nakakahiya naman kung hindi diba? Matanda na kaya to.

"Anak, siya si Mayor Gabriel Fuentabella. Siya ang magpapaaral sayo sa Manila mula Grade 11 hanggang College. May scholarship kana din galing sakanya. Nakakahiya naman tanggihan dahil ang laking tulong nun saatin."

Napanganga nalang ako dahil sa sinabi ng aking Mama. Tumingin ako sa Mayor at nakita kong nakangiti siya. Nakangiti siya ng sobrang lapad.

"Talaga po? Totoo?" Wala sa sarili kong sabi. Tumango ang mayor at tumayo.

Humarap ito sakin at "Oo naman, totoong-totoo. Kaibigan kasi ang lolo mo dati kaya naisip kong mahirap na ang buhay at may sakit pa ang nanay mo kaya nais ko kayong tulungan kahit eto man lang." Natulala ako dahil di pa rin talaga ako makapaniwala. "Inaako mo ba, Joyanne? " woooowww! Totoo nga! Wala sa sarili akong napatango at niyakap bigla ang Mayor na kaibigan ng lolo ko dati.

"Salamat po,Mayor. Opo, tinatanggap ko ito. Ngunit saan po ako titira? Saan po ako mag-aaral?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Kalma anak, kalma lang" tuwang tuwa na sabi ni Mama. Di parin talaga ako makapaniwala.

"Titira ka sa bahay ko. Dun ka sa guestroom matutulog. Malaki naman na yun. May TV at aircon na. Mag-aaral ka sa isang pribadong paaralan." Nakangiting sabi sakin ni Mayor

"May kapalit po ito diba?" Tanong ko na ikinagulat niya. Halatang meron nga. "Okay lang naman po, basta yung kaya ko." Nakabawi na siya sa gulat at bigla itong nahiya.

"Uh, iha? Isa lang naman ang aking kailangan." Sabi niya sabay buntong-hininga. "Kailangan ko lang ng magbabantay sa apo kong si Keith na kasing edad mo lang din naman. Pareho kayo ng school at section at nais ko lang pabantayan siya saiyo kasi puro pagbubulakbol lang ang alam ng batang yun. Okay lang ba, iha? "

"Ay opo, mayor! Kering keri! Para sa scholarship ko, kakayanin ko. Thank you so muchy crunchyy Mayor"

"Walang anuman iha, 2 weeks bago ang pasukan ipapasundo na kita ah?"

"Sige po Mayor. Thankyou po! " nakangiting sabi ko. Maya-maya ay umalis na din ang Mayor.

May naisip lang ako. Lalaki ba yung Keith? Hala? Sana hindi. Pero kung oo sana gwapo. Sana mabait. Sana di mahirap bantayan. Hmp! Humanda siya sakin pag pasaway siya. Hahaha joki joki lang. Ingat nalang sakin huhu and goodluck! Sayang ng beauty ko meme kung magiging tagapagbantay lang ako. Pero okay lang, para naman sa pamilya ko ito. Itataguyod ko sila sa hirap.

-keyseecorn

Please don't forget to vote and comment mga beb 💚

HE'S GROUCHY BUT SWEET (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon