Kakatapos Lang ng isang meeting ko ng biglang dumating ang aking assistant. Hindi ko alam kung saan ito nag gawi samantalang dapat ay lagi ko siyang kasama.
"Sir Eathan nagpunta po dito kanina ang asawa niyo. Nag-usap na po ba kayo?." Aniya sa Akin ng assistant ko. Na ikinagulat ko naman dahil ano ang gagawin ng Misis ko dito?
"Bakit daw?" Tanong ko dito.
"Hindi ko po alam wala namang sinabi. Pero Sir kanina po kinausap niya si Miss Sarmiento." Na ikinakaba ko nang marinig ang mga sinabi niya.
Imposible kayang May alam na ang asawa ko? Kaagad akong kinabahan At pinacancel ko sa kanya ang lahat ng meeting ko ngayong araw At umuwi ng maaga.
Pag dating ko sa bahay nakita ko sa labas si Shiela at si Pao na parang nag babantay doon. "Shiela na saan ang asawa ko?" Tanong ko dito pagkalapit ko.
Alam kung Mali ang nagawa ko sa kaniya. Dahil ipinangako ko sa kaniya noon bago pa kami Ikasal na siya lang ang babae na mamahalin ko. Pero ano itong nagawa ko?
Humarap ito sa Akin At pinaghahampas kaagad ako. "Hayup kang manloloko ka! Bat mo nagawa ito sa Best friend ko huh?!" Sigaw niya sa Akin habang patuloy sa paghahampas sa akin. Kaagad kung hinarang ang aking braso mula sa kaniyang pag hahampas.
Pero nakita ko namang inawat kaagad ni Pao si Shiela para tigilan na ako sa kakahampas. Tumingin lang ito sa Akin at umiling iling lang at hindiko na alam kung saan na sila nag punta.
Pumasok na ako sa loob
ng bahay At nakita ko ang mga maleta At bag na naka empake malapit sa pinto.Kaagad akong kinabahan at hinanap kaagad ng aking mga mata ang asawa ko. Hindi ako papayag na umalis siya. Ayokong iwan niya ako pati ng anak namin.
Nakita ko siyang pababa ng hagdan kaya kaagad ko itong nilapitan. " Hon...." kinakabahan kung tawag dito.
Namamaga pa ang kaniyang mga mata mula sa pag iyak ng tumingin ito sa akin. Punong puno ng kalungkutan at tanong ang kaniyang mukha ng magkatitigan kami.
Kaagad niya namang iniwas ang tingin at daretsong bumaba Lang. "Ang aga mo naman atang umuwi ngayon." Walang gana nitong sambit sa akin habang May kung anong inaayos.
"ppp..pi...Pina cancel ko lahat ng meeting ngayong araw hon." Tumango tango lang ito sa mga sinabi ko.
nag lakad ito Pero Hinawakan ko siya sa braso para makausap ko siya kaya lang kaagad naman niya iyong tinanggal at ramdam kung galit siya sa Akin.
"Bakit mo naman pina cancel ang meeting mo? Hindi ba importante iyon ngayon?." Hindi ko alam bakit niya natanong ito. O sadiyang umiiwas lang siya sa gusto kung pag usapan namin ngayon.?
"Hon.. kailangan natin kasing mag usap e." habol ko dito.
Tumawa Lang ito at may kung anong kinuha sa may ilalim ng lamesa sa Tabi ng sofa.
Iniabot nito sa akin ang isang brown envelope na kinuha niya at kaagad ko iyong binuksan. Ikinagulat ko nang makita kung ano ang nilalaman ng brown envelope.
Mga Larawan kung saan mag kasama kaming lumalabas dalawa ni Miss Sarmiento at mga larawan kung saan hinalikan ko siya in public. Napalunok akong humarap sa kaniya.
"Totoo ba yan?" Nakatiim bagang nitong tanong sa Akin.
Tumango lamang ako dito bilang sagot.
"Bakit mo ako niloko?" Naiiyak itong nakatingin sa Akin. "Mahal mo ba siya?" Walang pag aalinlangan niyang tanong sa Akin habang unti unting pumapatak ang kaniyang mga luha.Tumango naman ako kaagad sa sinabi niya. Ayoko ng mag sinungaling sa asawa ko. Kung ano ang gusto niyang malaman ay sasabihin ko kaagad dito.
Nakita kung bumagsak ang kaniyang mga luha At lumihis nang daan. Pumunta siya sa may kusina At inilagay sa isang topper wair ang mga gamit ng anak namin.
