His courting me
Nang umamin sa akin si Eathan na gusto daw niya ako at gustong manligaw ay tinanggihan ko ito.
Kita ko sa mga mata niya ang lungkot nang tanggihan ko ang sinabi niya sa akin. Ayoko lang talagang magpaligaw sa panahong ito lalo na at nag aaral pa kami ikasisira lamang yan ng pangarap namin.
Pero ikinagulat ko kinabukasan ay pumunta ito sa tindahan. Akala ko nung tinanggihan ko siya dahil gusto niyang manligaw ay hindi na siya pupunta at mag papakita sa akin ngunit nag kamali ako ng akala.
Pero ang mas ikinagulat ko nang kinausap nito sina Tatay Nanay at kuya.
"Ahm.. magandang araw po May gusto po sana akong ipag paalam sa inyo." Aniya nito kayla nanay at tatay.
Humarap sa kaniya si Nanay at kuya ng mag salita ito."Ano yun Eathan? " tanong naman ni Nanay habang si tatay naman ay napatigil sa ginagawa niya.
Huminga muna ito ng malalim saka nag salita ulit. " Gusto ko po sanang ipag paalam sa inyo na gusto ko pong ligawan si Jenny." Aniya nito kayla nanay at tatay si kuya naman ay tumawa ng pag kalakas lakas.
Humarap si kuya sa akin habang tawa padin ng tawa. " JeMaica Ha!ha!ha!ha!ha! Mukhang may nauto na yang mukha mo ah Ha!ha!ha!ha!" Aniya sa akin ni kuya na tawa ng tawa.
Nakatayo pa din si Eathan at iniintay ang sagot ni Nanay at Tatay sa gusto niyang mangyari.
"Nasabi mo naba yan kay Maica?" Tanong sa kaniya ni Tatay.
Tumango ito at nag salita. "Opo nasabi ko na sa kaniya kagabi nang ihatid ko siya sa bahay ninyo po." Aniya niya kay Tatay.
"Kung ganoon naman pala e. Sa kaniya mo na lamang kunin ang sagot. Disisyon niya kung papayagan kaba o hindi. Pero hindi naman kami tutol at sa wakas e. Mag kakaroon na ng kasintahan ang bunso namin." Aniya pa ni tatay habang nakangiti kay Eathan.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Tatay kay Eathan ibig bang sabihin nun pinapayagan niyang manligaw sa akin ang Lalakeng ito?
Anlapad ng ngiti ni Eathan ng marinig niya ang mga sagot ni Tatay sa kaniya. Lumingon ito sa akin na napaka lapad ng ngiti.
Lumapit ito sa akin habang ngiting ngiti. "Paano ba yan pinayagan na ako ng mga magulang mo at mukang yung kuya mo pasado na din ako. Ikaw nalang." Aniya nito sa akin.
Huminga ako ng malilim dito saka siya hinarap ng seryoso. Apat na buwan palang kaming mag ka kilala tapos liligawan na niya ako agad?
Ayoko siyang payagan ligawan ako kasi alam kung kasiraan lamang iyan sa aking pag aaral.
"Eathan alam mo naman ang sagot ko diyan diba?" Aniya ko sa kaniya na seryoso lang ang mukha. Napansin kung napawi ang kaniyang kasiyahan ng ito'y banggitin ko sa kaniya.
"HOY! JEMAICA WAG MONG SABIHIN NA BINABASTED MO YANG SI EATHAN?" Sigaw sa akin ni kuya. Napansin siguro na binabasted ko na agad itong nasa harapan ko.
"Hassshhh... bat ba nakikielam ka sa desisiyon ko kuya? Ikaw ba ang gustong ligawan huh?" Apila ko naman kay kuya saka humarap dito kay Eathan na ngayon e ngiting ngiti.
"Maica payagan mo nang ligawan ka niyang si Eathan. Mukhang seryoso sayo ang bata." Apila napa ni Nanay kaya ang isa dito sa akin ngiting ngiti lalo. Dahil alam na niya kung ano ang magiging sagot ko sa kaniya.
Pero dibale na ligaw lang naman ang gusto edi siya at pag bigyan. Tumango ako dito at tumalikod na pero hindi pako nakakapag lakad ay iniharap na kaagad ako nito.