KABANATA 4

45 5 0
                                    


The Enrollment

Wala ako ngayon sa Tindahan kahit ako ang naka toka ngayon sa pag bantay.

Syempre kailangan kung mag enroll ngayon sa School. Maaga nga akong nagising ngayon dahil pupunta ako sa School.

Si Nanay at Tatay muna ang mag babantay sa Tindahan ngayon. alam naman kasi nila na enrolan ngayon sa School. kaya wala na namang kaso yun Kayla Nanay.

At syempre andun si kuya no. Kailangan nyang tulungan sila Nanay doon. Subukan niya Lang Hindi tumulong Baka yung guitara niya ay mag laro na lang ng parang bula.

Habang nag hahanda ako ng susuotin ko bigla namang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko iyon sa ibabaw ng lamesa malapit sa kama ko. At agad agad sinagot kung sino iyong tumawag.

Diko na pinag kaabalahan na tignan kung sino ang tumawag pero sa mga Ora's na ito si Eathan ang naiisip ko. Ewan ko ba kung bakit?

"Oh, hello Eathan? Ang aga mo magising ah bat ka napatawag ?" Aniya ko sa tumawag sa akin. Habang patuloy pa din sa pag pili ng susuotin.

"Hoy! Anong Eathan? Muka na bang si Eathan ako ngayon huh?" Nagulat ako sa nag salita dahil babae ang narinig ko kaya kaagad kong tinanggal sa tainga ang phone ko at tinignan kung sino ang tumawag.

Kinalaki ng mata ko nang mabasa kung sino ang tumawag si Shiela pala. huminga ako ng malalim saka nagsalita."Shiela ikaw pala. Bat ka napatawag?" Aniya ko dito.

"Sus. Anong meron sa Inyong dalawa ni Eathan huh? Napag kamalan mo pa akong si Eathan!" Aniya nito sa akin.

Hayyysss siguradong mangungulit ng mangungulit ito sa kain hanggat Hindi nalalaman kung anong meron talaga sa Amin ni Eathan.

Huminga ako ng malalim bago ako mag salita. At nag kamot ng ulo kahit wala naman akong kuto. "Hayyysss... bat ka ba tumawag?" Pag Iiba ko dito ng topic.

"Kasi po sasabihin ko Lang sana sa iyo na sabay tayong mag enroll sa School ngayon at Kasama din natin si Pao." Aniya nito sa Akin. Kasama naman pala niya ang boyfriend niya tapos gusto pa akong kasama.

Umiling iling ako bago ko ito sagutin. "Oh sya sya. Sige na intayin mo na lang ako sa School. Dun na lang tayo mag kita dahil maliligo pa ako at mag a almusal palang din ako." Aniya ko dito.

"Oh sya sige.... hep...Pero teka... parang May nakakalimutan ka ata..." Aniya nito sa akin.

"Ano naman ba yun Shiela?" Pag mamaang maangan kung tanong dito.

"Eh... kasi naman po Miss Jenny Micah May dapat ka ho kasing ikwento sa Akin patungkol sa inyong dalawa ni Eathan....Miss Jenny Maicah!" Singhal nito sa akin.

Umirap nalamang ako dito at sumagot. "Haaayyssss... Sige sige I kekwento ko sayo mamaya pag ka tapos nating mag enroll oks ba yun?" Aniya ko naman dito.

"Hayysss... oh sya sya.. sige intayin nalang namin ikaw ni Pao. Sige na bye bye labyu muah." Aniya nito at binaba na ang tawag.

Ipinatong ko na lamang ulit sa lamesa ang phone ko at pinag patuloy ang pag pili ng susuotin ko.

Nang maka pili na ako ng susuotin dumeretso naman ako sa towel ko na nakasabit at kinuha iyon.

Dumertso na ako na Banyo para makaligo at pagkatapos ko ay nagbihis na at nag ayos ng sarili.

Syempre polbo at suklay Lang naman ang ginagawa ko sa sarili ko. At maya maya palamang ay tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa.

Lumapit ako doon at tinignan ang phone ko. Nakita kung May limang text message sa akin si Eathan.

One Mistake Of Eathan Go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon