Start of School
At dahil tapos na ang maliligayang araw ng aming bakasyon. Ito naman ang aming pag kakaabalahan sa ngayon.
Kung saan umpisa na ang first day ng School namin. At syempre gumising ako ng pag ka aga aga para lang Hindi malate sa unang araw ng pasok ko.
Masyado akong excited kaya Hindi ko na iniintay si Shiela na makasabay sa pag pasok.
Habang hinahanap ko ang room ko May bigla akong nakabungguan at napaupo ako sa sahig.
"Aray!!" Angal ko nang biglang mapahampas sa sahig ang aking puwet.
Agad naman akong tinulungang tumayo ng nakabunggo sa akin at humingi din ito ng tawad.
"Ahhmmm.. sorry miss diko sinasadya." Aniya nito sa akin pagkatapos kung makatayo.
Humarap ako dito na naka Kunot ang noo saka tumango tango lang. Aalis na sana ako nang Hawakan nito ang Braso para matigilan sa paglalakad.
Humarap ako dito at tiningala sya dahil masyado itong matangkad. "Ano iyon?" Takang tanong ko dito.
"Hinahanap mo din ba ang room mo?" Tanong naman nito sa akin.
Hinigit ko naman ang braso ko at binitawan naman niya iyon kaagad. "Oo bakit mo natanong?" Aniya ko dito.
Tumayo ito ng maayos at nag salita. " ganoon din ako. Hinahanap ko ang room ko building C room 134 yung sa akin. Yung sayo ba?" Aniya nito sa akin.
Ngumuso ako dito saka nag salita. "Building C room 134 din." Simpleng sagot ko dito.
Ngumiti ito sakin saka sabay na kaming nag lakad at hinanap ang room. Nang Mahanap namin ang room 134 ay ikinagulat ko na meron ng professor dun.
Nag lakad ako papuntang May pinto at saka yumuko. "Good morning po sorry I'm late hinanap ko pa po kasi itong room." Aniya ko sa professor na nakatayo.
Tumunghay na ako pag katapos kung mag salita ng mapansin ko na Hindi ito sa akin na katingin at Lagpas iyon sa akin.
Tumalikod naman ako ng makita din kung sino ang tinigtignan nitong professor na lagpas kung tumingin.
Nakita kung yung kasa kasama ko pala kanina ang nasa likudan ko. Pinagtataka ko Lang na bakit masama ang tingin nito dito.
"Ok lang miss. Sige pumasok kana. And you maiwan ka dito sa labas." Aniya ng professor. Na awa naman ako sa lalakeng Hindi pinapasok ng professor namin dahil tinulungan pa ako nun para mahanap lang ang letseng room na ito.
Break time na at Hindi ko pa din nakikita si Shiela af Eathan. Iniisip ko na lang na baka busy ang mga iyon pero ang Bilis naman kakaumpisa palang ng klase busy kaagad.
Habang inaayos ko ang gamit ko May biglang lumapit sa unahan ko. Pag tingin ko ay yung lalakeng kasama ko kanina.
"Hello.." nakangiting bati ko dito sabay wagayway ng kamay ko sa kanya.
Ngumiti din ito sa akin at saka nag salita. " mag la lunch kana ba?" Tanong nito sa akin.
"Oo Eh. Inaayos ko Lang itong gamit ko pupunta na din ako sa canteen." Aniya ko naman dito sa lalake.
"Ahh.. sige sabay na tayo mag lunch." Sabi nito sa akin.
"Sige kaw bahala." Nakangiti kung sagot dito.
"Ahh..oo nga pala.. hi.. I'm Ian" lahad nito ng kamay niya sa Akin na kaagad ko namang tinanggap.
"Jenny" aniya ko naman dito.
Mag ka sabay kaming nag lalakad ng malaglag nalang bigla ang bitbit kung Libro. Kaagad namang dinampot iyon ni Ian ay inabot sa Akin.
"Salamat Ian" Aniya ko naman dito habang nakangiti.
Dumeretso na kami sa canteen at sabay nang kumain ng lunch nang matapos kami sabay nadin kaming pumasok sa next subject namin.
Diko alam kung bakit ang gaan kaagad ng loob ko dito kay Ian eh samantalang isang bears palang kaming nag kakakilala.
Sa mag hapon walang paramdam sa Akin si Eathan st Hindi ko ito nakita. Kahit text o tawag wala man lang iniisip ko tuloy anong nangyari sa isang yun.
Nag uwian na at itong si Ian balak pa akong ihatid sa bahay pero tinanggihan ko na baka makita siya nila kuya at baka alam nyo na kung ano pa isipin ng mga yun pag nakita si Ian na kasama ko.
Hindi muna ako umuwi sa bahay ay dumeretso na sa Tindahan dinaanan ko muna doon sila Nanay kung kamusta siya.
"Hi Nanay!? Mano po" Aniya ko dito at mag Mano pag lapit ko at ganoon din ako kay tatay pag kakita ko sa kaniya.
"Oh... Eh bakit hindi ko ata nakikita ng kasama mo ang manliligaw mo na si Eathan Jenny." Tanong sa Akin ni Tatay.
Tinawanan ko na lang yung tanong na iyon sa Akin ni Tatay sabay pinalitan ko ang topic.
"Oh... Nanay kamusta benta natin dito.. Malakas ba?" Tanong ko dito kay Nanay
"Oo naman anak kagaya pa din ng dati." Sagot sa Akin ni Nanay habang nag bibilang ito ng pera niya.
Tumagal Lang ako doon nang saglit at umalis din naman na kaagad. Habang nag lalakad ako pauwi bigla ko namang nakasalubong si Ian.
"Uyyy Jenny bat nandito ka? Dika pa umuuwi?" Tanong nito sa Akin.
Ngumiti nanaman ako dito saka kamot sa May likod ng ulo ko. "Hehehe dumaan kasi ako sa Tindahan namin diyan. Tinignan ko kung maayos ba ang benta nila Nanay ngayon." Aniya ko dito.
Humawak Ito sa baba niya at humarap sa akin. "Saan ka naman ngayon pupunta?" Tanong nito sa Akin.
"Ah pauwi na din ako ngayon Ian. Ikaw ba anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman dito.
"Ahh.. May hinihintay Lang saka May dinaanan Lang ako kanina kayla aling Nina. Yung nag bebenta ng mga Rosas." Aniya naman nito sa tanong ko.
Tumango tango naman ako saka nag paalam na aalis na ako. Tumango lang ito saka nag wagayway ng kamay para makapag paalam sa akin.
Habang nag lalakad ako kinuha ko ang phone ko bakasakaling May text sa akin si Eathan pero wala.
Ewan ko ba kung bakit ako nalulungkot. Dahil ba ito sa walang paramdam sa Akin ni Eathan o ano? Ewan diko maintindihan ang gulo gulo.
Habang patuloy ako sa pag lalakad papunta sa bahay namin. Tumingin ulit ako sa cellphone ko at wala talaga kahit anong text doon.
Ang huling text ko pa dito kanina na Good morning at wala pa ding reply iyon.
Papasok na sana ako sa loob ng Gate ng May makita ako sa May Gilid na nakatayo.
Hinarap ko ito at nang makita ko ng tuluyan ang mukha ay ngumiti ako dito. Pero wala itong ginanting kahit anong ngiti.
Bagkus Hindi ko Mahulaan ang emosyon nang kaniyang mukha. "Eathan bakit hindi ka mag re reply sa Text ko?" Takang tanong ko dito.
Hindi pa din ito umiimik bagkus inirapan Lang ako nito at umalis na sa harap ko.
Lah? Nyare dun? Bat ganun yun? Wala na ngang paramdam hindi pa ako kinausap?
"Eathan?!" Tawag ko dito habang dipa nakakalayo.
"Bukas na lang tayo mag usap! Wala ako sa mood!" Sigaw nitong pabalik sa akin at nag lakad na palayo.