I love him
Nagising ako dahil sa lakas ng pagtunog ng phone ko. Inabot naman ng kanang kamay ko ang phone ko sa May lamesa at sinagot kung sino namang istorbo ang tumawag sa Akin.
"Hello?" Walang gana Kung Sagot.
"Good morning babe.... nagising ba kita?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya At biglang napaupo sa aking kama.
"Sakto lang" Aniya ko dito.
"Hindi kaba papasok? Andito na kasi ako sa labas ng bahay niyo e." Aniya nito sa akin na kinalakihan ng mata ko.
Oo nga pala may pasok pa ako. Akala ko sabado ngayon. Napasapok ako sa noo saka bumangon sa kama At dumeretso sa banyo At bumaba.
Pinag buksan ko muna ng Gate At pinapasok sa loob si Eathan. "Ahhmmm... Kaya mo pa bang mag intay? Maliligo lang ako. Mabilis Lang ito promise." Taas ng kanang kamay kung Aniya dito.
Tumango naman ito kaagad sa Akin saka nag salita. "Oo naman iintayin kita. Sige na dito lang ako maligo kana." Aniya nito sa Akin saka umupo sa sofas.
Dumaretso na ako sa kwarto at kinuha na agad ang aking towel na nakasabit At nag simula nang maligo.
Pagkatapos kung maligo dumaretso na ako sa closet ko kung saan ko kinuha ang jeans ko at T Shirt na yellow at nag bihis.
Pagkatapos kung magbihis nag polbo Lang ako saka nag suklay na. Bumaba na ako At niyaya nang umalis si Eathan.
Tumingin ito sa Akin. "Hindi ka man lang ba mag aalmusal?" Tanong nito sa Akin.
Umiling Lang ako sa kaniya At saka ngumiti. "Hindi na sa School na Lang baka ma late pa tayo e." Aniya ko dito.
"Sige sa School na lang tayo mag almusal." Napaharap ako dito sa sinabi niya ibig sabihin hindi pa din siya nag aalmusal.Nako talaga naman.
Nang matapos ang first sub namin At nag break time na nag usap nalang kami ni Eathan na sa Canteen na lang mag kita.
Palabas na sana akong ng class room ng biglang humarang si Ian. Tumingin ako dito na may pag tataka. "Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong ko dito.
"Jenny.... kKasi... Gusto kita... gusto kita Jenny." Napalaki ang mata ko nang marinig ito sa kaniya. Pero kaagad akong umiling sa kaniya.
"Bakit?" Tanong ko dito na may pag tataka.
"Hindi pana man kayo diba? Payagan mo akong ligawan ka."Aniya nito sa akin.
Huminga ako ng malalim. At hinarap ito. "Ian sorry... Pero.. mahal ko kasi si Eathan." At umalis na ako sa harap niya.
Oo inaamin ko mahal ko na si Eathan Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman Pero inaamin ko na mahal ko na talaga siya.
Nasa loob na ako ng canteen at Hinahanap ng mga mata ko si Eathan pero hindi ko ito makita.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito naka ilang ring pa bago ito sumagot.
"Eathan? Nasaan kana ba? Andito na ako sa canteen." Aniya ko dito.
"Kakaalis ko lang diyan." Simpleng sagot nito sa Akin. Napakunot ako ng noo sa sagot nito.
"Ano?? Bakit ka umalis? Kumain kana ba?? Andaya mo?! Hindi mo man lang ako iniintay?!." Inis kung Aniya dito.
"Iniintay kaya kita kanina pa. Pinuntahan na nga kita sa room nyo e. Kaya lang May pinag kakabisihan ka doon." Sagot nito sa akin. Kaya lang parehas kung narinig sa phone ko saka sa likudan ko ang sinabi ni Eathan At sa pag lingon ko si Eathan na nakatingin ng seryoso sa Akin at binaba na nito ang phone niya. At ganoon din ang ginawa ko.