The Graduation Day
Lumipas na ang dalawang taon na mahigit na pan liligaw sa Akin ni Eathan.
Ewan ko Pero excited ako sa araw na ito. Syempre ga graduate na ako bilang isang business administration. Nakakatuwa Lang kasi dahil lahat ng paghihirap ko ay ito ang pinaka masayang nangyari sa Akin.
Nandito kami ngayon nila nanay sa parlor syempre alam kung excited na din ang mga ito dahil ga graduate na ako ngayon.
Nagpaayos kami ni Nanay ng buhok At mag pa make up din. Hindi ko nga nakilala ang sarili ko nang matapos akong make apan dahil sobrang layo ng mukha sa totoong buhay kaysa sa mukha ko ngayon.
Dumaretso na kami nila Nanay sa loob ng Stage. At nag simula na ang ceremonies para sa graduation hanggang sa matawag na ako bilang isang cumlaode sa taon na ito.
Kasama ko si Nanay na Umakyat sa stage at isinabit nito sa akin ang medalyang pinagtagupayan ko.
Pero nang tatawagin na kung sino ang suma cumlaode ay kinagulat ko nang tawagin ang pangalan ni Eathan Go.
Nanlaki ang mga mata ko dito nang makita siyang naglalakad sa Stage At kasama nito ang Mama niya.
Nang matapos ang graduation namin nagkita kita kami nila Shiela. "Waaaahhhh!!! Jenny graduate na tayo ng business administration nakakatuwa." Nakangiti nitong sambit sa Akin.
Ngumiti ako dito at masaya din ako sa nakamtan namin ngayon. Dahil graduate na kami ngayon.
Pero hinahanap ngayon ng aking mga mata si Eathan dahil hindi ko pa ito nakakausap simula kagabi pa.
Nasan man kaya yun. "Shiela patanong naman kay Pao kung nasaan si Eathan." Aniya ko kay Shiela na nakikipag kwentuhan sa mga kaklase nito.
"Hindi daw alam ni Pao kung nasaan e. Tawagan mo kaya." Aniya nito sa Akin. At ayun nga ang ginawa ko.
Nasaan kaya ang lalakeng iyon. Hayyysss.. sisimulan ko palang tawagan siya nang May biglang tumawag sa Akin.
"Babe?!" Tawag sa Akin na alam ko kung sino na ang tumawag.
Humarap ako dito na naka ngiti lumapit ako dito at kinagulat ko na bigla ako nitong niyakap.
Kumalas ako sa yakap niya At humarap sa kaniya ng nakangiti. "Congratulation Nagulat ako sayo kanina nung tawagin ka. Lakas suma cumlaode." Pang aasar kung aniya dito.
Ngumiti ito sa Akin at mag pasalamat. "Salamat babe." Aniya nito sa Akin.
"Tara." Yaya nito sa Akin. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko dito.
"Ipapakilala kita kay mama." Masayang Aniya nito sa Akin At sumama naman ako.
Pag dating namin sa pwesto ng mama niya. Ay tinawag na niya kaagad ito. "Ma! Si Jenny nililigawan ko po." Aniya niya sa mama niya. Kinabahan pa ako nung una kasi seryoso Lang ang mukha nito.
Pero nang banggitin nito na nililigawan niya ako ay lumapad ito ng pag ka ngiti ngiti. "Seryoso kaba anak ? May nililigawan kana?"
"Oo nga po mama. Sige po mauuna na muna kami mama mamaya na lang sa bahay." Aniya nito saka hinila ako.
Dinala niya ako sa May puno nang mangga na hindi ko naman ito napupuntahan dati. Humarap ito sa Akin na nakangiti.
"Jenny naka graduate na tayo. Diba sabi mo sasagutin mo ako kapag katapos natin grumaduate?" Aniya nito sa Akin.
Nakatingin ako dito ng seryoso. At huminga ng malalim. "Eathan gusto ko kasi sana mag katrabaho muna bago kita sagutin." Aniya ko dito
Na nag pabago ng emosyon ng itsura niya biglang sumimangot. "Diba sabi mo? Ano na naman ba ito Jenny? Dalawang taon nanaman ang pag iintay ko nito? Umaasa Lang ata ako sa wala e." Inis sa aking sambit nito.
"Eathan ano kasi...." Tawag ko dito. Pero napatigil ako dito nang bigla itong nagsalita.
"Hay nako Jenny Hindi kita maintindihan. Diyan ka na nga." Aniya nito sa Akin At dare daretsong umalis.
"Eathan!" Tawag ko dito Pero dare daretso Lang ito.
Wala akong ginawa kundi Habulin ito. Ayokong Mawala sa Akin si Eathan Ayokong pag sisihan lahat ng disisyon ko ngayon.
Nang maabutan ko siya ay niyakap ko ito patalikod na siya naman ikinabigla nito.
Hindi ko alam ang ginawa ko Pero alam ko sa sarili ko na Ayokong mawala si Eathan sa buhay ko.
"Eathan sinasagot na kita. Tayo na boyfriend na kita." Aniya ko dito.
Habang naka akap pa din ako dito sa likudan niya. Humarap ito sa Akin nang maintindihan niya ang mga sinabi ko.
"Totoo ba yan? Wala nang Bawian ah. Girlfriend na kita." Aniya nito sa Akin At niyakap ako ng mahigpit nito.
"Hahaha ano kaba hindi na ako makahinga." Angal ko dito at bumitaw naman kaagad sa Akin.
"Sorry babe." Aniya nito sa Akin. Na sobra sobra ang pag ngiti sa Akin.
Hinawakan nito ang dalawang pisngi ko At nakangiting nakatitig sa mga mata ko at ganoon din naman ako ng bigla namang lumipat ang tingin nito sa Akin mga labi At ganoon din ako sa kaniya.
Maya maya naramdaman ko na lang na nakalapat ang mga labi nito sa Akin At napapikit na lang ako at ginantihan din siya.
Tumagal nang ilang minuto ang Halikan namin At saka bumitaw habol namin ang aming mga hininga ng bigla ulit ako nitong akapin.
Umuwi na kami sa bahay At masaya naming sinabi na kami nang dalawa at masaya din naman sila Nanay para sa Amin.
Pag katapos naming umuwi sa bahay ay isinama naman ako ni Eathan sa bahay nila.
First time kung makakapunta dito at diko alam ang gagawin.
Ang ganda ng bahay nila At nakita ko doon ang kotse nya na naka parada At May dalawa pa duong kotse na hindi ko alam kung kanino iyon.
"Tara sa loob nandito sila dad at yung dalawa kung kapatid" Aniya niya sa Akin.
"Eathan nahihiya ako sa pamilya mo. Ang Yaman nyo masyado." Sagot ko naman dito.
"Ano kaba ilang beses ko ba sasabihin sayo sila ang mayaman hindi ako." Aniya nito sa Akin at hinigit na ako papasok sa loob ng bahay nila.
Nakita ko ang mga magulang niya doon nakatingin sa Akin ang mama niya na nakangiti sa Akin.
Ngumiti din naman ako pabalik sa kaniya. Umupo na kami sa lamesa para mag simula nang kumain at makipag kwentuhan.
Akala ko sasamaan ako ng Ugali ng pamilya ni Eathan pero nag kamali ako. Natutuwa pa nga ako kasi tinanong agad kami kung kailan mag papakasal natawa naman ako dun kakasal agad kakasagot ko nga Lang sa isang ito.
Natapos ang masayang kwentuhan namin At inihatid na ako ni Eathan sa bahay. Bago sya umalis aba humirit pa ng isang halik pinag bigyan ko na lang para hindi mag reklamo. At pumasok na ako sa loob ng bahay At masayang naka ngiti.