The Anniversary
Nagising ako dahil sa lakas ng alarm clock dito sa tabi ko. Lintek na alarm clock ito Sarap Sarap ng tulog ko.
Medyo pagod pa ako dahil nag OT ako sa trabaho ko kagabi. Medyo nag talo pa kami ng bahagya ni Eathan dahil sa pag O OT ko.
Hindi kasi yun pumapayag na gabihin ako ng sobra sa trabaho. Kaya nag talo kami. Kailanganv kailangan ko Lang talaga maipasa yung paper works kaya nag OT na ako kagabi.
Nag kabati din naman agad kami ni Eathan at sabay na nag dinner. Pag katapos nun Hindi na ako tumambay pa sa condo niya at hinatid na niya ako sa bahay. Anong Ora's na daw kasi kaya hinatid na niya ako. Natatakot din naman kasi siya sa mga magulang ko At ayaw niyang mawala daw ang tiwala ng mga yun sa kaniya.
Bumangon na ako sa higaan At tinawagan ang pinakamamahal kung lalake.
"Good morning babe." Aniya ko dito ng sagutin agad ang tawag ko.
Tumayo na ako sa higaan At pumunta sa closet ko At nag hanap ng masusuot.
"Good morning babe. Kakagising mo lang?" Tanong nito.
"Oo e. Bat Hindi mo ako ginising." Pag iinarte ko dito.
"Naka ilang miss call na kaya ako sayo hindi mo sinasagot." Aniya nito sa Akin.
"Talaga ba babe? Sorry" Sagot ko.
"Next time kasi wag nang mag OT napupuyat ka tuloy. Napapagod pa ang misis ko" Aniya nito sa Akin na nag pakilig ng bahagya ng kalamnan ko sa katawan.
"Opo na po. Sige na po maliligo na ako. Nasa work kana ba?" Tanong ko dito.
"Papuntang office palang babe." Sagot nito.
Tumango ako saka nag paalam na dito na mag aayos na ako. " Sige na Babe mamaya na lang lunch time I love you."
"I love you too." Sagot nito saka ko pinatay ang tawag.
Nag aayos na ako nang sarili nang biglang tumunog ang phone sinagot ko naman ito kaagad.
"Hello?" Sagot ko dito.
"Ms. Micah what time ka makakapasok?" Tanong sa Akin ni Erick.
Si Erick ay isang bakla kung ka officemate. Ka close ko din ito.
"Paalis na ako ng bahay. Bakit?" Tanong ko dito.
"May meeting ka kasing a attendant now e. Pinapasabi ng boss ." Aniya nito sa akin.
Kaya kaagad naman akong mag madali At pakiramdam ko bago umalis nang bahay May nakakalimutan ako Pero di bale na May meeting akong a attendan ngayon.
Nasa office na ako ngayon At mag time in na. Pumunta na ako sa pwesto ko At binaba na doon ang bag ko.
Lumapit naman sa Akin si Erick. "Be. Malapit na mag start ang meeting pumunta kana doon." Sabi nito sa Akin.
"Huh? Hindi ko pa nga alam ang gagawin ko e." Aniya ko dito.
"A attend ka Lang naman e. Di na pumunta kana doon." Aniya nito At tinulak na ako sa meeting area.
Pumasok na ako sa loob at wala pa namang Tao doon e. Bakit ang sabi ni Erick mag I start ng ang meeting wala pa namang tao ah.
Huminga ako ng malalim At mag lalakad na sana pa labas Pero May biglang pumasok na May mga dalang balloons.
Nag tataka naman ako kung bakit May mga balloon na dala itong mga ka office mate ko?
Nag dikit na ang dalawang kilay ko dahil nag tataka na talaga ako kung anong meron? Bakit hindi ako na inform dito?
"Ahm. Guys anong meron? Bat parang Hindi ako kasali? Nakalimutan nyo ata na part din ako dito diba?" Tanong ko sa kanila.
Nag sitawanan naman silang lahat At maya maya pa dumating ang Ilan pang ka office mate ko na dala dala ang ibat ibang letters.
Habang unti unting duma dami ang tao ganoon din ang unti unting pag buo ng words sa bawat letrang dala dala nila.
Nang mabasa ko kung ano ang nakalagay napatakip ako sa aking bibig dahil Oo nga pala Anniversary namin ngayon ni Eathan.
Biglang lumabas naman ang pinaka importanteng lalake sa buhay ko At May dala dala itong bulaklak.
Dumaretso naman ito sa Akin At ngiting ngiting nakatingin sa Akin. Lumapit din ako dito at diko malaman kung anong emosyon ang ipapakita ko sa kaniya sobra sobra kung saya ngayon.
Kahit nakalimutan ko na anniversary namin ngayon pumunta pa talaga siya dito sa company at sinorpresa pa ako.
"Happy Anniversary Babe." Aniya nito ng makalapit sa Akin At inabot sa Akin ang bulaklak na dala niya.
Natuwa ako kasi hindi siya rose na madalas inaabot ng mga lalake sa mga girlfriend nila. Kasi yung binigay niya sa Akin is sunflower na favorite na favorite ko.
"Thankyou. Happy anniversary din babe." Aniya ko dito.
Nakita ko na umalis na ang mga ka office mate namin At syempre dalawa na lang kaming natira dito.
"Tara?" Sabi ni Eathan.
"Huh? Anong Tara? Babe may work pa ako. Mamaya na lang hapon siguro tayo mag celebrate ng Anniversary natin." Aniya ko dito.
"Babe kaya nga ako nandito kasi Pinag paalam na kita sa boss mo na mag le leave ka muna ngayon kasi anniversary natin." Sagot nito sa akin.
Nagulat naman ako kasi bigla bigla na lang kasi ito si Eathan. Pero masaya naman ako. Syempre mahaba ang time namin para makapag celebrate ng anniversary namin.
Kinuha ko na ang bag ko sa pwesto ko At nag paalam na sa mga ka office mate ko at syempre sumakay na ako sa kotse ni Eathan.
"Saan tayo pupunta babe?" Tanong ko dito.
"Gusto ko sanang mag bakasyon tayo sa cebu kaya Lang May work tayo e. Babe naisip ko Lang na pumunta tayo sa laguna ngayon sa Sta. Rosa mag E.K tayo?" Aniya nito.
"Sige Babe! Hindi pa ako nakakapunta doon." Aniya ko naman.
Kung ano ano ang sinakyan namin ni Eathan At sobrang saya ko. Kaya lang ewan ko dito sa isang ito ayaw niyang sumakay sa E.K extreme Pero gusto ko doong sumakay e.
Pero wala siyang nagawa at pinilit ko siya na makasakay kami doon. Dumertso na kami nang lakad habang mag kaholding hands ang mga kamay namin.
Pumilana kaming dalawa. Grabe sobrang haba ng pila. Kaya kami nitong katabi ko tanda na tanda.
Maya maya pa napapansin ko yung dalawang babae sa harap ko naka titig maigi sa boyfriend ko.
Tinignan ko naman ito At ang gwapo niya nga talaga ngayon. Gwapo naman talaga si Eathan pero iba yung ngayon e.
May something sa kaniya ngayon na kakaiba. Nakatingin ako dito at ito ay nakatitig Lang sa E.K extreme kung Paano ito unti unting tumataas At biglang bababa. Nag sisigawan ang mga tao doon kaya ang isang ito ay napapalunok na lang.
Napatingin ulit ako sa mga babae at nakatitig padin kay Eathan. Kinulbit ko si Eathan At napaharap ito sa Akin.
"Bakit babe?" Tanong nito.
"Bakit ang gwapo mo ngayon?" Tanong ko dito.
Napatikhim ito At tinawanan Lang ang sinabi ko. Teka anong nakakatawa doon? "Babe gwapo naman talaga ako. Kaya nga patay na patay ka sa Akin e." Mayabang na Sabi nito sa Akin.
"Ang yabang mo." Inis kung sambit dito. At tumalikod. Naramdaman ko na lang na bigla niya akong niyakap sa likod At bumulong.
"Alam kung nag seselos ka sa mga babaeng nakatitig sa Akin kanina pa." Alam naman pala tapos mag papacute pa.
"Alam mo naman pala. E bakit parang nag papa cute ka pa lalo? Nagagandahan ka sa kanila ganun?" Inis kung sambit dito.
"Babe hindi ah. Anniversary natin ngayon wag ka namang magalit let's enjoy ok?" Aniya nito at Hinalikan ako sa pisngi. Saka niyakap ng mahigpit patalikod. Hindi ko maintindihan Pero bigla na lang akong bumibigay kapag nagpapaawa effect sa akin si Eathan.