His proposal
Mahaba pa din ang pila at syempre itong katabi ko naka titig nanaman sa EK extreme.
Pakiramdam ko lalo siyang kinakabahan lalo na't palapit kami ng palapit.
"Babe wag ka ngang kabahan diyan. Andito ako oh?" Turo ko sa sarili ko.
Niyakap niya Lang muli ako At pakiramdam ko naman nawala nang kaunti yung kaba niya.
Makalipas ang kalahating Ora's sa pag pila kami naman ang sasakyan sa EK extreme.
First time kung sasakay dito kaya sobrang excited ko. Unti unti nang umaakyat ang sinasakyan namin nakakatakot ang taas na namin.
Nang makaakyat na kami sa tuktok sumisigaw lang ako At napansin ko yung katabi ko na sumisigaw sa sobrang takot kaya sobra akong Natawa.
Nang makababa kami huminga muna ako ng malalim saka pinuntahan ang boyfriend ko.
"Babe San naman tayo ngayon?"natutuwa kung tanong dito.
"Uuwi na tayo Babe gabi na." Aniya nito sa Akin saka ako hinawakan sa kamay.
"Huh? Uuwi agad?" Maktol ko dito.
"Syempre kain muna tayo tapos punta tayong mall." Aniya nito sa Akin.
Sumama naman ako dito at sumakay na kami sa kotse niya. "Babe pahiram phone." Binigay ko naman yung phone niya saka bumaling sa bag ko.
Kinuha ko ang maliit kung Salamin At nag retouch ng kaunti polbo At liptint Lang saka ako humarap sa katabi ko na bising nakikipag text.
Hindi na nito inabot sa Akin ang phone niya At pinaandar na ang kotse. Seryoso si Eathan naka tingin sa kalsada samantalang ako nag iisip kung anong i reregalo sa isang ito dahil nakalimutan ko na anniversary namin ngayon.
"Babe andito na tayo." Humarap ako dito saka ngumiti.
Pinag buksan na niya ako ng pinto ng sasakyan niya At syempre mag kahawak ang kamay naming dalawa na pumasok sa isang restaurant.
Huh? Akala ko ba mall? Bakit nasa restaurant kami? Humarap ako dito at tumigil sa pag lalakad. Humarap din naman agad ito ng maramdaman niyang tumigil ako.
"Bakit babe?" Takang tanong nito sa Akin.
"Akala ko ba mall?" Aniya ko dito.
"Kakain muna tayo." Sagot nito.
Tumango lang ako saka nag simula na ulit mag lakad. Pumasok na kami sa loob At syempre nag umpisa ng umorder ng pag kain.
Napakamahal naman ng pagkain dito ginto ba ito? Humarap ako sa boyfriend ko na tapos ng umorder kaya ang pinili ko na lang is isang salad.
"Miss salad lang yung sa Akin sa pineapple juice." Aniya ko dito.
"Babe bakit? Salad? Mabubusog laba diyan?" Tanong sa Akin nito.
"Babe masyadong mahal yung pagkain." Bulong ko dito.
Humarap ito sa waitress at nakaramdam ako ng inis dahil kung maka ngiti itong sa ate akala mo naman.
Ngumiwi ako kay Eathan ng humarap ito sa Akin matapos maka usap si ateng waitress.
"May problema ba babe?" Tanong nito.
"Wala naman." Walang gana kung sagot dito.
"Hatid mo na ako sa bahay pag kakain natin." Aniya ko dito.
"Okay babe." Sagot nito.
Nagulat ako sa sinagot nito At napatitig dito na nakaharap na naman sa phone niya At bising nag ta type doon.