The Anniversary
Pinag papasalamat ko sa May taas dahil tumagal kami ni Eathan ng two years bilang isang mag asawa.
Kahit madalas.... ah.. Hindi... kung minsan palaging may tampuhan. Syempre hindi naman yun Maiiwasan sa mag asawa.
Sa two years na yun masasabi ko na ako na ang pinaka masayang asawa sa lahat.
Bakit? Aba May pinaka gwapo, matalino, maaruga, sweet, At mapagmahal na asawa. Wala na akong hahanapin pa para kay Eathan halos nasa kaniya na lahat. Full package naba. Kung iisipin.
At sa ngayon ang araw ng third anniversary namin bilang mag asawa. Ang saya dahil kahit hindi pa kami nabibiyayaan ng baby tumatagal pa din kami.
Nasa work ngayon si Eathan. Ewan dun nakalimutan atang anniversary namin ngayon as husband and wife.
Pero na iintindihan ko naman ang asawa ko dahil sa kaniya muna pinamahala ng mga magulang niya ang kumpaniya niya.
Nung isang araw nga inulit na naman niya sa Akin ang kursong tinapos niya. Hindi man lang daw niya na gamit dahil ibang trabaho naman ang ginaganapan niya ngayon.
Sinabihan ko na lang siya na pansamantala Lang yun. Para hindi masyadong mag isip.
Lumipas ang oras At syempre hapon na. Bakit wala pa din si Eathan? Nag luto pa naman ako ng mga paborito niya At bumili ng cake nag handa ako dahil third anniversary namin ito.
Tinatawagan ko siya Kanina pa Pero unattended naman ang phone niya.
Huminga ako ng malalim para mabawasan itong bigat na nararamdaman ko.
Maya maya pa May bumukas na ng pinto syempre hindi na ako magugulat kung sino iyon.
Nasulyapan ko ito mula dito sa kusina na daretso lang ang lakad. "Eathan!" Tawag ko dito na kaagad din namang humarap.
"Hon." Simpleng sagot nito saka lumapit sa Akin.
Napatingin ito sa mga handa na nasa lamesa At tumingin sa Akin na May pag tatanong kung anong meron.
"Happy third anniversary hon." Malungkot ko ditong bati.
Ngumiti ito sa Akin At May kung anong kinuha sa bag nito. "Happy anniversary." Masayang bati nito na May sun flower na namang inabot sa Akin. At isang maliit na kahon na hindi ko naman alam kung ano.
Napalitan ng kilig ang malungkot ko kaninang mukha. "Bakit ngayon mo lang ako binati? Tapos hindi mo sinasagot Tawag ko." Angal ko dito.
"Sorry na hon.. gusto sana kitang sorpresahin kaya Lang nag handa kana e."
"Ganon? Eh ano ba yang kahon na maliit na yan?" Turo ko sa kamay nito na hawak pa din yung kahon.
"Ah ito?" Pakita niya sa Akin. "Regalo ko sayo." Saka niya binuksan yun at Nakita ko doon ang isang infinity na kwintas.
"Regalo mo?" Ulit ko dito na nakatingin pa din sa kwintas. Halata dito na mahal ito At tunay dahil May mga bato bato na nakalagay sa infinity.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong nito.. sa sagot palang sana ako Pero Hindi na nito inintay ang sagot ko At Kaagad na isinoot sa leeg ko ang kwintas.
Hinawakan ko yun mula sa leeg ko At Hindi mapatid ang ngiti. "Oo hon. Nagustuhan ko ang ganda. Mag kano naman ang Bili mo dito?"
Niyakap ako nito mula sa likod At isinandal ang baba nito sa leeg ko. "Hindi na mahalaga hon kung mag kano ang bili ko diyan sa kwintas ang mahalaga masaya ka."
"Ang mahal siguro nito." Sagot ko dito. At humarap. "Kumain kana ba?" Tanong ko dito.
"Hindi pa nga hon e." Na una na itong umopo malapit sa lamesa At kumuha ng Kanin para mag simula nang kumain. "Kain kana din hon." Aya nito sa Akin.
Tumango lang ako saka umupo na din sa gilid nito.
Pag katapos naming kumain nang madami umakyat na kami papuntang kwarto At sabay na naligo sa banyo.
Syempre hindi na maiiwasan na walang mangyari sa Amin. Lalo na At anniversary namin ngayon.
Kinabukasan Nagising ako dahil nasusuka ako At May kung ano na hindi ko maipaliwanag sa tiyan ko.
Kumaripas kaagad ako ng Takbo sa banyo para doon mag suka. May nakain ata akong hindi maganda kagabi. Nag mumog Lang ako ng tubig saka humiga ulit sa kama At niyakap ang asawa ko na mahimbing na natutulog.
Tinignan ko ang oras At 6:30 na. Mamayang 8:00 pa ang pasok nito pag luluto ko muna ng almusal ito.
Nang na kapag hain na ako sa lamesa saktong bumaba na ang asawa ko At bihis na ito.
"Mag almusal kana hon." Yaya ko dito at umupo na din sa lamesa.
Pag katapos naming mag almusal umalis na din ito At pumasok na sa trabaho. Hindi pa man nakakalayo ang sasakyan ni Eathan na susuka nanaman ako kaya kaagad akong mag tungo sa lababo ng kusina At doon nag susuka.
"Hinda na ako natutuwa sa pag susuka ko ah." Aniya ko sa sarili ko.
Nasa mall ako Clinic ako ngayon naisip ko kasi kanina na mag pa check up na dahil Kanina pa ako suka ng suka. At tubig lang naman ang sinusuka ko. Baka mamaya May sakit na pala ako. Ayoko naman na ma Byudo kaagad ang asawa ko.
"Congratulation Mrs. Go you are two weeks pregnant." Masayang bati sa Akin ng Ob Gyn.
Pina gamit ako nito ng pregnancy test. tatlong beses ko yung sinubukan dahil baka mamaya hindi pala totoo kaya Lang sa tatlong beses na pagsubok ko tatlong beses din akong kino congratulate dahil puro positive ang lumabas.
Natuwa naman ako dahil sa wakas mag ka ka baby na din kami ni Eathan. Kaagad kung tinawagan si Eathan para tanungin ito kung anong oras uuwi.
"Hello hon?"
"Hon anong oras ka uuwi mamaya?"
"Hindi ko sure hon, baka hindi ako makapag dinner diyan sa bahay dahil niyaya ako ng mga katrabaho ko na kumain sa labas. Baka May late pa ako ng uwi hon."
"Ahh... ganun ba? Sige hon intayin na lang kita."
"Sige." Simpleng sagot nito.
"Bye hon I love you."
"I love you more." Sagot nito At pinatay ko na ang tawag.
Pag ka dating ko sa bahay mga hapon na yun At kumain Lang ako ng kumain nang kung ano man ang gusto ko.
Ten na nang gabi nang makauwi si Eathan halata dito na Pagod na pagod ito.
Hinubaran ko ito nang polo at sapatos para makapag pahinga. Maya maya nang kaunti nag punta itong banyo para mag half bath. Wala pang kalahating oras tapos na ito.
Humiga ito sa tabi ko At ginawang unan ang braso nito habang naka pikit ang mga mata.
Niyakap ko naman ito At hinalikan sa pisngi. Gusto ko nang sabihin sa kaniya na buntis na ako at hindi na ako makapag intay. "Hon..." Tawag ko dito..
"Hmmmm..." ungol nito.
"May sasabihin ako sayo." Habang naka akap pa din ako dito.
"Ano yun." Halata sa boses nito ang pagod Pero pinipilit pa din akong makausap.
"Buntis na ako hon.. magiging daddy kana." Masaya ko ditong sabi.
"Ahhh.... talaga ba?" Pagod nitong sabi At niyakap din ako.
"Oo hon kanina nag pa check up ako sa Ob Gyn." Aniya ko dito.
Alam kong pagod ito kaya Hindi masyadong naka pag react nang sinabi ko dito na buntis ako.
Pero alam kung masaya sya na buntis na ako At magiging daddy na siya. Dahil matagal na din niya itong gustong mangyari.