Meet baby Liam
Months has past kabuwanan ko na... natatawa panga kami ni Eathan nung sinabi namin sa mga pamilya namin na buntis ako.
Hindi sila makapaniwala sa mga narinig nila sa Amin. Pero kalaunan tuwang tuwa naman sila dahil sa wakas mag kaka baby na kami ni Eathan.
Bumiyahe pa sila Nanay At Tatay dito sa Manila para May makasama daw ako dito sa bahay habang nagbubuntis ako sa panganay namin ng asawa ko.
Na kwento ko kasi sa kanila na ako Lang mag isa sa bahay tuwing Lunes hanggang biyernes dahil nga May trabaho ang asawa ko.
Dahil mahal na mahal ako ng magulang ko pinuntahan talaga nila ako dito para May mag alaga sa Akin.
Nabungangaan pa nga nila si Eathan dahil daw pinababayaan ako nito Pero sinabi ko naman na hindi ako pinababayaan ng asawa ko dahil nag tatrabaho Lang talaga si Eathan kaya Hindi niya ako makasama ng isang lingo At mabantayan.
Pero ang Totoo mas inuuna ni Eathan ang trabaho niya kesa sa Amin ng anak niya.
Mahal na mahal ko si Eathan kaya na iintindihan ko siya. Alam ko naman na ayaw niya Lang makita ang tiwala ng mga magulang niya sa kaniya At lalo na ayaw niyang May masamang mangyari sa kumpanya nila.
Sa ngayon kumakain Lang ako ng manga na sinasawsaw ko sa bagoong na May sili. Takam na takam kasi ako dito. Bago nga umalis kanina si Eathan inutusan ko muna itong ipagluto ako ng bagoong At ito nilalantakan ko na.
Halos isang kilo na ang kinakain ko ng dumating sa kusina sila Nanay. "Good morning po Nay." Bati ko sa mga ito habang patuloy pa din sa pag kain ng manga.
"Ang aga mo naman magising ang asawa mo nasa trabaho na ba?" Sabay upo nito sa tapat ko. "Dapat hindi kana nag kakain dahil kabuwanan mo na." Payo sa Akin.
"Natatakam po kasi ako talaga sa manga, kaya nag paluto muna ako kay Eathan ng bagoong bago ito pumasok sa trabaho."
"Ayy mabuti naman at pinag silbihan ka nang asawa mo!" Inis nitong sumabat sa Akin.
"Nay wag ka nang magalit sa asawa ko. Busy lang talaga yun." Pagtatanggol ko naman. "Nga pala nay? Si Tatay nasaan?" Pag iiba ko ng topic.
"Ay nandoon sa labas At May ginagawa." Tumango na lang ako dito bilang tugon At Pinag patuloy ang pagkain ko.
Tumayo si Nanay mula sa pag kaupo nito At mukang mag luluto ito. "Uminom ka na ba ng gatas Huh?" Tanong nito habang May kung anong ginagawa. "Opo Nay. Pinagtimpla ako ni Eathan bago niya ako ipagluto ng bagoong kanina."
Hindi na ito umimik pa At narinig ko na lang binuksan nito ang kalang At mag simulang mag luto.
Ilang minuto Lang inutusan ako ni Nanay tawagin si Tatay sa labas. Tumayo ako At Inilagay muna sa basurahan ang mga buto ng manga na naubos ko. Saka ako lumabas ng kusina para tawagin si Tatay sa labas.
Pag labas ko na kita ko kaagad si Tatay na nag wawalis ng mga tuyong dahon. "Tay! Mamaya na po iyan kakain na pinatatawag kana ni Nanay!" Tawag ko dito na nag patigil sa ginagawa nito.
Binitiwan nito ang walis At dustpan saka daretsong nag lakad papasok sa loob. Nauna na akong mag lakad kay Tatay dahil medyo medyong sumagot ang tiyan ko kaya napahawak ako dito at hinimas himas.
Nang matapos mag almusal pumunta muna akong sala At nanood doon ng TV Pero Hindi ko naman nagustuhan kaya pinatay ko na lang.
Maya maya pa humapdi na naman ang tiyan ko At Hindi lang ito Basta hapdi Lang. Hinimas ko ang tiyan ko dahil masakit na ito.
Habang naka sandal ako sa sofa naming mahaba bigla na lang May lumabas na maraming tubig sa pwerta ko at sumakit ng todo ang tiyan ko.
Kumikirot kirot ito At Hindi ko na alam kung saan ako hahawak. "Nay!! Tay!! Mangaganak na ata ako!!" Sigaw kung Tawag sa mga magulang ko.
"Jenny!!!" Sigaw na Sagot ni Nanay saka sabay silang nag Tatakbo ni tatay papunta sa Akin.
"Jusme pumutok na ang panibigan mo!" Aniya sa Akin.
"Nako! Julio! Buhatin mo na itong anak natin at tatawag ako ng taxi para madala na kaagad ito sa hospital."
Binuhat naman ako ni Tatay At si Nanay na katawag kaagad ng taxi dinala ako ng mga ito sa pinaka malapit na private hospital at inihiga na ako sa hospital bed at daretsong dinala sa delivery room.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!" Malakas kung iri. Humihinga ako ng malalim saka iiri ng Malakas.
Hinihimas ng doctor ang tiyan ko saka mag bibilang papairihin ako. "Okay po misis kaunting iri na lang lalabas na si baby. Pag bilang ko ng tatlo umiri ka ah." Tumango tango ako dito habang hinihimas nito pababa ang tiyan ko. "Okay... misis.. one... two... three..!!! Ireeee!!" Sigaw nito.
"Ahhhhhhhh.... huhuhu....ahhhhhh.." malakas kung iri At naramdaman ko na lumabas na ang baby namin.
"It's a boy misis." Masayang buhat buhat ni doc ang baby namin na punong puno ng dugo.
Iniabot nito sa Akin At napangiti ako na naluluha ng mahawakan ko ito. "Hi anak..." Bati ko dito.
Umiiyak ito ng malakas kaya henele hele ko ito. Pero nakakaramdam ako ng Hilo kaya iniabot ko ulit sa doctor ang anak ko. "Doc nahihilo po ako.." Sabay abot ko sa anak ko saka ako nawalan ng Malay.
Nagising na lang ako na may mahigpit na nakahawak sa kamay ko At nakita ko ang asawa ko na naka tungo sa tabi ng bed sheet ko. Hinaplos ko ang buhok nito na siyang mag paangat sa ulo nito.
"Hon? Gising kana pala? May masakit ba sayo? Nagugutom kaba? Anong gusto mo?" Natatarantang tanong nito sa Akin.
Hinaplos ko ang pisngi nito saka ngumito. "Hon Okay Lang ako.. pahingi Lang ako ng tubig." Agad naman ako nitong binigyan at pinainom ng tubig.
"Tinawagan ako nila Nanay sa opisina kaya nag madali akong pumunta dito. Pag dating ko sakto nasa delivery room kana." Aniya nito sa Akin. Tumango tango lang ako Dito bilang sagot.
"Nakita ko na pala yung baby natin hon... diko pa maipaliwanag kung sino ang kamukha nito. Iniabot ko na lang sa nurse yung gamit ni baby para sila na ang mag bihis dito."
"Paniguradong ikaw kamukha nun.. sayo ko kaya Pinag lihi ang baby natin... nga pala Nasaan sila Nanay?" Tanong ko dito.
"May bibilhin Lang daw sila e." Tumayo ito At hinalikan ako sa noo.
Maya maya pa bumukas ang pinto nitong kwarto At dala dala ang baby namin Lumapit naman dito ang asawa ko At kinuha ang anak namin.
"Sir ito po yung papeles na kailangan nyong fill apan need na po Kasi yung name ng baby." Nakangiting sabi ng nurse sa asawa ko At lumabas na ito ng kwarto.
Lumapit ito sa Akin At pinakita ang baby namin. "Hon anong ipapangalan natin sa kaniya?" Tanong sa Akin nito.
Nag isip isip muna ako.. "hon Jonathan kaya?" Aniya ko dito..
"Saan mo kinuha ang Jonathan?" Nakangiti pa din itong nakatitig sa baby na min.
"Sa pangalan mo saka kay Tatay." Simpleng sagot ko dito.
"Sige Pero gusto kong dagdagan ng liam yung pangalan niya." Tumango na lang ako dito saka nito iniabot sa Akin ang anak namin na si liam.
He fill up the papers and he put it down when he finish to answer the paper. " hi baby Liam I'm your daddy." Kausap nito sa anak namin.
I'm so happy that baby Liam came to our life. Umaasa ako na si liam ang mas mag papatibay sa samahan naming mag asawa.