KABANATA 25

52 3 1
                                    


At The Bar

Kinabukasan maaagang umalis para pumasok si Eathan. Hindi na nga nito nagawang mag almusal dahil sobrang nag mamadali ito.

kaya ngayon mag isa nanaman akong kakain ng almusal. Pinainom ko muna nang gatas si Liam At itinabi ko ito malapit sa Akin para mabantayan ko ng maayos kahit kumakain ako ngayon.

Paulit ulit Lang naman ang routine ko dito sa bahay sa tuwing aalis si Eathan At papasok sa trabaho.

Gigising ng maaga aasikasuhin siya. Mag luluto ng almusal na hindi naman nito kakainin. Titigan ang kotse nitong papalayo sa bahay namin. Aasikasuhin ang anak namin mag hapon. Iintayin ang text at Tawag nito na wala namang kasiguraduhan na magagawa nga nito. Mag Lilinis ng kaunti kapag naka tulog si Liam. Mag papahinga ng kaunti At magluluto na naman. Aasikasuhin muli si Liam, magluluto At iintayin ang asawa ko hanggang umabot ng madaling araw.

Ganyan ang routine ko sa araw araw. Malaki nga ang pinag bago ng asawa ko simula nang manganak ako.

Pero binabalewala ko iyon dahil sa ka dahilan ko na iniintindi ko siya dahil alam ko na ginagawa niya ito para din sa Akina At sa anak namin.

Tanghali na Pero Hindi pa din nag paparamdam sa Akin ang asawa ko. Kahit text at Tawag ay wala akong natatanggap.

Maya't maya din ang tingin ko sa cellphone ko dahil nagbabakasakali ako na tatawag ito At kakamustahin ako.

Kahit alam ko na hindi naman. Habang pinupunasan ko ang labi ni Liam dahil pinapainom ko ito ng gatas.

Biglang tumunog ang phone ko. Wala pang isang segundo nakuha at hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag.

"Hello hon? Kanina ko pa iniintay ang tawag mo." Malambing ko ditong sabi.

Nawala naman ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ang boses ni Shiela. "Huh? Anong Eathan? Ako ito si Shiela! Hindi ba naka Dave sa contact mo ang number ko?" Tuloy tuloy nitong sabi.

"Sorry akala ko asawa ko ang tumawag. Naka save bebs ang number mo Hindi ko Lang tinignan kung sino ang tumawag." Walang ganang Sagot ko dito.

Tumingin na lang ulit ako sa anak ko At pinag patuloy ang pag punas sa labi nito.

"Hay nako...." Sagot naman nito.

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. "Bakit ka napatawag?" Tanong ko dito.

"tatambay sana ako diyan sa inyo wala kasi akong ginagawa ngayon."

"Sige punta ka na lang dito wala din akong kausap e. Si Liam lang."

"Sige mag aayos Lang ako tapos punta na ako diyan bye muah."

"Ingat ka bye."

Binaba na nito ang tawag At inayos na ang mga gamit na nakakalat dito sa sala. Malaya akong nakapag linis dahil mahimbing na natutulog si Liam.

Maya maya pa May nag doorbell na at alam ko na si Shiela iyon. Itinigil ko muna ang pag huhugas ko At pinagbuksan ito ng pinto.

"Hi!" Masaya nitong kaway sa harap ko.

Hinawakan ko ang kamay nito At ibinaba. "Wag ka masyadong maingay natutulog sa sala si Liam baka magising mag huhugas pa naman ako ng pinggan." Saway ko dito.

"Ay... ganun ba? Tulog ang inaanak ko? Sayang Wala akong malalaro."

Dumaretso kaming dalawa sa kusina At pinag patuloy ang pag huhugas ko samantala ang isa chinichismiss ako ng husto.

"So kamusta na kayong mag asawa?" Tanong nito.

"Ayos lang." Simpleng sagot ko.

"Nung Sagot yan?"

One Mistake Of Eathan Go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon