He want to court me
Lumipas ang ilang buwan madalas kung pumunta si Eathan sa Tindahan namin. At dahil din doon naging mas malapit ang loob namin sa isa't isa.
Madalas kung mag asaran kaming dalawa kapag kami Lang ang bantay sa Tindahan. Kaya naging mag kaibigan na din kami.
Simula nang mag ka boyfriend kasi si Shiela parang si Eathan ang pumalit dito.
Paano naman kasi. Simula nang malaman ko na may boyfriend na siya, dalawang beses o tatlong beses na lang kung pumunta yun dito sa Tindahan. Tapos kung minsan pa saglit na lang ito tumabay sa Tindahan kaya madalas na iiwan akong mag isa.
Minsan nalulungkot ako kung iisipin ko iyon. Nasanay na din kasi ako na Palagi kung kasama ang best friend ko na si Shiela.
Pero ayos lang naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin ngayon. Siya May boyfriend at ako bantay sa Tindahan.
Sa ngayon wala akong magawa At walang maka usap. Andito Lang naman ako sa Tindahan nakaupo At nakatunganga sa kawalan.
"Hoy Jenny ay kalalim nang iniisip ay. Sino ga iyan huh?" Nakangising tanong sa Akin nang magaling kung kuya.
Umirap Lang ako dito sa tinignan. " Eh wala naman akong iniisip Eh. Ito si kuya kung Ano ano sinasabi."
"Aysus.. kunwari ka pa.. ey sino nga?" Kulit talaga nito e.
"Eh malamang si Shiela lang naman.. Paano hindi na masyadong nag gagawi dine. At madalas na andoon sa boyfriend niya!" Aniya ko dito saka mag pangalumbaba sa lamesa.
"Ay sus baka naman si Eathan ang iniisip mo kunwari kapa! Ha!ha!" Pang aasar sa Akin ng damuhong ito.
Nagulat naman ako sa biglang Sigaw ni Nanay. "Ay.. hoy! Jenny Maica! Andiyaan ka pa man din sa Tindahan abay naka pangalumbaba ka pa!" Sigaw nito sa Akin.
Kaagad ko naman tinanggal ang kamay ko. "Sorry po inay." Aniya ko dito at tumungo nalang.
Boring na boring ako ngayon dito sa Tindahan. Walang magawa At makausap Paano Tuesday ngayon. Kaya ang magaling At mandurugas kung kuya ang toka ngayon.
Wala na naman kasi si Shiela Paano ayun.. andoon na naman sa jowa niya. Sarap din bigwasan nun kung minsan e. Nakalimutan na atang May kaibigan siya ditong single e.
Pero maya-maya palang naisip ko na ngayon na lang kayo bumili nang gamit ko sa eskwela tutal wala pa akong gamit At Hindi ako ang toka ngayon para mag bantay dito.
Lumapit ako kay Nanay para sabihin Dito na ngayon na ako bibili nang gamit.
"Nay ngayon po pala ako bibili ng gamit sa eskwela." Aniya ko dito.
Nagulat naman ako nang abutan ako nito nang sampung Libo.
"Nay? Bakit ganere kalaki naman nitong inabot mo sa aking pera?" Takang tanong ko dito habang pinapakita sa kaniya ang perang inabot sa Akin.
"Ano kaba naman Jenny ey malamang hanggang pasukan yaang pera yan."
Huminga naman ako nang malalim nang marinig ko ang sinabi sa Akin ni Nanay.
"Sige ho, Alis na ako." Paalam ko dito saka lumabas.
Hinarap ko si kuya At mag papaalam dito. "Oy.. kuya! Ako'y aalis muna gawa nang bibili ng gamit ko sa eskwela. Kaw na bahala dito huh? Tulungan mo si Nanay wag ka puro lakwasta!" Paalam ko kay kuya Jemuel.
Tumango lang ito At nakatitig lang sa cellphone nito at patuloy sa paglalaro nito.
"Oo! Maligo ka din napaka Baho muna abot dito! At para din May mag kamaling May manligaw sayo! Ha! Ha! Ha!" Sigaw nito sa Akin habang palakad pa labas ng Tindahan.