I meet her
Nagising ako dahil May mabigat na kung ano ang naka akap sa tiyan ko. Ramdam ko na agad kung sino ang nakaakap sa Akin kaya marahas kung tinanggal ang kamay nitong naka akap sa Akin At ang paa nitong naka dantay sa hita ko.
"Hmmm... hon.." Tawag nito sa Akin habang naka tayo na ako.
Hindi ko ito pinansin At nagpatuloy sa paglalakad At lumapit sa anak kung tulog pa din.
"Hon? Hindi ka natulog sa kwarto natin." Aniya nito habang nakabihis na At umupo sa lamesa.
Inabutan ko ito ng kape At niluto kung fried rice At itlog. Hindi ko ito pinapansin para saan? Para lalong magalit sa kaniya? Pwes wag na!
"Bilisan mong kumain diyan malelate ka sa trabaho mo." Walang gana kong sabi dito habang Iniwan itong mag isa sa kusina.
Tinawagan ko si Shiela dahil May Gusto akong gawin ngayong araw. Hindi pa man nakakadalawang ring ay sinagot na nito.
"Hello Bebs? Bakit?" Tanong nito.
"Samahan mo ako mamaya. Pumunta ka dito sa bahay." Aniya ko dito.
"Bakit?" Tanong nito.
"Basta. Mamaya ko ikekwento sayo Pag dating mo." Saka ko pinatay ang tawag at inilagay aa bag ko.
Pinuntuhan ko sa kwarto si Liam na ngayon ay gising na. Tumayo ito habang ginagawa go alalay ang gilid ng crib.
"Owww.. gising na ang baby ko." Malambing kung sabi habang binubuhat ito. "Ang bigat mo na anak ah." Angal ko dito.
"Hon.." napatigil ako sa paglalambing kay Liam nang marinig ang boses ng isa.
Tumingin Lang ako dito at tinaas ang kilay na mag tatanong kung ano yun? Mukhang naintindihan niya ang ibig kung sabihin At Lumapit ng kaunti ito.
"Aalis na ako, hinugasan ko na din yung pinag kainan ko sa baba." Paalam nito.
Inirapan ko Lang ito At nilipat ang tingin sa anak namin. "Okay... ingat ka." Walang gana kung sabi dito.
Napansin kung hindi pa ito umaalis At nakatayo pa din sa gilid ko. "Anong ginagawa mo diyan? Dika pa umaalis?" Tanong ko dito.
"Good bye kiss." Nakasimangot nitong aniya.
"Kailangan pa ba?" Pasinghal kung sabi.
"Grabe ka na man hon.. kagabi kapa masungit meron kaba ngayon? Sabagay malapit ka nang mag karoon na naman kaya nag susungit ka." Aniya nito.
Ito na lang ang humalik sa Akin At umalis kinikilabutan ako ng biglang dumampi ang labi nito sa mga labi ko.
Nang makaalis na si Eathan nag ayos na ako nang sarili ko. Naligo At nag bihis ng maayos.
Nang matapos ko sakto naman ang dating ni Shiela.
"Bebs? Bakit mo ba ako pina punta dito?" Aniya nito habang naglalakad paupo sa sofa.
Binuhat ko si Liam At kinuha ang bag ko. "We are going to Go company." Seryoso kung sabi dito.
"What?" Nakaka nganga nitong tanong sakin.
"We are going to Go company. I need to talk his mistress." Matapang kung Aniya dito.
"Yan! yan ang gusto ko sayo Bebs e! Oh sya tara na! At reresbakan natin ang mistress ng asawa mo!" Nakangiti itong tumayo At Nauna nang lumabas ng bahay.
"Ako Lang papasok sa loob. At makikipag usap kay Miss Sarmiento."
"What? Paano kapag sasaktan ka nun?" Angal nito.
