KABANATA 29

51 2 0
                                    

I'm Leaving

Nasa bahay na kami at pinahawak ko muna kay Shiela ang bata. Umakyat ako sa kwarto para mag impake ng damit.

Wala nang paligoy ligoy kinuha ko agad ang maleta At inilagay ang mga damit doon.

Habang ginagawa ito umiiyak ako dahil sobra akong nasasaktan, sana sinabi niya sa akin yung ganito na meron na pala siyang iba.

Na hindi na niya ako mahal, para hindi ako nag mukhang tangga sa pag iintindi sa kaniya.

Pero Hindi niya sinabi at hinayaan niya akong magising sa isang kasinungalingan.

"Bakit Eathan? Naging mabuti naman akong asawa sayo! Sinunod ko lahat ng Gusto mo kahit labag sa kalooban ko dahil mahal kita." Kausap ko sa sarili ko habang iyak pa din ng iyak.

Itinigil ko ang pag iiyak ko At ibinaba ang mga maleta na naihanda ko. Umakyat muli ako para kunin ang gamit ni Liam.

At sa pag babako nakita doon si Eathan na nakatayo at nakatitig sa mga maleta malapit sa pinto.

Nag patuloy ako sa pag lalakad At napansin siguro nito ang pagbaba ko kaya humarap ito sa Akin na sobrang pinagpapawisan kahit May aircon naman.

" H-Hon...." kinakabahan nitong tawag sa Akin.

Tumingin ako dito ng Punong puno ng kalungkutan, galit at tanong sa kaniya ng magkatitigan kami.

Kaagad ko namang iniwas ang tingin at daretsong bumaba sa hagdan . "Ang aga mo naman atang umuwi ngayon." Matapang kung tanong dito habang inaayos ko ang mga Dede ni Liam At inilalagay ito sa isang malaking kahon.

"ppp..pi...Pina cancel ko lahat ng meetings ngayong araw hon." Utal utal nitong sagot

tango lang ang tangi kung sinagot dito. At dumako ulit sa ginagawa ko. Nang maayos ko na ito iniwan ko muna saglit para kunin ang pinggan na kinakainan ni Liam naglakad ako para kunin na ito pero hinawakan ni Eathan ang braso ko para pigilan ako sa ginagawa ko. Kaagad ko namang inagaw ang braso ko At lumayo dito. Napansin siguro nito na galit ako sa kaniya kaya hinayaan Lang ako.

"Bakit mo naman pina cancel ang meeting mo? Hindi ba importante iyon ngayon?." Tanong ko pa din dito habang pinapakalma ko ang sarili ko.

Ayokong magwala dahil pakiramdam ko malalagutan kaagad ako ng hininga kapag inilabas ko ang galit ko sa kaniya.

"Hon.. kailangan natin kasing mag usap e." Sagot nito.

Tumawa Lang ako sa Sagot nito at umiling-iling habang naglalakad ako papunta sa ilalim ng lamesa sa tabi ng aming sofa At kinuha doon ang brown enveloped na inabot sa Akin kanina ni Shiela.

Wala akong imik imik ng Iniabot ko dito ang brown envelope at mabuti na lang kinuha niya ito kaagad at binuksan. Nakatingin Lang ako sa reaksyon nitong gulat na gulat sa mga nakita sa larawan.

Mga Larawan kung saan mag kasama silang lumalabas dalawa ni Miss Sarmiento at mga larawan kung saan hinalikan nito ito in public. Napalunok ito ng humarap sa akin.

Tinaasan ko ito ng kilay habang na ka krus ang aking kamay na masamang nakatingin dito. "Totoo ba yan?" Nakatiim bagang kung tanong sa kaniya.

Tumango lamang ito bilang sagot. Huminga ako ng malalim saka unti unting nararamdaman ko nanaman ang luha sa aking mga mata.

"Bakit mo ako niloko?" Naiiyak kung tanong dito habang nakatingin dito. "Mahal mo ba siya?" Walang pag aalinlangan kung tanong sa kaniya habang unti unting pumapatak ang aking mga luha.

Tumango naman ito kaagad bilang sagot sa tanong ko. Ang Kapal talaga ng mukha ng lalakeng ito! Ano ba talagang balak nito sa Akin? Pigain ang puso ko ng pinong pino?

One Mistake Of Eathan Go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon