KABANATA 30

65 2 0
                                    


Im Sorry

Nagising ako dahil sa ingay ng iyak ng anak kung si Liam. Kaagad ko din namang nilapitan ito at binuhat.

"Shhhh.... wag ka ng umiyak andito na si mommy." Patahan ko dito. Habang hinehele sa bisig ng aking mga kamay.

Umupo ako sa sofa namin dito at kaagad na inilabas ang kanang bundok ko para padedehin si Liam ko.

Halos mag ta-Tatlong buwan na din kami dito sa Nueva Ecija simula ng umalis kami at iniwan si Eathan sa Manila. Pero kahit ganoon patuloy niya pa din akong sinusuyo na mag ka ayos na kami pero sarado pa din ang isipan ko sa bagay na iyon dahil masyadong masakit ang ginawa sa akin ni Eathan.

Sa ngayon nandito kami ng anak ko naninirahan sa bahay namin sa Nueva Ecija kasama sila mama.

Nalaman na din nila mama ang nangyari sa amin at sa ginawa ni Eathan sa akin.

Galit na galit si papa at halos mabugbog ni papa at kuya si Eathan nung puntahan niya kami ni Liam dito sa bahay para suyuin ako halos mapatay si Eathan ng dalawa at dahil sa awa ko ay inawat ko pa din Ang mga ito.

At kahit na bugbog na ito nila kuya aba Ang loko may lakas pa din ng loob na puntahan kami araw araw dito.

Jusko diko nga alam kung natutulog pa ba ito o hindi na dahil hindi ko din naman siya pinapayagan na matulog o makasama ko siya ng matagal. At sa araw araw niya ngang pag punta sa bahay si mama at papa lang Ang madalas niyang makausap. Ako kasi ay palaging nag tatago dito sa kwarto ko.

Napabalik ako sa wisyo ng May biglang kumatok sa pintuan at kaagad din namang bumukas at niluwa nun ay si mama. "Anak! Si Eathan nasa baba hinahanap ka."

"Sige ma! Susunod na lang Ako papatulugin ko lang si Liam." Kaagad din namang sumang ayon si mama at sinarado na Ang pinto.

Mabilis lang naka tulog si Liam at ibinalik ko na ito sa crib niya. Bumaba na din ako para puntahan si Eathan at kung bakit hinahanap niya ako.

Dumaretso ako sa sala dahil doon May mga nag tatawanan. At nang makita na nila ako ay kaagad ding nag si-tahimikan.

Umalis na sila mama sa sala at iniwan kaming dalawa doon ni Eathan. Tinaasan ko lang ito ng kilay para malaman niya na wala akong ganang kausapin siya. At siyempre simbolo na din ng tanong kung anong kailangan niya? Mukang naintindiham din naman niya kaya umayos na ito ng kaniyang upo.

"Bakit mo ko hinahanap? Ilang beses ko bang sasabihim sayo na wag ka ng mag aksaya ng oras para sa akin dahil hindi din naman kita mapapatawad."

Napakagat ito ng labi saka tumayo at unti unti akong nilapitan. Hindi ako kumibo o ano man basta na katingin lang din ako sa kaniya kung ano man Ang kaniyang gagawin.

"Hon. Uwi na kayo ni Liam sa bahay natin. Miss na miss ko na kayo e."

"Hirap na hirap na ako. Pagod na pagod na din ako. Wag ka ng magalit sakin plsss.. matagal ko ng sinabi sayo matagal na kaming nag hiwalay ni ms. Sarmiento at hindi na din siya nag pupupunta sa office wala na siya. Saka hon mag babago na ako. Di na ako mag iinom. Kung anong gusto mo mahal susundin ko. Please umuwi na kayo ni Liam." Pag mamakaawa nito sa akin.

Naaawa man ako sa asawa ko pero masyadong masakit din Ang ginawa niya sa akin e.

Hindi lang basta nakipag relasyon siya sa ibang babae e. Nakipag chukchakan din siya sa iba at iyon ang masakit na hindi ko makakalimutin.

Tinignan ko siya ng masama. Bago ako mag salita. "Akala mo ba madali lang yang hinihiling mo Eathan? Putcha kung oo lang edi sana Hindi tayo umabot sa ganito?! Lintek Eathan! Nakipag chukchakan ka sa iba e?! Akala ko ba ako lang? Bakit nagawa mo pa ding mag ganap ng iba?"

Pinipigilan ko na hindi tumulo Ang mga luha ko para makita niya na matapang ako pero bwiset na mga mata ito Hindi man lang marunong makisama dahil kusa na siyang tumulo.

"Jenny it's just one mistake! One mistake!" Aniya sabay hawak sa dalawa kung braso na kaagad ko ding inalis sa akin.

"Yes! It's just one mistake pero sobrang sakit ng ginawa mo and i don't know if I can give you another chance Eathan. Kasi kahit isa o dalawa man yang ginawa mong kasalanan sumawsaw ka pa din sa iba!?" Sigaw ko dito.

"Hon pleaseeeeee....." pag mamakaawa nito. "Sorry na sorry na. Ilang libong sorry ba Ang gusto mong banggitin ko? Sobrang pinag sisisihan ko na Ang nangyari. Kaya please lang Jenny umuwi na kayo sa akin, sumama na kayo sa manila. Promise mag babago na ako."

Tanging iling lang Ang naisagot ko sa kaniya. "Umalis kana Eathan." Taboy ko dito.

Umakyat na muli ako sa kwarto at nahiga sa kama at doon ko ibinuhos Ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"ANAK? Aalis lang kami ng tatay mo ikaw muna bahala dito sa bahay ah?" Paalam ni mama.

"Jenny alis na kami." Sigaw ni papa palabas.

"Sige po."

Nagluto lang Ako ng almusal ko. Nakakagawa at nakaka kilos ako ng maayos ngayon dahil tulog na tulog si Liam sa crib niya. Ipinababa ko muna din pala yung crib ni Liam kay kuya para makakilos ako ng maayos. Medyo madaming kalat kasi ang meron sa kusina kaya kailangan kung mag ligpit.

Hindi din naman nag tagal na tapos ako sa pag lilinis naka ligo na din ako at nakapag ayos sa sarili ko. Sakto pag baba ko pa lang sa hagdan sinilip ko muna si Liam at tama lang dahil kakagising lang ng baby ko.

Kaagad ko itong binuhat at hinalik halikan sa pisngi. Inamoy amoy ko pa ito sa leeg nito kaya lumakas Ang pag tawa nito. Itinuloy tuloy ko Ang pag haharot sa anak ko hanggang sa mag sawa ako at ibinaba ito sa crib.

Tumayo ito gamit ang pag hawak ng madiin sa mga harang ng crib niya. At dinudungaw ako. Meron itong itinuturo sa labas kaya sinundan ko iyon ng tingin.

Maya maya pa ay nakita ko si Eathan na naandito na naman sa bahay. Kaagad itong pumasok habang may dala dalang pag supot sa kamay nito. Nilapitan nito si Liam at kaagad na hinalikan sa pisngi.

At Ang lokong bata ay sumama kaagad sa magaling na ama.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko dito habang nilalapitan ito.

Iniabot nito sa akin ang supot na hawak niya at ewan ko ba pero tinanggap din naman ng mga kamay ko iyon.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko ulit dito habang tinatanggal isa isa sa supot Ang mga laman nito.

Puro paburito kung pag kain Ang dala nito. At ilang gatas ni Liam. Mukang nag grocery Ang loko bago pumunta dito. Sino kaya kasama nito pumunta sa grocery?




One Mistake Of Eathan Go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon