11

21 2 0
                                    

ACE POV:

''Congratulations po Mister at Missis,magiging parents na po kayo''

''Talaga po dok?''
Naexcite ako nang nalamang totoong buntis si Asha. Masaya ako para sa kanya.

''Dalawang buwan buntis Na ang asawa mo.Simula ngayon kailangan nang kumain si missis kumain ng mga masusustansyang pagkain,di rin pweding magpapapagod ng husto.Reresitaan ko na rin sya ng mga vitamins.Tsaka samahan nya rin nya ng ehersisyo dahil maganda iyon sa kanya.''

''Salamat po dok''

Pagkagaling namin sa doktor,dumaan muna kami sa mall para sa mga kakailanganin ni Asha sa pagbubuntis.

''Narinig mo naman siguro ang mga habilin ng doktor''

''Ace,salamat,salamat sa pagsama mo sakin ngayon.Hayaan mo makakabawi din ako sayo,kami ni Chadd.Alam mo pag nalaman nyang buntis ako siguro babalik na yun agad dito.Alam ko babalikan nya kami ng anak namin.Teka,Ace may balita ka na ba sa kanya?"

''Hah???ah eh wala,wala pa akong balita sa kanya''

''Ganun ba?Naala ko nga pala,diba nung nasalubong mo ko nung nakaraan,nung umagang papunta akong department store..diba may sasabihin ka sa'kin''

''Ah yun ba?wala yun...kalimutan mo na yun''

Napagdesisyonan kong dalhin si Asha sa doktor para makasigurung buntis nga siya.At ayon nga buntis nga siya.Alam kong di ako ang ama ng dinadala nya pero excited ako,feeling ko ako ang ama ng dinadala nya.Pagkatapos namin sa hospital,dumaan muna kami sa isang restaurant at namasyal sa mall,kinahapunan na kami umuwi.

''Ace,maraming salamat talaga,di ko siguro alam ang gagawin ko pag wala ka''

''Ano ka ba,wala yun!diba sabi ko naman sa'yo andito lang ako pag kailangan mo..Sige na pumasok na tayo at baka masama sa baby ang paglalagi natin dito sa labas..''

****

ASHA POV

Kumpirmado ngang buntis ako.
Buntis nga ako sa anak namin ni Chadd.
Pero hanggang ngayon wala pa rin ankong balita sa kanya.

Chadd,kung nasaan ka man ngayon sana bumalik ka na.Buntis ako sa anak natin.Huwag kang mag-alala,aalagan at mamahalin ko ang anak natin kagaya ng pagmamahal ko sa'yo.Panghahawakan ko pa rin ang pangako mong hindi mo ako iiwan.Wala ka man ngayon,alam ko at naniniwala akong babalik ka.Babalikan mo kami ng anak mo.

Nagpapasalamat din ako kay Ace na habang wala si Chadd, Lagi syang andyan para tulungan ako.
Lagi syang umaalalay sa akin.
Siguro kong wala sya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at hindi ko naisip kong ano nga ba ang nagawa ni Tyang sa akin.
Alam kong totohanin nyang papalayasin nya ako dahil alam nyang baka maging sagabal at dagdag pasanin lang ako sa kanya lalu na ang anak ko.
Pero naniniwala ako na may kabutihan pa rin sa puso si Tyang, siguro hindi naman nya iyon gagawin.

''Oh andito na pala kayo.Ano ang resulta ng pagdalaw nyo sa doktor?''

Salubong sa amin ni Tyang pagkadating namin ni Ace galing sa doktor at pamimili.

"Positive po madamme"
Si Ace na ang sumagot sa kanya.

''Oh di ba tama ako.Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin sa'kin.''
Sabay sabi sa akin ni Tyang.

''Pasensya na po Tyang.Hindi ko pa po kasi alam na ganoon po.''

"Mukhang mabait naman itong si Ace.May relasyon pala kayo tapos ni hindi ko manlang alam.Nagawa nyo pang ilihim sa akin.Hindi nyo ba naisip na ang bata-bata nyo pa.Lalu ka na Ace iho,paano na ngayon ang pag-aaral mo?Magiging dagdag pasanin mo itong si Asha."

"Wala naman pong problema sa akin madamme.Mag-aaral pa rin naman po ako at saka hindi ko po pababayaan si Asha."

''Mabuti naman kung ganoon.Tsaka siguraduhin mo din na pakakasalan mo itong pamangkin ko dahil hindi magandang tingnan na buntis na si Asha tapos hindi pa kayo kasal.Kahit hindi na magarbo ang importante ay mapakasalan mo.Teka,alam na ba ito ng mga magulang mo?''

''Pasensya na po pero wala na po akong magulang.Ulila na po ako pero may kapatid po akong babae kaso nasa ibang bansa."

"Ganoon ba? I'm sorry to hear that Iho"

"Pero may mga kamag-anak pa naman po ako.Sasabihin ko po sa mga tito at tita ko po yong nagpalaki po sa akin,mga magulang ni Chadd."

"Teka Asaan na nga pala yong pinsan mo na iyon?Umalis lang ako papuntang probinsya,eh pagbalik ko nabalitaan ko nalang na wala na dito."

Sumulyap muna sa akin si Ace bago humarap ulit kay Tyang. Alam nyang naghahanap ako ng balita tungkol sa pinsan nya.

"Nasa ibang bansa po.May importante lang pong inasikaso doon."

"Gaano ba,hindi na ba iyon babalik dito?"

"Hindi ko po alam.Hindi ko na rin po sya nakausap."

''Sige,ako na ang mag-aayos ng kasal nyo.May mga kakilala ako sa munisipyo.Kakausapin ko para mapadali ang kasal nyo at para maikasal na agad kayo habang hindi pa lumalaki ang tyan ni Asha..Ah nga pala Asha,yung usapan natin..hanggat hindi pa dumadating yung kapalitan mo dito ay di pa kayo pweding bumukod at ikaw pa rin ang gagawa sa mga gawain dito''

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon