"Mula ng aking masilayan tinataglay mong kagandahan di na maawat ang pusong sayo'y mag magmahal Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan""Hayyyyyyyyyyy ano ba!! Hanggang dito nalang ba talaga ang naiisip kong lyrics? Di ko na masundan!" inis na sigaw ni Liam sabay bato ng lapis.
"Huy?! Ano ba yan?! Ano puro ganyan ka nalang? kanina ka pa ee!" suway naman ni Clara sakanya sabay pulot sa pencil.
"Naiinis na ko!" sigaw ni Liam
"Umuwi ka na nga! bukas na ulit mag pahinga kana muna" asar na utos ni Clara sa kababata.
Walang imik na lumabas ng kwarto si Liam.
Nag paalam naman it ng maayos sa mama ni Clara."Anong nangyari don?" tanong ng mama ni Clara.
"Ayun di makabuo ng kanta haha" tawang tawa na sambit ni clara.
"Tulungan mo naman kase!" masungit na sabi ng mama nya.
Hindi umimik si Clara.
Nilapitan nya ang kanyang study table at tinignan ang kaninang sinu sulat ni Liam."Haay Mongols talaga" mahinang sabi ni Clara.
Umupo sya at at nag isip.
"Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala wala pa,"
"hmmmmm pwede pwede!" nag sisimula nang mag humming si Clara
"Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba"
"Lol wala na ko maisip bukas naman!" ani ni clara sabay bitaw ng pencil.
Nakita nyang umilaw ang cp nya.
si Liam nag txt.
"Best pakisulat nga dyan... --- Ayaw ng paawat ng aking damdamin tunay na mahal ka na sanay hayaan mong ibigin kita Maghihintay parin at aasa"
"Hmmm --- Masaya ka ba pag sya ng kasama di mo na ba ako naaalala?" Biglang naisip ni Clara habang binabasa ang txt ni Liam.
Hindi na ito nag abala pang magreply kay Liam.
"Ang ganda ng lyrics..
Gusto ko na marinig ang magiging tono nito. "
sambit ni Clara sa sarili.-Kinabukasan-
Clara? Huuyyy gising na!
Ano ba Liam?! Wala namang pasok aa?!
Tinawagan ako ni Tita... Pinapunta ko ng maaga kase aalis daw sya.
Huh?! san nag punta si mam?!
Sa... Daddy mo..
What?! seriously?
Oo nga...
Hayy si mami talaga!
Bakit ba? Daddy mo parin un!
Baliw! may bago na syang pamilya! Ano ba kayu?!
Nagmamahal ang mami mo Clara...
Lecheng pag mamahal yan!
Clara!
Ano?!!

BINABASA MO ANG
Love and Love Unselfishy
Historia CortaThis is a collection of short short story about how love works in each of everyone. How Love is so amazing. How Love make us do things. How Love drives our lives. Hope you like it and i will continue to add stories in this collection.