My Ms. Bodyguard

39 0 0
                                    

ALEX POV

Buong umaga kaming hindi nagpansinan ni Terrence! Wow! Tahimik ang loko! Pahiya ba naman siya kagabi! Akala niya siguro ay magpapadala ako sa kalokohan niya. For sure naman tinetesting niya talaga ako kung magrereact ako sa 'kunwari' niyang confession!

Nandito kami sa school gym dahil may practice ito sa basketball. Hanep 'noh? Ang isang gaya ni Immature sumasali din pala sa mga ganitong sports? Buti hindi siya napipikon kapag nabubunggo ng kalaban!

Maya-maya'y lumabas na mula sa isang room ang teammates ni Terrence, panghuli ito. Naks! Parang boss lang ha, nasa hulihan! Tibay! (^○^)

"Go Terrence!"

"I love you Terrence!"

"Akin ka na lang Terrence!"

"Ang gwapo-gwapo mo Terrence!"

"Mahal na mahal na kita!"

(҂⌣̀_⌣́) Punyiemas! Mababasag na ata eardrums ko sa mga tili ng mga babaeng 'to! Sige tili lang, laking tuwa ko pagnangapaos kayo!

Hay naku.... siguro naman kalat na sa buong campus ang ugali ni Terrence, pero marami pa ring may gusto sa kanya?? Tsk! Mahal na mahal daw? Eh kaya mo kayang tagalan ang ugali  ng taong 'yan?? Hah! Mga babae talaga, kapag nakakita ng mga gwapo.

Tumayo ako at lumipat sa kabilang dako ng court. Ang iingay kasi ng mga babaeng 'yon. Kung makatili parang wala ng bukas, eh puro Terrence lang naman ang tinitili nila! Tsk! Ipinatong ko ang siko ko sa tuhod ko tapos nangalumbaba ako. Nakakatamad.... *YAWN* ... wala naman kasi akong hilig sa basketball.

TERRENCE POV

Paglabas ko ng changing room narinig ko ang mga tilian ng mga babaeng estudyante pero wala akong pakialam sa kanila.... agad kong nilibot ang tingin ko... hinahanap ko siya. Pero nasaan na naman ba siya? Sabi ko umupo lang siya dun eh. Bodyguard ko siya pero kung saan-saan nagpupunta!

Lumingon ako sa kabilang part ng court....

Ayun! Nakita ko rin siya. But wait..... 

Pfft!... Pinigil ko ang tawa ko ng makita ko ang paghikab niya! Ang PANGET!!!

"Hoy, Terrence! Anong tinatawa-tawa mo dyan?" tanong ni Kenneth sabay baling kay Ms. Bodyguard.

"Kanina ko pa napapansin ang pasulyap-sulyap mo kay Ms. Bodyguard ha?" sabi ni Jason na nakatingin na rin kay Ms. Bodyguard.

Binatukan ko nga. Ang ingay naman nito!

"Aray naman! Hindi ako si Mark, kung makabatok ka naman dyan." reklamo nito pero tinignan ko lang siya ng masama.

"May feelings ka na kay Ms. Bodyguard 'no?" muling sabat ni Kenneth, mukhang agad niya akong nabasa. Hanep din ang pagiging observer nito.

"Uy! Si Terrence Altamonte, ang may pusong-bato, marunong din mainlove? With a big N-O-T-E, he likes his Personal Bodyguard!" ang panunukso naman ni Jason! 

"Psh! Tumahimik nga kayo!" pero syempre tanggi naman ako, ayoko ngang sabihin nila na inaaway-away ko si Alex tapos ako din pala itong maiinlove!

"May naisip ako." si Jason naman sabay kindat sa akin.

Isang batok uli! Takte 'to! Nakakadiri! Wala nga si Mark pero pumalit naman ang isang 'to!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ms. BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon