Sigawan at kantahan ang namumutawi sa loob ng isang sikat na bar. Walang kapantay ang kasiyahang nakikita ko sa mga taong naririto. Tila walang katapusang inuman at sayawan.
"Helliyah ma'friend, why are you here?" Jeric said and he sat beside me
Tinapunan ko naman ito ng tingin
'Tss. Bakit nga ba ako naririto?'
"Oh come on Helliyah. You must have some fun. This is your day!" Tunog frustration ang kaniyang boses
Tiningnan ko muna siya bago sumagot "Jeric, you know me, right? I don't like being here. But because this is my day pumayag akong pumunta rito" walang gana kong ani
Iiling-iling naman siya "I know, I know" tinig pagsuko na aniya
Mas prefer ko naman kasing matulog maghapon at magbasa ng mga novel at wattpad ng paborito kong author na sikat na sikat sa panahon ngayon which is AraErin(Gracee Mae) kaysa makinig at makisalamuha sa gantong sitwasyon. But because of my friends' hinayaan ko ang sarili kong pumunta sa ganitong lugar.
Kita ko naman sa gilid ng aking mata ang isang lalaking parang wala sa wisyo. Pasuray-suray naman na ito, siguro dahil sa kalasingan. Habang yung iba ay todo talon pa na parang walang kapagudan at ang ibang PDA na sa kanilang ginagawang kahalayan. What do I expect? In this kind of place? HUH! Expected na ganito 'to kagulo.
Napabuntong hininga naman ako ng malalim sabay paalam kay Jeric para mag cr at he insist to join me "Samahan na kita Helliyah" mahinahon niyang ani
Umiling ako
Ginulo niya naman ang kaniyang buhok "Sasamahan kita. Marami ng lasing baka mapano ka" aniya
Wala na akong nagawa at magagawa pa "Okay" sabay lakad namin papuntang cr
Habang papunta naman na kami ni Jeric sa Cr minsan ay may lalaking nabangga ako kaya hinawakan nito ang aking kamay at siya na mismo ang nanguna para di ako masaktan.
Ng marating namin ang Cr agad naman akong hinarap ni Jeric "I'll wait here" aniya
Tumango naman ako't naglakad papasok ng Cr para gawin ang dapat gawin. Abala ako sa pag-aayos ng make up sa aking mukha ng may dumating na dalawang babae. Pinasadahan ko naman sila ng tingin halos lumuwa naman ang aking mata sa nakikita
'Seriously? Hindi ba bawal ang ganiyang kasootan rito?' Tanong ko sa aking isipan
Paano ba naman? Halos makita na ang kanilang hinaharap tyaka okay naman sana pababa kaso ng nasa puson na pababa may punit ito na pinapakita ang kanilang hita pababa. Wala na ba itong mga delikadisa? Naubusan na ata ang mga ito ng dignidad sa mga sarili. Ibinalik ko na lang ang aking tingin sa salamin at pinagpatuloy ang aking ginagawa. After an minutes doing that I chose to go. Naririnig ko pa rin ang kwentuhan nila
Tumili ang isang babae "Ekkkkk Ille is the most handsome guy I've see!" Sabay tili ng dalawa
Napailing naman ako sa mga pinagsasabi nila
Agad namang dumako ang tingin saakin ni Jeric ng makalabas ako " Tapos kana?" Tanong niya
Tumango naman ako "Btw, ano oras tayo uuwi? Gusto ko ng umuwi eh" ani ko
Napa tsk naman si Jeric na parang di makapaniwalang ganoon ang tanong ko "Why?" Kibit balikat kong tanong
"Nothin'. Come on" sabay una niya sa paglakad namin. Sumunod naman na ako sa kaniya.
Nang mamataan ko ang kaninang upuan namin ay agad ko namang nakita si Aless na may kinakausap na lalaki. Napailing nalang ako
Nang makaupo naman na kami ni Jeric ng magkatabi agad akong pinansin ng kaibigan kong lumalandi "Oh? Saan kayo galing? Akala ko umalis na kayo?" Malakas niyang ani para marinig namin iyon