PROLOGUE:
May mga pagkakataon sa buhay mo na hindi ianaasahang darating. Pwedeng maging dahilan ng malaking pagbabago sa buhay mo... Pwede magdulot ng saya o lungkot.
Pwedeng dahil sa pabigla biglang desisyon makamit mo yung kasiyahan na matagal mo na palang pinapangarap o maging dahilan ng pagguho ng mundo mo at pagbuhos ng luha mo.
Mapanindigan mo kaya ang iyong desisyon? Desisyon na huhusga kung magiging masaya ka o desisyong pwedeng dahilan ng iyong pagdudusa.
Mapanindigan mo kaya ang desisyong alam mong bawal?
-------------------------------------------
"Anak, wag ka muna magbo-boyfriend ah. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. May panahon para diyan."
Ayan nanaman si Mama, paulit-ulit na lang. Alam ko na yan. Bawal pa kong magboyfriend kasi wala pa sa tamang edad. Kasi kailangan ko munang makatapos ng pag-aaral dahil panira lang ang makipagcommitment dahil mawawala ang focus ko sa pag-aaral. Dahil ganun siya nung panahon nila. Dahil tukso sa kabataan yang love na yan. Dahil may tendency na hindi ka makapagtapos dahil sa love na yan.
Oo, alam na alam ko na yan. Paulit-ulit. Wala rin naman ako magagawa, takot akong suwayin sila....
"Opo Ma! Ano ka ba, haha. Kaya nga po NBSB parin ako hanggang ngayon. Syempre, magtatapos ako ng pag-aaral. Dami ko kayang pangarap sa buhay. Haha" ^__^
Totoo naman yun eh, madami akong pangarap. Kaya nga hanggang ngayon NBSB parin ako. Eh hanggang nakaw tingin na nga lang ako sa mga crush ko eh. Kahit nga may nagpaparamdam sakin dinededma ko na lang. BAWAL NGA KASI, BAWAL PA.
Bawal ba talaga? Masama ba talagang pumasok sa relasyon sa gantong edad? Kaya ko naman ah....ata.
Kasi naman, malay mo dumating na pala siya. Sayang naman yun kung palalagpasin ko pa.
Halos puro pangarap na lang ba ako sa love story ko sa ngayon?
Hanggang kailan......
Hanggang kailan bago ko maramdaman yung pakiramdam na nararamdaman ng mga teenagers ngayon...
Mararamdaman ko pa kaya yon? O lalagpas muna ng bente ang edad ko bago ko maranasang pumasok sa isang relasyon.
Parang masyado naman atang matanda na yun bago masira ang pagka-NBSB ko.... Pero yun ang sabi nila eh.... ng mga magulang ko.
Gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanila.... Takot akong madisappoint sila. Para rin naman sakin yun diba?
Oo, tama! Kailangan kong panindigan ang pagiging NBSB ko.
Paninindigan ko.....
Kaya ko to, syempre. Lalaki lang yan e. Di naman siguro ako mauubusan.
Paninindigan ko nga..... Kahit di ko maexperience yung mga nararamdaman na kilig ng mga kaibigan ko, okay lang.
PANININDIGAN KO.
Pero hanggang kailan?
Kakayanin ko ba?
Pero wala namang magkakagusto sakin eh....sa tingin ko? Wala pa naman siguro. Diba?
Haaaaayyyyyy... Oo, ganun na nga lang. Kaya ko to. ^____^ Books before boys dapat. Oo, tama! Simula ngayon yan na ang motto ko. ^__~
Eh pano kung may biglang sumulpot na magpabago ng desisyon ko? Pano na yan? Patay. Pero dapat ko na lang siguro laging tandaan yung motto ko. Oo, ganun na nga lang.
Ang hirap naman kasi ng ganto.... Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sakin.
Pero ikaw...... sa tingin mo, mapandigan ko kaya?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
LOL. =)))) Here's my ever first story. HAHAH. What can you say? Itutuloy ko pa ba? O wag na? HAHA. Comment ka dali para malaman ko. Vote narin kung nagustuhan mo. =)))
Magulo ba? Pasensya naman po. Medyo seryoso tong Prologue, kung matatawag nga bang prologue to. Wag kayong mag-alala may humor to. LOL. :DD Hindi naman kasi ako sanay. First time nga diba? So bear with me.
Ang cliche ba? Sorry naman. :PP
Pipilitin kong mapaganda to sa abot ng aking makakaya..... Kaya sana magkaron ako ng urge para ituloy to. =)))
VOTE COMMENT. <3
BINABASA MO ANG
LOVE: My MISTAKE or My HAPPINESS?
Teen FictionI am afraid to fall in love..... I might disappoint my parents. But what can I do? I'm just a teenager who's dreaming of my own love story. I want to experience it... What if I disobey my parents? Will it turn to be my dream of happiness or will it...