Is This Really GOODBYE?

1.1K 36 18
                                    

:'(

* * *

Nung pinasok ko ang mundo ng showbiz, sobrang kinabahan ako, yung feeling na alam mo sa sarili mo na ibang mundo na yung kakaharapin mo..

Na ibang tao na yung makakasalamuha mo.

Ibang tao na yung magiging mga kaibigan mo.

At lalong'lalo na, ibang tao na ang magpapatibok sa puso mo.

Akala ko nga simple lang e.

Pero nung nakilala ko siya... Parang nag'iba.

Naging bestfriend ko pa nga siya e. Yung bestfriend na kahit oras ng pagtulog at pag gising ko sa umaga alam niya.

Hanggang sa hindi ko alam, nahulog na pala ako sa kanya.....

At ngayon hindi ko alam, nasasaktan na din pala ako ng dahil sa kanya......

Masakit, sobra. Yung araw'araw pag'gising mo sa umaga iniisip mo kung may nagawa ka bang mali, o kung may hindi ka ba naintindihan...

Pero sa haba ng pag'iisip mo at sa layo na ng narating ng utak mo... wala kang mahanap na sagot... kasi alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat. Lahat Lahat....

... na halos wala ng natira para sa sarili mo.

"Babe."

Umiyak ako. because he used to call me by that sweet endearment.

"Mag'ingat ka, madulas."

Umiyak na naman ako. because he used to care for me that way.

" Nakakain ka na ba?"

Umiyak na naman ako. dati kasi, sakin niya sinasabi yan.

"Bakit ang ganda . ganda mo ?"

Umiyak na naman ako. Dati kasi, ako lang ang maganda sa paningin niya.

"May taping ka ba ngayon? Hatid kita ah."

Umiyak na naman ako. Dati kasi, hatid-sundo niya ako sa lahat ng pupuntahan ko. Kulang na nga lang daw magkapalit kami ng mukha e.

"Anong gusto mong kainin? Pagluluto kita."

Umiyak na naman ako. Dati kasi ako lang ang pedeng tumikim ng mga luto niya.

"Babe, I love you."

And for the nth time... I cried again... kasi noon, sakin niya lang ipinadadama yan. Kasi noon ako pa ang prinsesa niya. Kasi noon........ ako pa ang MAHAL niya... pero IBA NA NGAYON.

Okay naman kami noon e. Sa katunayan, madami kaming fans... Madaming humahanga samin, madaming sumusuporta samin, lahat sila andiyan para samin.. Mahal ko siya at mahal niya ako...

pero NGAYON? Madami pa din kaming fans. Nakakatuwa nga e. Trend dito, trend doon. Sunod dito buntot doon. Kung nasaan man kami, andun din sila..... Pero may isang nagbago... MAHAL ko siya, MAY MAHAL siyang iba..

... at ang masaklap dito, BESTFRIEND niya ulit ako.

"Uy, Best. bakit mag'isa ka diyan?"

Habang nandito ako sa sulok ng standby area , napatingala ako sa nagsalita.... at doon , nakita ko siya...

"ah.. kasii ..... --- "

"Oh? hello. Babe... ah , sge.. punta na ako. loveyoutoo."

in'end niya yung call..

"uhm. sge, una na muna ako ah? Sunduin ko pa kasi."

tumalikod siya sakin at nag'simulang maglakad paalis.

"Masaya ka ba sa kanya?" tanong ko. Napatigil siya sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod sakin.

"SOBRA."

Hndi ko alam pero umiyak na naman ako. Naging mahina na naman ako... and the worst, this time.... sa harap pa niya.

Lumapit ako sa kanya and I hugged him from the back.

"Congrats, b-bestfriend... Sabi ko na nga ba siya na yung hinahanap mo e. Akala ko kasi-----"

"akala ko din.." Hindi ko alam pero sa sinabi niyang yun, ang sakit. sobraaa!

"Sana magtagal kayo. Alam mo naman diba? I always wish the best for you.... Gusto ko yung laging nakakabuti para sayo... kung ano yung nagpapasaya sayo... even if it includes me or not."

and with the last words, i trembled down.. kasi alam ko, hindi siya sakin sasaya, and i will never be the source of his happiness anymore... kasi ngayon, IBA NA ANG MUNDO NIYA at tanggapin ko man yun o hindi, sa BAGONG MUNDO niya.... hindi na ako kabilang.

"thank you.. bestfriend."

at sa mga huli niyang salita, hinawakan niya ang kamay ko at pinipilit na tanggalin yun. Pero dahil alam kong ito na yung huli kong pagkakataon, hindi ako bumitaw... para kahit dito man lang, mapatunayan ko na minsan naging akin din siya... na minsan, minahal din niya ako... at na minsan, ako ang naging MUNDO niya.

"tama na.... tama na, pls. tanngapin na lang natin. we're never meant for each other.. sorry but, i guess... this is GOODBYE."

pagkasabi niya nun, tuluyan na niyang tinanggal ang mga bisig ko na nakayakap pa din sa kanya... and at the moment we lost touch, the rain pour down....

... it rained hard, to the point na hindi na nakikita ng ibang tao ang mga luhang kanina pang dumadaloy....

and it rained hard to the point na.... parang isang iglap lang... nawala na siya sakin.

Nawala na siya at hindi na babalik pa...

Kasi ngayon, TATANGGAPIN ko na.

And .... Yes, this is really GOODBYE :'(

* * *

All Rights Reserved.

classyxtine.2012

Mwa! :*

Is This Really GOODBYE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon