CHAPTER 3
Nandito kami ngayon ni Jane sa CAT Head Quarters...
Hindi ko pala nasasabi, Corps Commander ako ng CAT namin.
At si Jane? S3 siya.
Gulat kayo no? Babae ako, pero ako ang corps sa campus namin.
Ganun talaga... Sa mas magaling ako kesa dun sa mga lalaki samin eh.
Anyways, andito kami ngayon kasi pinaguusapan namin ng Commandant namin kung kailan kami magrerecruit ng mga pwede pang maging officers, kulang kasi kami ng lima.
Mga 2 months training lang naman.
So ayun, napagdesisyunan namin na lumibot sa lahat ng section ng 4thyr para makapagrecruit ng pwedeng CAT officers.
"I'm C/LT Reyes, Permission to leave the room, Sir!" sabay salute ko.
Pahirapan nanaman to. Haha.
So pumunta na kaming section A. Ayun, marami naman kaming narecruit, di kami gano nahirapan..bait-baitan mga classmates ko eh. Chosss! Haha.
Section B, ayus lang. Madami rin. Mukhang mahihirapan kami mamili ah. Ang daming maglalaban laban para sa slot ng officers.
Sa section C na ang susunod namin....
"Bes, nakakapagod pala magrecruit. Excuse nga tayo sa klase, pagod naman tayo kakalakad, kakasalita at kakakumbinsi sa kanila. Mas okay pa atang umattend ng klase.. Marami pa kong matututunan." pagmamaktol ni Jane.
"Gaga ka Bes! Haha. Dami mong reklamo. Andito na tayo eh... Last section naman na to!"
Kakaiba talaga tong babaeng to. Yung iba nga gustong gusto ma-excuse sa klase (sali niyo na ko dun! Haha. XD) tapos siya mas gusto pang makinig sa lessons.
Andito na kami malapit sa pinto ng section C.
Bat parang kinabahan akong bigla.....
Parang may masamang mangyayari...
Mukang hindi ko ika-tutuwa.
Napaatras ako...
"Bes... S-sandali... Bat parang kinabahan ako?"
"Huh?! Anong kinabahan? Ano namang dahilan para kabahan ka, aber?!"
"Eh...parang may mali eh. Pag ganto kasi yung pakiramdam ko, may maling mangyayari eh....sa akin."
Ano ba yan?
Nababaliw ba ko? Ano bang iniisip ko... Bigla na lang akong kinabahan.
"Tumigil ka nga bes! Napaparanoid ka, lam mo yun? Haha. Tara na't ng matapos na to!"
Kumatok na si Jane...
"Mam, goodafternoon po.. excuse lang po. May kailangan lang po kaming sabihin.. CAT matters po." pagbati ni Jane.
"Is that something important?" pagtatanong ni Mam.
"Yes po Mam..." sabi ko naman.
"Okay.. Sige, go ahead. Basta bilisan niyo lang."
"Thanks po, Mam."
Pumasok na kami sa loob..
Napatingin ako sa may gilid sa bandang likod
O____O
BINABASA MO ANG
LOVE: My MISTAKE or My HAPPINESS?
Teen FictionI am afraid to fall in love..... I might disappoint my parents. But what can I do? I'm just a teenager who's dreaming of my own love story. I want to experience it... What if I disobey my parents? Will it turn to be my dream of happiness or will it...