'Azaleia's Point Of View'
"MAGANDANG MAGANDANG MAGANDANG UMAGAAA! MAMSHIE PAPSHIE PERO MAS MAGANDA ANG IYONG ANAKSHIE!" bati ko kina mommy and daddy pagkababa ko palang ng hagdan.
"O anak? 'kay aga-aga ang ingay mo dyan" sagot ni daddy
"Ay? Kelangan po ba may schedule yung pag-iingay?"
"Oo 'nak. Dapat tuwing wala kami. Pag mag-isa ka lang ganon" sabat naman ni mama.
"K." At tumungo na ko sa upuan ko upang mag-almusal.
Pero bago palang ako maka-upo may isang kulapo na tumikhim.
"Wala bang good morning si kuya?" Ay. May kuya pala ko?
"Sino ka ba? Di ka naman kasali sa story. Sali-sali to ah."
"Gaga. Bahala ka dyan ikaw magdrive mag-isa mo ah" sagot nung kuya kuno.
"Joke lang kuya eto naman. Gusto mo?"
Tamang suhol lang.
"Ayan. Ganyan dapat. Mabuti at nagkakaunawaan tayo. Good morning bunso" pagbati ni kuya na halos mapunit na yung bibig sa kakangiti.
Hala? May gusto ata sakin to si kuya.
Family is love na ba itu?
"Kuya ayoko ng ganyang ngitian ah. Sinasabi ko sayo kahit gwapo ka di kita papatulan" sabay takip sa katawan ko.
"So gwapo pala ko?"
"Lah kuya may sinabi ako?"
"Kakasabi mo lang tsk. Tsaka anong papatulan ka dyan?! Loka-loka ka ba?! Eto kung anong pinag-iisip mo! Halay ng utak tch"
"Eh bat kasi grabe ka makangiti?"
Lumapit si kuya sakin at bumulong.
"Shh ka lang ah? Kasi yung nililigawan ko sinagot na ko hihi. Remember Angel? Kami na. Wag ka maingay kina mommy at daddy ah?"
OmO.
Eh?
May jowa na si kulapo?!
"MOMMYYYYY DADDDYYYYYYYYYYY!" sigaw ko kina mommy at daddy na nanonood sa sala.
"ANOOO?!" sigaw nila pabalik.
Wengya? Di man lang kinabahan kasi sumigaw ako? Sige oks lang naman.
"SI KUYAAAAAAAAA!"
tinignan ko si kuya na ngayon ay namumutla na habang pinapakinggan kung ano ang sunod kong sasabihin.
"ANONG MERON SA KUYA MO?" naks. Duet sila lagi.
Pfft. Mukhang natatae na ewan si kuya. HAHAHA. Wag na nga.
"ANO NATATAE SYA. KELANGAN NYA DAW NG TAGA-HUGAS NG PWET"
Tinignan ko uli si kuya. Ayun. Nakahinga na ang loko. Bumalik na yung kulay ng mukha nya.
"AHH SIGE SABIHIN MO SA KANYA SUMIGAW NALANG SYA PAGTAPOS NA SYA" si mommy yung sumagot.
Di na sila duet. Wala talagang porebs. Hays.
"HAHAHAHA SIGE MOMMY MAKAKARATING" sagot ko kay mommy at humarap kay kuya.
"HAHAHAHAHA tumae ka na daw sumigaw ka nalang daw pag tapos ka na. Bye kuya!"
"Anak ng-- HOY BUMALIK KA DITO AZALEIA!" Rinig kong sigaw ni kuya.
"TAPOS KA NA ASHTON?"
sigaw naman ni mommy sa kanya. Rinig na rinig aba. HAHAHAHAHAHA.
Sorry kuya. Mah bad.
BINABASA MO ANG
Writing Their Own Love Story
HumorNaranasan mo na bang maging 3rd wheel? Saklap diba? Mukha kang alalay nila. Pero kamustahin nyo naman si Azaleia Keight Aryuki. Isang simple, cute, tapos simple uli na babae. Wala kamustahin nyo lang. Baka napapagod na syang isulat ang istorya na di...