CHAPTER 1:Her name is Alexa

44 3 3
                                    

Nico's POV

Ako si Nico isang tamad na gwapong HighSchool Student (self-support) at galing ako sa hindi naman mayaman at hindi rin namang mahirap na pamilya, sakto lang. At ako ang pinakamakulit na anak nila Mom and Dad at kilala ako sa katawagang bopols, ewan ko ba kung bakit? Ay oo nga pala hehe.And mahilig din ako sa panonood ng Anime, siguro dahil doon yata ako bumabagsak? Basta proud akong Otaku ako.

*****

"Final Exam Result" (Second sem)

"Pasado ako pre 'di nasayang yung paghihirap ko wooaaah Yess!!" ang napakasayang sambit ni Rain.

"Syempre ako rin pre, papatalo ba ko? Hahaha" ang sagot naman ni Ivan.

Sila ang mga kaibigan ko since nung pumasok ako ng High school hanggang ngayong 4th year (grade 10) na kami at syempre sila ang kasama ko sa kalokohan.

"E ikaw Nico? Kamusta?" nang-iinis na sambit ni ivan sakin.

"Aahhhh eehhh anooo kaseeee" sambit ko na nagdadalawang isip sabihin kase baka pagtawanan na naman nila ko.

"Bagsak ka na naman noh?!" ang nakakagulat na sabay na sambit nila Rain at Ivan sa'kin sabay kuha ng test paper ko.

"Ahh Oo eh yare na naman ako nito kila Mom and Dad" nalulungkot na sagot ko sa kanila.

"Nakoooo..yan si Nico? tamad kase yan e..ayan tuloy" sambit ng klasmeyt ko mula sa likod namin.

"Hooy Danica! Tumigil ka nga! Pag ako nagsipag baka maging first Honor nyo pa ako dito" pagalit na medyo payabang kong sagot ko.

"Sus mukha mo first honor!" pagalit n'ya ding sagot sakin.

Ayan si Danica ang pinakamatalino naming kaklase..syempre pagmatalino madaming kaibigan kaya ako ito 2 lang yung kaibigan kase u know what i mean..

At habang nagkwekwentuhan kami ng mga kaibigan ko ay biglang pumasok si Ma'am sa room at agad-agad kaming bumalik sa kanya-kanya naming upuan.

"Attention Class!" nakakagulat na sigaw ng teacher namin pag pasok sa room.

"May bago kayong kaklase maganda ito at mabait pa 'di katulad nyo, s'ya si Alexa" masayang pabirong sambit ng teacher namin samin.

"Hala par maganda daw oh? Pagkakataon muna to para magka girlfriend" pang-asar na sambit ni Rain sakin.

Wala pa kase akong nagiging girlfriend kahit na gwapo ako (talaga ba) kase pinagbabawalan ako ng magulang ko dahil baka lalo daw akong bumagsak at maging mangmang sa pag-aaral.

"Sige na Alexa pumasok kana dito't para makita mo na ang mga pasaway mong kaklase" nagbibiro na sambit ng teacher namin.

"Hello po, ako po si Alexa Roque ang bago n'yo pong kaklase" nahihiyang nakangiting sabi ni Alexa.

Ang lahat ng lalaki naming kaklase ay natulala maski ako pero lalong lalo na yung mga kumag kong kaibigan.

"Sige na Alexa, umupo kana doon sa dulo katabi ni Nico" sabi ng teacher namin na ikinasaya ko kase makakatabi ko s'ya.

Habang siya'y naglalakad sari-sari ng tunog ng mga hayop este tao ang naririnig niya.

"Ayyiiiiieeeee!" "Sana lahat" "swerte mo" ang napaka-ingay na sunod-sunod na sambit ng mga lokong kaklase ko. Syempre kinikilig naman ako.

At umupo na nga sa tabi ko si Alexa at bigla akong kinabahan dahil nakatingin siya sakin at nakangiti at syempre makapal mukha ko at wala akong hiya tinitigan ko si'ya ng masama sa kanyang mata at unti-unti na siyang lumalayo ng tingin sa'kin at tumingin sa kawalan.

After 25 minutes

"Krinnggg Kriinnggg" tunog ng bell namin na kahulugang recess na.

Nagsilabasan na ang mga kaklase namin para pumunta sa canteen pero si Alexa ay napansin kong halukat nang halukat sa bag niya na parang may problema. Agad akong lumapit sa kanya at nagtanong.

"Hey! Alexa! What's wrong?" sabi ko sa kanya.

Kahit mangmamg ako marunong din ako mag english no.

"Ahhhmm..kasee yung wallet ko nalaglag ko ata" sagot niya sa'kin.

"Ahh.. tara! Labas tayo libre nalang kita parang gutom ka na e" sambit ko sa kanya na parang nang-aasar.

"Hindi..wag na, salamat nalang 'di ako gutom hehehe" sambit niya sa'kin.

At nung paalis na ako ay may biglang tumunog na para bang nagugutom na tiyan at agad akong napahinto.

"Talaga Alexa? E ano yong narinig ko?" nang-aasar kong sambit

"Oo na, sasama na ko hayts" sagot niya na mukhang napilitan.

Habang naglalakad kami sa Hallway napansin kong parang ang lalim ng iniisip niya o naiilang lang siya sa'kin?

At nakarating na kami sa canteen

"Alexa anong gusto mo?" sambit ko.

"Yung mura nalang yung bananaque" sagot niya.

"Kahit mahal okay lang sakin yon ano ka ba" pabiro at may kasalong yabang na sagot ko.

"Talaga lang ah" sagot niya sakin na para bang natawa.

"Ate magkano yung bananaque?" Sambit ko sa tindera.

"10 isa gwapo" sagot ng tindera na agad naman akong natuwa.

"Sige po ate, dalawa po" sambit ko sa tindera.

At inabot na saakin ng tindera ang bananaque at agad kong pinahawak kay Alexa para makuha ko ang wallet ko at makapagbayad na at agad din naman niyang kinagatan na ang sakanya.Gutom na gutom na ata

At pagbukas ko ng wallet ko nagulat akong 12 Pesos lang ang laman.

"Ay patay" mahina kong sambit.

"Bakit? ano problema? Sambit ni Alexa habang kinakain ang pagkain n'ya.

"Ahh ano kase" natataranta kong sagot sa kanya.

Buti nalang nakita ko sila Rain at Ivan sa table malapit sa amin.

"Ate wait lang po ah" sabi ko sa tindera.

At agad akong pumunta kila Rain at Ivan para maka utang.

"Rain! Ivan! Peram muna ako ng 8 Pesos d'yan oh kulang kase pera ko promise babayaran ko nalang bukas" makapal na mukha kong sinabi sa kanila.

"O etoh 10 Piso sayo na 'to sobra naman 'to sa baon ko e" sagot ni rain sakin na para bang napilitan.

At agad naman akong pumunta sa tindera para makapagbayad na.

"Ito na po yung bayad" sambit ko sa tindera.

"Anlakas makasabi na manlilibre e wala naman palang pera" mahinang sambit ni Alexa ngunit narinig ko.

"Nilibre ka na nga e kung ayaw mo akin nalang!" medyo pagalit kong sagot.

At nagulat akong isa nalang ang hawak niyang bananaque.

"Wala na, sorry nasa tiyan ko na e" paasar niyang sambit sakin.

At agad naman akong napikon kaya kinuha ang pagkain ko sa kamay niya sabay alis papunta sa mga kaibigan ko.

"Sige na klasmeyt babalik na ko sa room, babye!" sambit niya sakin habang ako'y naglalakad papalayo.

"Oo na!" pasigaw kong sagot sa kanya.

"Medyo may pagkabaliw din pala 'tong babaeng 'to" mahina kong sambit.

THE END OF CHAPTER 1
THANKYOU FOR READING!

DON'T FORGET TO FOLLOW "GinoongPusa" for more updates.

Bye for now, AlexaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon