Kabanata 23

3.7K 188 27
                                    

Mabilis akong bumalik sa aking silid pagkatapos ng aking nasaksihan. Para pa din akong nakalutang sa gulat, paano nagawang lokohin ni don ismael si Donya victorina. Naiintindihan ko din kung bakit nagtanim ng galit si celestina. Hindi ko naman siya masisisi dahil masakit naman talaga iyon.

Mabigat pa din ang aking dibdib pagkagising ko kinaumagahan. Dala dala ko pa din ang aking nalaman nung gabi. "Magandang umaga binibini" bati sa akin ni cedes.

Nagngiting aso ako sa kanya, hindi ko na kasi alam kung paano ko siya papatunguhan matapos ng nalaman ko. Wala akong karapatang magalit sa kanila lalo at hindi naman ako ang totoong celestina agoncillo, pero wala akong choice dahil nasa katawan niya ako.

"Handa na ang pampaligo niyo binibini" sabi pa nito kaya naman napatango na lamang ako.

Hanggang maari ay iniwasan kong tingnan siya sa kanyang mga mata. Ayokong makita o mapansin niyang may pagdududa na ako para sa kanya.

"Ngayong araw ay pupunta tayo sa plaza para tumingin ng mga bulaklak" sabi pa niya sa akin habang naglalakad ako patungo sa banyo.

Tumango lamang ako habang nakatalikod sa kanya. Nakasunod pa din ito sa akin. Hindi ko talaga alam kung paano siya papakitunguhan.

Isasara ko na sana ang pinto ng banyo ng kaagad kong nakita si cedes, malapit sa pinto nakatingin sa akin. Punong puno ng tanong ang kanyang mga mata. Nangungusap ang mga ito.

"May problema ka ba binibini? Pwede mong sabihin sa akin, pakikinggan kita" malambing na sabi niya sa akin.

Napaawang ang aking bibig. Parang unti unting nawala ang namuong galit at tampo kay cedes.

Nginitian ako nito at hindi pa siya nakuntento dahil lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. "Pwede mo akong ituring na parang pangalawang ina mo binibini..." malambing na sabi pa niya sa akin kaya naman parang uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi.

Tipid ko lamang siyang nginitian at tsaka tinanguan. "Salamat cedes" sabi ko na lamang bago ko tuluyang isinara ang pinto.

Naging normal ang lahat para sa amin ni cedes, siya pa din ang tumulong sa akin sa pagpili ng aking susuoting baro't saya, siya pa din ang nagsuklay sa aking mahabang buhok.

"Para saan ang mga bulaklak?" Tanong ko sa kanya.

Muli niya akong matamis na nginitian. "Para sa iyong nalalapit na kasal" sagot niya sa akin kaya naman napa ah na lamang ako.

Pagkatapos kong magalmusal kasama sina don ismael at donya victorina ay bumyahe na kami ni cedes patungo sa plaza ibañez.

"Anong meron dito cedes?" Nagtatakang tanong ko sa kanya ng makita kong may parang kung anong nakalagay sa gitna ng plaza.

"Kaparusahang garote" tipid na sagot niya sa akin kaya naman kumunot ang aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko pa sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Kung ikaw ay makakapatay ng tao na higit pa sa isa...kaparusahang garote ang iyong kakaharapin" sabi pa niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Puputulan ng ulo?" Tanong ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.

Napatango si cedes. "Pero kung lima o higit pa, bitay ang ipapataw sa iyo. Hindi ka nila hahayaang mamatay na hindi naghihirap" patuloy na kwento pa niya sa akin.

Napanguso ako. "Kung ganuon, bakit sa plaza ibañez ito ginagawa? Hindi ba sila nangangamba na maraming taong makakita, ito ang centro ng bayan" tanong ko pa kay cedes.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon