Astraea POV
Tapos na ang klase kaya nagsilabasan na ang mga kaklase ko, ganun din ako ngunit wala pa ang sundo ko kaya sinubukan kong tawagan ang driver namin pati si ate pero walang sumasagot! Hmp! Ano bayan!
Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti nalang at may dala akong payong. Sumakay ako ng bus dahil mas kumportable akong sumasakay ng bus kapag nag co-commute. De bale na lalakarin ko nalang.
Huminto ang bus sa babaan kaya bumaba na ako tutal malapit lang naman ang subdivision dito kung saan ako nakatira. Habang naglalakad ako ay may matulin na kotse ang dumaan at sa kasamaang palad ay natalsikan ako ng tubig na nanggaling sa simento dahil sa malakas na ulan.
Nak ng tokwa! Nabasa na tuloy ang uniform ko! De bale pauwi naman na ako e. Muli nanamang bumuhos ang malakas na ulan kaya kinuha kong muli ang payong ko pero, Anak ng putakte! Naiwan ko pa yung payong ko sa bus!
Kung minamalas ka nga naman oh! Hmp! Kainis!
Wala akong choice kundi ang maglakad sa kalagitnaan ng malakas na pag-ulan.
Basang basa sa ulan! Walang masisilingon, walang malalapitan!
Putspa napakanta ako dun ah! Ng makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni pochi.
"Nako naman iha! Alam mong mabilis kang tablan ng sakit, pero nag paulan ka parin!" Nag aalalang sabi ni manang.
"Naiwan ko po kasi yung payong ko sa bus" anas ko.
"Osiya! Dalian mo at mag palit kana!" Ani manang. Tumango lang ako kay manang ngunit bago pa ako tuluyang ay binalingan ko kaagad ng tingin si manang.
"Si ate po?" Tanong ko.
"Umalis siya kanina pa may pupuntahan daw" sagot ni manang. Tinaguan ko lang ulit siya at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko.
~~~~~~~
Nagising ako na balot na balot ang katawan ko ng makapal na kumot dahil sa sobrang lamig.
Tumunog ang alarm clock ko kaya mabilis kong pinatay iyon at bumangon upang maligo. Hays! Ang sama ng pakiramdam ko! Pero no choice ako kung hindi ang pumasok dahil may exam kami.
Ng matapos akong maligo ay nagbihis agad ako at bumaba na sa kusina.
"Manang ano po ang ulam?" Tanong ko at umupo.
"Bacon at corned beef" ani manang. Waahh! Paborito ko 'to! Skl!
Imbis na ganahan akong kumain ay hindi ko na inubos ang pagkain ko dahil wala akong panlasa! Tss! Confirm may lagnat ako! Ano bayan! Bakit kasi ang bilis kong tablan ng sakit.
"Yaya, mauna na po ako" matamlay kong sambit.
"Osiya! Pero hindi mo pa inubos ang pagkain mo"
"Sa school nalang po ako kakain" anas ko at bago lumabas ay sinuot ko ang jacket ko.
S.A.U
Wala pang masyadong estudyante kaya agad akong tumungo sa classroom at inilapag ko sa pwesto ko ang bag ko at lumabas para hanapin si amy. Ng mahagip ng mga mata ko si amy ay agad ko siyang nilapitan.
"Amy" tawag ko sakanya na ikinalingon niya.
"Oh! Ang init init sa pinas tapos naka jacket ka!" Ani amy.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza