Chapter 1

169 17 4
                                    

Chapter 1: Badly Want To

Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dali-dali akong pumunta sa kusina pagkatapos kong maligo at mag-ayos? (actually hindi ko masabi kong nag-ayos ba ako. Nako self? Mukha ba akong maayos?!)

Kinuha ko yung pandesal at kinain ito sabay inom ng gatas na nasa lamesa. Bahala na kung mabulunan ako! "Calix! What the hell? It's already 7:00 am! Your class starts at 7:30! Anong akala mo sa transportation dito sa Pilipinas? May teleporation?"

"Ito na nga! Nagmamadali na ako" inis na sabi ko at inirapan ko siya sabay ayos ng mga gamit ko. Chineck ko kung may nakalimutan pa ba ako or what ng biglang "ARAY!" aba'y batukan ba naman ako.

"Aray talaga! You dimwit! Gusto mo magpalit na lang tayo, kung gaganyan ka rin naman pala? You----" hindi ko na pinatapos yung sinabi nung demonyo kong kakambal. Kailangan talaga mamatok?!

Lumabas na ako ng bahay at naglakad na paalis. Tiningnan ko yung orasan ko.

Shit I'm doomed! 7:10 na! Stupida mo talaga Calix!

Nag-ala flash ako at tumakbo na. Masyado na naman kasi akong nahibang sa kakanood ng series sa laptop ko. 3 am na ata ako nakatulog. Sa lagay na ito wala pa akong Netflix na account ha? Paano pa kaya kung meron. Tyagaan lang ako sa paghanap ng sites na pwede pagdownloadan at ako na rin ang nagdodownload ng subtitles.

After ng ilang minutes nakarating na ako sa school ko. Tricycle at jeep ang kailangan sakyan para makarating sa aking school.

Raven High University.

Tumakbo na ako papasok. Habang chinecheck nung guard yung bag ko. Ewan ko kung chinicheck ba talaga o chinacharot lang ako nito? Aba'y tinutusok tusok lang naman niya yung bag ko. "Late ka na naman, Cheril!" sabi nung guard.

"Ugh. Manong guard naman! My name is Calix not Cheril, not Carol at mas lalong hindi Caramel!" pagtatama ko pero tumawa lang siya habang umiiling. Lagi na lang siyang nagbabanggit ng ibang pangalan. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yun para inisin ako or sadyang makakalimutan lang siya?

I mean, gosh! Who the hell is Caramel? Ginawa pang flavor ang pangalan ko? No hard feelings diyan sa mga Caramel ang panngalan ha? Hehe

Napailing na lang ako at nagsimula ng pumunta sa gym. May ka-ek-ekan na naman siguro yung school namin kaya may program sa gym. "Hoy Calixaaaa!"

Ugh. That name....

Lumingon ako sa direksyon ng nagsalita. "Ano ba Yuni? Alam mo namang naiinis ako kapag tinatawag mo ako ng ganyan. Badtrip na nga ako kasi kakamadali ko tapos dadagdag ka pa" inis na sabi ko. Hinawakan niya na ang braso ko at nagpacute.

"Sorry na! Hindi ka naman nalate kasi busy ang mga teachers kaka-organize ng program." sabi ni Yuni at kinindatan niya pa ako

yaks.

Pumasok na kami ng multi-purpose hall. Hinanap namin yung section namin at naupo sa tabi ng iba pa naming kaibigan. Naabutan naming nag-uusap sila or nag-aaway? Ewan ko ba.

Buti naman at napansin nila kaming dalawa ni Yuni. "Hi Calix! Hi Yuni!" bati ni Hale. Kinawayan rin kami ni Kate at Jessica. "As I was saying, hindi naman yun ang first song nila noong nagdebut sila!"

"Yun yon! Ang tinutukoy mo na song ay yung pre-debut song nila"

"Hindi, yun yung song nung debut nila. Remember nung may mga suot pa silang leather jackets doon sa mv nila?"

"Nag-uusap na naman kayo tungkol sa boy groups na yan. Hindi kami makarelate ni Calix!" sabi ni Yuni. Well, sanayan na lang naman kasi yan. Lagi na lang yan ang pinag-uusapan nila.

Beauty Beneath The StarsWhere stories live. Discover now