Chapter 1 : Mission Accepted

164 1 0
                                    

CHAPTER 1  :

" Dali na kasi Prince ! 2.1 M.  na nga offer sayo ni boss ! Bumalik ka na kasi sa pagiging Secret Agent  mo  !

" Eh paki mo ba kung ayaw ko ? "  pagkasabi ko kay Tyro habang nagsisindi ng sigarilyo

" Prince naman eh ... Malilintikan ako kay boss neto kapag hindi kita napa-oo , kaibigan naman kita diba? Kaibigan mo ko , ang kaibigan nagtutulungan ! Nagdadamayan ! Dali na Prince "  sabi ni Tyro habang nakaluhod sa labas ng starbucks coffee ... Maraming nakatinging tao ...  

" Tumayo ka nga jang kumag ka ! "  sigaw ko sa kanya habang nakasimangot

" Pinapatayo muna ako ? Ibig sabihin ba non oo ? Tinatanggap mo na yung offer ? "  Ngiting wagas? Abot tenga ? Sayang saya ?

" O- Oo na.... Tchchh .. "  tumingin ako sa ibang direksyon at nagsindi ulit ng panibagong sigarilyo ...  " siguraduhin nyong buong 2.1 M. ang makakarating na pera sa kin ah .. "  Tumayo na ko at lumakad .... 

" Thank you Prince ! May puso ka pa rin pala ! Alagaan mo kalusugan mo ! Wag puro Isoy !             ( yosi ) "

Nagwaved lang ako sa kanya habang nakatalikod ....

=======================================================

Sa Bahay 

* Zzzzzzzit ( Phone ko yan nag-va-vi-vibrate , yan uso ngayon )

" Oh sino toh ?  Sagot agad. "   ( Translation : Hello , Prince speaking )

" Welcome to the family again , Prince  Remirez  "  masayang sabi ng taong nagsasalita mula sa kabilang linya..Mukhang yung  boss namin ang nagsasalita

" Kamusta tanda ? Malapit na ba burol mo ? "   Matawa tawa kong pagkasabi sa kanya

" Hindi ka pa rin nagbabago Silencer "  narinig kong tumawa sya ng mahina 

" May pinagbago pa rin naman ..... Mas lalong naging demonyo pa ata:" 

" Haha ... Bata ... Alam kong pamilyar sayo yung apelyidong Grey .... Kilala mo si John Grey ? "

" ah .. oo ....Nakasalamuha ko na yun ... Yung nagta-trabaho ako dati bilang Spy at Secret Agent "

" Mmm .... Sponsor natin yun .... Mayroon syang ipinaguutos sa aten ... " 

" Ano ? "  mahinahon kong tanong

" Yung anak nya .... kailagan mong protektahan ang anak nya....." 

" Huh ? " kumunot yung noo ko

" Ipapadala ko sayo si Double Fang ( Tyro ) dyan sa condo mo maya-maya....Sya ng magpapaliwanag sayo ng mga bagay bagay....Goodluck Silencer.. "   naputol na ang kabilang linya

Huminga ako ng malalim......

Dumiretso ako sa Ref para kumuha ng malamig na tubig... Umupo ako sa sofa at binuksan ko yung laptop sa lamesa

Ako si Prince Remirez A.K.A  Silencer......22 years old 

" PRINCE ! PRINCE! "  Pisti nakakagulat..si Tyro lang pala 

" Tumigil ka nga Tyro ! Para kang Bakla !  Donut ba yan ? Para sa ken?"  hinablot ko yung box ng donut na hawak nya at kumuha ng dalawa

" Grabe.... 3 years rin ang nakalipas simula nung nag -resigned ka .... WELCOME BACK    SILENCER "      Binangga nya ko sa braso habang nakangiti

Teka...Bakit nga pala ako u-mo-o ? Eh pangako ko ga sa sarili ko na hindi na ko babalik sa pagiging secret agent..Tsss..

" UY ! Nakikinig ka ba saken ? Ang lalim ng iniisip naten ah ? "

" Ah-- O-o.... Oo nakikinig ako " tinuon ko ulit ang atensyon ko sa profile nung John Grey 

" Bukas na bukas ...Mag-sta-start ka na sa misyon mo , eto " tinapat nya sa mukha ko yung picture na hawak hawak nya.....litrato ng isang babae  

" Ayan ! Aszhia Grey ang pangalan ng babaeng yan , ang ganda noh ? Grabe kung di lang kita kasing gwapo at kasing bata , walang ano ano kukunin ko yang trabahong ino-offer sayo ni        boss "

hinahalik-halikan nya yung litrato nung babae....Manyak talaga tong si Tyro 

" A-szhia...Grey... "  tinype ko yung pangalan nya at hinanap ang kanyang profile

  Aszhia Grey

 Female 

17 years old

 Junior High 

studying at Royale University 

Father : John  Grey 

Mother : Ellena Grey 

Owned Company : Grey Corp , A apparel , Leveled up Cafe etc..

" Mayaman pala tong mga Grey "  sabi ko pagkatapos kong basahin ang mga impormasyong nabasa ko sa pofile nung anak ni John Grey 

" Kasama yan sa Top 20 na pinakamayaman dito sa Pinas Silencer , pero kasama rin sila sa Top 20 na habulin ng mga bala ng baril haha .... Pinasa ko na yung mga papel mo sa Royale University .... Papasok ka na bukas.....  7 : 30 ang time mo ... Kailangan 6 : 00 gising ka na .. Kilala kita.... bampira ka eh... Sige aalis na ko pare mamaya dadating na yung school uniform mo at gamit mo pang-eskwela , bukas susunduin ka rin ng limuosine ko este kay boss .... "   Lumabas na sya sa condo ..pero patuloy pa rin sya sa pagsasalita  " Ayos mukha pagdating sa school ah ! Bawal Isoy don !

Byeeeee! "

Teng-eneng yen .... Babalik na naman ako sa pagiging stupidyante ko ? 

================================================

[ Hi guys !!!! Ok speechless ako...  hehe :D Gusto ko lang magpasalamat sa tyagang pagbabasa nyo nito :D Stay tuned guys ]

My Secret Agent BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon