His Paraluman (One shot)

27 3 8
                                    

"I first met her at kiddie pool...


"Totoo bang habang may buhay, may pag-asa? Paano kung ikaw yung buhay ko, may pag-asa ba ako sayo?"

"Mais ka ba?"

"Bakit?"

"Ang corny mo kasi"

Napakamot ako ng batok. Akala ko kikiligin siya sa mga banat ko pero hindi pala. Hindi maipinta ang mukha niya na parang naaasar na sa akin.

"Akala ko ba naman magkaibigan na tayo? "

"Hindi ko nga alam ang pangalan mo, bata!"

"Ako si Miles" nawala ang ngiti ko ng bigla siyang tumawa.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw! Bakit pangbabae ang pangalan mo?"

Pinanood ko siyang tumatawa. Pagkatapos ko siyang iligtas mula sa pagkalunod tatawanan niya lang ang pangalan ko?

"Ano bang pangalan mo?"


Tumigil na siya sa pagtawa bago ako nginitian. Crush ko na sana siya kaso pinagtawanan niya yung pangalan ko. Di ko na siya crush.

"I'm Clove"

Seryoso ang mukha niyang nakangiti sa akin parang pinagmamalaki ang unique niyang pangalan. Hindi ko tuloy maiwasang tumawa.

"B-bakit ka tumatawa!"

"Panglalaki naman ang pangalan mo" I said between my laughing

Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko ang nangingilid niyang luha. Masama niya akong tinignan habang umiiyak sa harapan ko.

"C-clove..."

Tinawag ko siya pero di siya lumingon. Umalis siya ng pool na hindi nagpapaalam sa akin. Akala ko hindi na ako makakahingi ng tawad sa kanya pero--

"Hoy! Para kang baliw na natawa jan"

Lumingon ako sa babaeng niligtas ko at pinaiyak noong pre-school pa lang siya. Ang dami ng nagbago sa kanya ngayon. Tumangkad siya, humaba na rin ang buhok at natuto na siyang mag-ayos. Hindi na siya dugyot.

"Miles naman, e! Bakit ka ba natawa!"

Pero hindi mawawala ang pagiging childish at iyakin niya.

"Wala, naalala ko lang yung una nating pagkikita. Yung sa pool"

"Aray naman, Clove! Bakit mo ako pinalo?" naiirita kong sabi pero tinawanan niya lang ako.

Madami ng nagbago sa pisikal niyang anyo pero yung ugali niya, ganun pa rin. Her personality is what I really love the most.

"Bakit mo pa kasi inaalala 'yun? Ang panget ko umiyak. Di ko nga alam kung tulo uhog ko nun"

"Oo, tulo uhog ka nun"

Tinawanan ko siya ng bigla siyang ngumuso

"Ayos lang, nakapag sorry ka naman sa akin nun"


"Kasi nagsumbong ka sa mama mo"


"Kasalanan ko bang isang cottage lang pala nirentahan ng magulang natin kaya kita nakita?"

"Kasalanan mo, kasi ikaw unang tumawa sa pangalan ko"

Tumigil kami sa pagsusumbatan ng tawagin siya ng mama niya para hipan ang candle ng cake. Moving-up niya ngayon kaya may salo-salo sa bahay nila.

His Paraluman  |One Shot|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon