CHAPTER II-Past doesn't matter anymore

713 47 12
                                    

Babae vs. babae lang dapat nagsasampalan diba? :<

"Mali ka! babae lang dapat ang nagsasampalan bading kang hayop ka. Ngayon kung gusto mo iupgrade to sa sabunutan wag dito! Sa labas nalang ng campus hah?" tapos tinap ko sya sa balikat then naglakad nako palayo.

Nag aabang nako ng taxi, hindi nko papasok ala nako sa mood. Puro kainisan ang nararamdaman ko. Bigla naman tumulo luha ko.

hey wag ka umiyak.malaki kana and big girls dont cry. kausap ko sa sarili ko

"miss sabi ko sasakay kaba?"

Nakita ko si Manong nasa harapan ko na di ko na pala namalayan ang pagdating ng taxi.

Tumango lang ako at pinunasan ang luha ko, kaunti lang promise.

Umuwi?hindi. Sa spa ako pumunta para makapagrelax. Hindi din ako nag pa spa kundi tumambay lamang ako doon.

Friend kasi nila mama may ari nito, mabuti nalang andito ang makulit nilang anak na si Karen,already 10 years old but super smart. Lagi ko itong kabiruan at nilalaro.

"So ate bakit namamaga yang mata mo?" ay tsismosang bata

"none of your business sweetie, now get your chessboard and put your ass up here" utos ko sa kanya saka ko pinat yung malambot na sofa.

Nagmamadali nya naman itong kinuha, madalas nya ko natatalo pero ayos lang haha. Muntik pa madapa,ang cute nya talaga.Kasing cute ng kuya nya.

"why are you staring at me ate? kamukha ko si kuya kaya oo alam ko naaalala mo sya" pangisi ngisi pa to.

"I dont love your kuya anymore" Si John ang kuya nya .Opo binigay ko sa kanya lahat pero nasayang,ang munting virginity ko at ang lahat ng makakaya ko. Pero ala eh iniwan pa din ako, atleast di ko na sya iniiyakan ngayon.

Flashback. Last year

ayyie certified CPA na ang mahal ko! samantalang ako eto 4thyear,ahead kasi sya ng 2 years sakin. Hindi pa sya bumabalik galing manila. alam ko 6 months lang ang review pero bakit 8 months na wala pa sya. Pero binalita sakin ng magaling nyang kapatid, oo si Karen nga,na tumawag ito sa kanila kagabi na CPA nadaw sya. Sa akin di tumawag pero ok lang.

Hindi ako nakatulog ng maayos,then paggising ko sa umaga 8missed calls! John omg ngayon lang sya nagmissed call ng ganito kadami,dati kasi 1missed call lang usually,mainipin kasi sya. Lagi din ako napapagalitan dahil matagal ako maligo at ampangit ko daw pumorma. Oo maganda po ako pero hindi ako ganun kaganda pumorma, medyo baduy pa ko nun halata nga sa mga pictures ko pah tinitignan ko dating photos ko ^^

May 1 message pa!Binasa ko text nya.

Lalabsyu;

Lorra kita tayo maya sa plaza,sa dati pa din.

I am expecting of a date pero bakit sa plaza lang ang yaman yaman nya yah! ahh baka ayaw mabawasan (tango tango)

Nagdala ko ng pouch at naglagay ng pera ako nalang gagastos,idedate ko sya (tangu tango) para gift ko narin sa kanya.

Pagbaba ko ng taxi natanaw ko na sya, with a girl?sino to ? ahh okay lang yan wala namang ginagawang masama eh kaya lumapit nako.

"Hello^^" bati ko sa kanila. nagtinginan lang sila at ngumiti sakin,ngiting matipid. Hinila ni John kamay ko at dinala ko sa isang gilid. Sinulyapan nya pa yung girl bago magsalita.

"Lorra, ano kasi.. nung nag review ako sa Manila nakilala ko sya...tap" parang alam ko nato eh kaya di ko na pinatapos magsalita

"tapos nainlove kana? ang galing mo naman hehe" naiiyak nako,onti nalang, actually tumulo nanga luha ko. Pero malumanay padin boses ko ayokong sigawan ang mainitin na ulo kong boyfriend,syempre natatakot akong baka iwanan nya ko.

"John okay lang namn sakin eh bastat ako padin mahal mo, dapat nagpaalam ka manlang na mambababae ka pala edi sana pinayagan kita."

"Lorra kas...

HEp! end of the story ayoko nang alalahanin pa baka maiyak nanaman ako.

Kasi yun nga, sinabi nyang di nya na ko mahal at mas mahal nya yung girl. Angganda naman kasi at marunong pumorma,at parang hindi yata boring kasama . Haay pero tinanggap ko na lang ang masaklap na katotohanan kahit masakit, kahit gabi gabi ako nagluluksa.

Kasi nga diba yun yung sinasabing pagpaparaya ng minamahal.

Always want the best life for someone's life even if it doesnt include you. That's the meaning of real love. So sana lalo pa syang yumaman amen.

Back to realidad.

"Ate ano maglalaro paba? ang emotera mo naman baka tumulo laway mo" natawa nalang ako sa bata nato.

●hi guys thanks for readiiing ♥●

Vote. Comment ♥

This Little Bitch Loves YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon