Chapter 18 - GETTING READY

2.8K 113 0
                                    


Jake's POV

Nasa tapat ng mga kama namin si kuya habang kami naman ni Yzada ay naririto sa kama at nag-aayos ng mga dadalhin. Naramdaman ko na lang na parang umalog ang kama ko. Pinag-isa lang pala ni Kuya. Teka ano?

Napatingin ulit ako sa kama ko na naging karugtong ng kama ni kambal naging isang king size bed ang kama namin.

"Ayan. Makakatulog rin ako sa wakas." Saad ni kuya at nag-dive sa gitna namin ni Yzada sabay pikit. Nagkatinginan na lang kami ni Yzada at sabay na napapout. Tinuloy na lang namin ang pag-aayos. Hay. Buhay nga naman parang life.

"Kambal 1 puntahan ko lang si Kambal 2 sa kabila." Natawa naman ako sa sinabi niya at tinanguan siya.

Jeff's POV (Yron)

"Kambal 2!" Nakabibinging sigaw ni Yzada na nakapagpatawa sa akin. Tanggap ko naman na siya si Yzada. No har feelings. Infact masaya ako dahil tanggap ako ng kakambal at kuya niya.

Tumalon naman siya dito sa kama ko. Lumapit naman si Jade sa amin.

"Hiyas, didn't you know that this room is for boys? Boys only?" Seryosong saad sa kaniya ni Jade.

"So? May mga lalaki rin naman sa kwarto namin ah." Walang paking sagot niya.

"But it's different!" Konting sigaw sa kaniya ni Jade. Konti lang pramis.

"I see no difference." Hays. Babaeng ito. Sumuko na si Jade sa kaniya at bumalik sa kami. Binelatan naman ni Yzada si Jade. PDA kung saan.

"Ok ka ba dito kasama ng mga tukomol?" Tanong niya sa akin at yumakap patagilid sa akin.

"Oo naman kambal." Sinserong sagot ko.

"Okay." Sagot niya. Nakita ko naman na may hawak na siyang chocolate na mula sa bag na dadalhin ko bukas. Nakita niya naman ako na nakatingin sa kaniya. Kumaripas siya ng takbo papunta kay Jade at hinalikan ito sa labi at kasunod no'n ay tumakbo na siya palabas.

Nakangiting naiiling na lang ako sa kaniya.

Yzada's POV

"Kuya! Walang ka bang pagkain diyan?" Tanong ko habang sumisilip sa bag ni Kuya Yko na siguradong nagulat ko.

"Makagulat naman ito oh. Eto meron akong dalang pizza at chocolate. Para talaga kay Yvan 'yan eh kaso hinihingi mo kaya pagsaluhan na natin. Puro ka talaga pagkain Zada." Napapout naman ako. Kanino ba kasi ako nagmana ng katakawan?!

"Kay Mommy ka nagmana ng katakawan baby." Sagot sa akin ni Kambal habang binubuksan 'yung isang box ng pizza. Hindi na ako magugulat kung bakit niya nabasa ang isip ko nakabukas kasi eh kaya isinara ko na.

Nang mabuksan ni kambal ang isang box ay kumuha na siya doon. Kumuha na rin ako syempre ng dalawa at pinagpatong iyon. Gutom ako wala kayong magagawa.

"Bigyan natin 'yung iba." Saad ko habang nilalantakan yung pizza.

"Bibigyan mo pa sila eh kulang nga sa'yo 'yan? Buti na lang nagdala ako ng marami at mabigyan ko na sila kanina pa." Nakangusong saad ni Kuya habang kumuha ng pizza. Alam ko naman na kulang 'to sa akin eh kaya dapat hindi sila kumuha pero dahil mabait ako okay pwede silang kumuha.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa sala ng dorm at nandoon ang mga girls kaya dumiretso ako ng upo sa tabi ni Cassy. Si kambal naman umupo sa tabi ni Amber at si Kuya naman pumunta sa boys room para siguro tawagin sila.

"May naalala na ba kayo guys?" Pagbubukas ng topic ni Kirra since siya naman ang unang nakaalala kaya siya na ang nagbukas ng ganyang topic.

Umiling ako bilang sagot. Ganoon din ang ginawa nila Amber, Aysha, and Cassy. I wonder kung may naaalala na sila Zi at Kris. It's possible though kasi they are guardians too. Malay niyo unang makakaalala eh mga guardians tapos next kaming mga princess.

"Kahit glimpse lang ng past?" Dagdag naman ni Kambal.

"Wala rin." Sagot ni Amber.

"Kami unti-unti ng bumabalik 'yung memories namin pero hindi pa fully na bumalik." Biglang sulpot nila Kris and Zi na naupo sa floor ng nakaidian sit. Saktong katapat nila ay sina Irene at Azul.

Dumating rin si Kyle at umupo rin sa floor na nasa tapat ni Aysha. Nakita ko naman si Apoy na patungo sa pwesto ko kaya umusad ako ng kaunti para makaupo siya. Umupo naman si Kambal 2 sa tabi ni Kirra at si Matt sa tabi ni Cassy and ofcourse si Zach sa tabi ni Xandra.

"Sana ano mang malaman natin sa pagpunta natin sa mga kaharian pala natin ay maging daan para makaalala na tayo." Saad ko at nabuntong hininga. Nahihirapan rin naman kasi ako. Hindi ko sila maalala. Ang mga magulang ko, ang anak ko, ang kambal ko, ang mga kaibigan ko, at ang mahal ko. Oo alam ko sa puso ko na mahalaga sila at mahal ko sila pero iba pa rin kapag kilala mo sila. Iba pa rin kapag alam ko kung sino ako. Iba pa rin na may buhay ka nga, nandyan nga sila sa tabi mo pero hindi mo sila maalala.

"Sana nga talaga makaalala na kayo." Malungkot na saad ni Matt.

"Mag-iingat sana tayong lahat bukas dahil hindi tayo magkakasama. Baka biglang May umatake sa isa man sa atin na huwag naman sanang mangyari." Seryosong saad ni Kyle.

"Wow seryoso siya." Pang-aasar sa kaniya ni Aysha.

"Seryoso ako Aysha at mabuti na lang makakasama mo ako sa pagbabalik mo sa kaharian para naman masiguro kong ligtas ka." Seryosong sagot nya rito. Hindi naman na umimik si Aysha.

"Basta incase na may mangyari sa kahit na sino man tawagan niyo kami para makasigurado." Nagsitanguan naman sila sa sinabi ni Kuya Yko.

"Magsitulog na tayo. 10 na ng gabi, siguradong kakulangan tayo ng tulog nito." Saad naman ni Apoy.

"Good Night."
"Nighty."
"Sweet Dreams."

Magkapanabayan naming saad sa lahat. Nagsitayuan na sila kaya tumayo na rin ako pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay hinila ako ni Apoy.

Hinalikan niya naman ako sa noo.
"Good Night Hiyas. Sweet dreams." Saad niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Niyakap ko naman siya.
"Good Night rin Apoy. Sweet Dreams." At bumitaw na ako sa yakap naming dalawa at pumasok naman na ako sa kwarto. Hindi daw kasi siya papasok sa kwarto nila hangga't hindi niya ako nakikitang pumasok sa kwarto namin nila Kuya.

Nahiga naman na ako sa gitna ng dalawang kumag, gusto nila ganito eh.

"Good Night and sweet dreams lil bro and lil sis." Saad ni Kuya at hinalikan kami sa noo. Umaangal nga si Kambal kaya natawa na lang ako. Pinupunasan niya pa nga ang noo niya hanggang ngayon.

"Good Night rin sa inyong dalawa." Saad ni kambal at hinalikan ako sa noo. Hindi niya naman hinalikan si si Kuya kaya nagpout na lang siya.

"Bakit ako wala." Nakapout na saad ni Kuya kay Kambal.

"Ang bakla mo nmn kuya eh." Nagkakamot ng ulong saad ni Kambal.

"Tama na 'yan, matulog na tayo. Good Night and sweet dreams brothers." Saad ko at pumikit na.

Unti unti naman na akong nilamon ng kadiliman.




dreamhope_s

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now