L i m a r i o's POV
"LALISAAA." Tawag sakin ng nakangiting kuwarentay tres anyos na ginang ng makita ako nitong papasok sa malaki nilang pintuan. Sinalubong naman ako nito ng mahigpit na yakap at isang matamis na halik sa aking pisngi. "Mabuti naman at tinupad mo ang aking hiling na dumalaw dito, ang tagal na panahon na kasi nung huling pumunta ka dito sa bahay nakakapagtampo ka iha talagang kinalimutan mo na kami ng Tito-ninong mo." Nakalabing sabi nito sa akin. Natawa naman ako sa inasta nito sa akin, kahit may edad na lumalabi pa rin na may kasama pang pagkunot sa noo pero kahit ganun kyut pa rin naman ito tignan kahit may kaedaran na. Humalik muna ako sa pisngi nito bago nagsalita. "Naman ninang kahit ang tagal Kong di pumunta dito diko pa rin kayo makakalimutan ni ninong sa guwapo't ganda niyo ba namang dalawa kaya imposibleng makalimutan ko kayo." Napa-aray naman ako nung batukan nalang ako nito bigla. " Talagang nambola ka pa para madali kitang mapatawad sa pangbabalewala mo sa amin ng ninong mo." Napakamot naman ako sa aking noo nang makita Kong lumungkot ang mukha nito. "Hala sorry na po Ninang sadyang nabusy lang po talaga ako kaya di na ako nakadalaw dito, wag kana po malungkot andito na nga ako o? Di ka pa ba masaya? Sige ka baka sapakin na naman ako ng maldita mong anak pagnakita niyang nakabusangot ka, baka isipin nun inaaway kita ibang klase pa naman yang anak mo." Napangiti naman ito sa sinabi ko "Kayong dalawa talaga hanggang ngayon di pa rin kayo nagkakasundo noh?, tumatanda na kayo para pa rin kayong aso't pusa pagnagkikita kayong dalawa." Iiling iling na sabi nito sa akin. "Diko naman po kasalanan kung ayaw sakin ng anak niyo at palaging mainit ulo nun sakin, kaya diko tuloy maiwasang asarin yun tita ansama kasi ng ugali nun lage nalang akong sinusungitan wala naman akong ginagawa eh." Pagsusumbong ko dito. "Eh sino ba naman ang matinong tao na di maaasar diyan sa kayabangan mo manoban?." Agad kaming napalingon ni tita sa napakagandang dalaga na nakita ko sa buong buhay ko. Nakatayo ito ng tuwid sa may hagdan habang nakahalukipkip at ang sama ng tingin nito sa akin. Napataas naman kilay ko sa sinabi nito. "Naku! Naku! Naku! Ikaw lang nagsabi sa akin ng ganyan, ang lakas ng loob mong sabihan ako ng mayabang samantalang yung nga chicks at boyfriends ko nga di sinasabi sakin yan ehh." Dahil sa sinabi ko mas lalo pa nitong pinataray ang kilay nito habang nakatitig sa akin, ang maldita talaga ng babaeng to kung di lang to anak ng pinakamaganda Kong ninang dati ko pa sana kinalbuhan kilay nito nakakapanginit ng ulo eh. "Ibahin mo ako sa mga chicks mong makakati lalisa di ako katulad sa kanila na madaling magpabilog at magpauto sayo, eh kahit magyabang ka pa ng magpayabang sa harap nila at bang ibang tao di ka pa rin nila pagsasabihan na MAYABANG KA Kasi lahat nalang ng mga humahanga diyan sa kayabangan mo pinapatulan mo inuuto mo ng inuuto na mahumaling lahat sayo para di ka masabihan ng mga masasakit na salita. At ang mas malala pa wala kang pakialam kung matanda man o Bata basta may asim pa talagang papatulan mo, bilib na bilib talaga ako diyan sa talent mo noh? Kebabae mong tao napakaFUCKGIRL Mo!." Inismiran muna ako nito bago nagpatuloy sa pagbaba sa may hagdan. Nang-iigting ang mga pangang hinablot ko ang braso nito, wala akong pakialam kahit andito pa si ninang ,makaganti lang ako dito inis na inis ako sa sinabi nito na di naman totoo. "HOY! Menopause Baby! Talagang pinupuno mo pasensiya ko sayo ha? Unang una di ako mayabang di katulad diyan sa mga manliligaw mong mukhang nasagasaan ng pison ang mukha pangalawa di ako pumapatol sa kahit sino sino nalang diyan, at mas lalo nang di ako pumapatol sa Mga MATATANDANG tulad Mo! Pangatlo di ako FUCKGIRL na katulad ng iniisip mo. At kung inaakala mong nagsisinungaling ako EDI sige subukan mo ako sa kama at tignan natin kung fuckgirl talaga ako." Nanghahamon na sabi ko dito.