PAGSAMO
BY:skMatagal nang iniinda ng aking mahal na inay ang kanyang kaliwang paa. Ito daw ay mula pa ng nasa tiyan siya ng aking lola. Maaga siya sa mga karaniwang mga sanggol na isinisilang kung kaya hindi gaanong nabuo ang ibang parte ng kanyang katawan. Ang kanyang kaliwang paa at apat na daliri sa dalawang kamay.
Gamit niya bilang pang-suporta ay ang lumang saklay na ginawa niya pa mismo. Isang masipag at mabait ang aking inay. Wala na akong hihilingin pang iba kundi ang magkaroon siya ng malusog na pangangatawan.
Marami na siyang napagdaanan sa buhay. Una, ang kulang na parte ng kanyang katawan. Dalawa, hindi siya tanggap ng kanyang ina. Tatlo, nabuo ako dahil ginahasa siya ng mismong ama. Nagpakalayo-layo siya upang magsimula ng panibagong buhay.
Hindi kailanman nagtanim ng galit si inay sa kanyang mga magulang dahil alam niya na parte ito ng plano ng ating Diyos sa kanya. Kahit sa akin ay naging tunay na ina siya.
Minsan nag-aya si inay na mamasyal sa plaza. Alam ko naman na gusto niya lang na maipakita sa akin ang mga magagandang bilihin doon. Wala kaming pera kaya ayos lang kung hanggang tingin lamang ako.
Mula sa isang tindahan patungo sa isa pa ay ang pauli-ulit naming ginagawa hanggang sa napagod na si inay kaya napagpasyahan namin na umupo muna sa may lilim ng punongkahoy sa hindi kalayuan. Dito wala masyadong dumadaan kung kaya't naayon ang lugar na ito para magpahinga.
Habang dinadama ko ang sariwang hangin, napatingin ako kay inay. Sinundan ko ang mapanuri niyang tingin. Mayroong lalaking hindi maawat sa pagtakbo dala-dala ang isang napakagandang pitaka, mukhang pang-mayaman. Palapit ng palapit.
"Bitawan mo ako!" galit na sigaw ng lalaki. Sa puntong nakalapit na ang lalaki sa kinaroroonan namin, agad na hinablot ni inay ang kanyang binti na ikinatumba ng magnanakaw. Kinuha ni inay ang pitaka gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Kitang-kita ko ang takot sa mukha ng lalaki kung kaya agad itong tumayo at umalis na sa lugar. Hirap tumayo si inay kaya agad akong pumunta sa kanya. Mahigpit ang kanyang hawak sa pitaka.
"Ayon ang pitaka!" isang guwardiya sibil na may kasamang na sa tingin ko ay ang nagmamay-ari ng pitaka.
"Siya ang kanilang pinuno" turo ng isang chismosa sa aking ina. Hindi ko alam na sa kabila ng kapansanan ni inay ay mapagbibintangan pa siya sa kasalanang hindi niya kayang gawin.
Nagmaka-awa si inay pero parang wala silang mga tainga. Iyak lang ang tanging nagawa ko. Wala kaming kapangyarihan upang dipensahan ang aming sarili. Kahit anong pagmamakaawa ang gawin namin hindi pa rin iyon sapat para mapawalang sala kami.
Nanatili si inay sa isang kulungan habang nililitis ang kaso. Pagkatapos ng dalawang araw ay nagpasya na ang hukom. Nahatulan si inay na "guilty". Noong isang araw kasi ay nadakip ang lalaki at inamin niya na si inay talaga ang may pakana ng lahat. Isang anak ng cabeza de baranggay ang nabiktima at napakali na halaga ang laman ng pitakang iyon.
Hindi ko mawari kung ano ba ang ginawa ni inay upang madanas niya ang kalupitan ng buhay. Siguro may plano "Siya" para kay inay. Ipinauubaya ko na po sa iyo Mahal na Panginoon ang buhay ni inay. Sabihin mo po kay inay na ayos lang ako dito.
Napatawan siya ng kamatayan. Pinagbabaril ng walang awa habang nakatalikod. Tumingin ako sa kanyang mga mata at ngumiti. Inay, makakapag-pahinga ka na.
At sa puntong iyon, pumunta ako kay inay at niyakap siya ng mahigpit.