-AYOS LANG-

0 0 0
                                    

BY:sk

"Lumayas ka na dito! Wala kang kwenta!" sigaw ng isang ina sa kanyang anak na babae. Nasa kabilang kalsada lang sila kaya tanaw ko ang pangyayaring yun. Pagkatapos nun ay bumalik ang kanyang ina sa pasugalan.

Lagi kong nakikita yung batang babae na naghahalungkat ng kung ano sa mga basurahan. Siguro ay naghahanap ng makakain dahil baon na sila sa utang dahil sa bisyo ng kaniyang ina. Ang ama naman niya ay nakakulong.

Nagpatuloy siya sa paghahanap ng makakain hanggang sa naabutan na siya ng gabi sa daan kung saan mabibilang na lang sa kamay ang mga taong dumadaan. Maliwanag naman ang kalye dahil sa mga streetlights.

May nakita siya sa hindi kalayuan, mga batang hinahalungkat ang basurahan. Agad siyang napangiti. Wala namang sasakyan na dumadaan kaya tumakbo na siya.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating ang isang humaharurot na sasakyan at nasagi siya na agad niyang ikinahiga. Tumigil ang sasakyan.

Pinilit niya na tumayo kahit pa na masakit. Pero hindi pa man siya lubos na nakakatayo ay meron na namang isang sasakyan ang dumating sa kabilang kalsada. Nasapol siya pero tuloy-tuloy pa rin ang auto sa pagtakbo.

Nagbangga-an ang dalawang sasakyan at naipit sa pagitan ang babae. Dead on the spot. Halos magkabali-bali na ang kanyang katawan at naliligo sa sariling dugo.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Naging mabuti naman po akong anak at kapatid, bakit sa ganitong paraan niyo ako kukunin? Bakit?

"Ayos lang, aking kapatid. Alam kong nahihirapan ka na pero kinakaya mo pa rin. Ayos lang" hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa nakasisilaw na liwanag.

Nilahad niya ang kanyang kamay. Sa puntong iyon alam ko kung sino "Siya" at kung saan niya ako dadalhin. Sa lugar kung saan hindi naghahari ang sakit at lungkot.

Untold FeelingsWhere stories live. Discover now