01-BOYFRIEND

1.1K 36 7
                                    

Y/N POV    (Y/N- Your Name)




Knock! Knock! Knock! Oppa~
.
.
Knock! Knock! Knock! Yoongi~
.
.
Knock! Knock! Knock!
.

few secs. later
.
.
.
Knooooock!!! Knooooock!!!
Knoooook!!! Knoooook!!!
Oppaaaaa!!! Anooo baaaa!!!
Gumising ka na ngaaaa!!!

Nandinto ako sa tapat ng kwarto ng kuya kong antukin, grabe sumasakit na kamay ko sa kakatok sa pinto, nilakasan ko na nga tingnan ko lang kung di pa siya magigising.

Ilang saglit lang bumukas na ang pinto, hays salamat.

"Ano bang problema mo?! Kay aga-aga nang iistorbo ka! Hah!" Iritang bungad niya sakin, at naghihikap pa. 'Hindi ba niya alam na bad breath siya? Di, joke lang'

"Oppa! Deadline na nung sinabi ko sayo na kailangan naming bayaran sa school, baka babagsak ako this quarter kapag hindi ako nagbayad" sabi ko sa kanya with matching padyak pa

Bumuntong hininga siya at, "Sabihin mo sa ibang araw nalang, wala akong pera ngayon" pagkasabi nya yun isasara na niya sana ang pinto pero pinigilan ko siya.

"Halos lahat ng kaklase ko ay nakabayad na, parang ako na nga lang ang hindi pa nakapagbayad, nakakahiya naaah!" reklamo ko sa kanya.

" Anong gusto mong gawin ko? wala nga akong pera!" Halos pasigaw nyang sabi..

Nakaramdam ako ng lungkot, ayaw ko naman siyang pilitin na gumawa ng paraan naiintindihan ko naman siya kahit palaging tulog yan, nagsusumikap siya para matustusan ang pangangailangan naming dalawa. Ulila na kasi kami simula nung namatay mga magulang namin sa isang car accident, buti na lang college na si oppa at pagraduate na ako sa high school. Nagworking student siya at simula noon siya na ang naghahanapbuhay para samin dalawa.
Ayaw naman nya ko payagan magtrabaho, dahil babae daw ako. Napakaprotective kuya nya pagdating sakin.

Napansin nya ko,"Huwag kang mag-alala gagawa ako paraan" sabi niya at tinapik yung braso ko.

Tumango nalang ako, at pagkatapos kinuha yung bag ko para pumunta sa school. Hayy, kailangan ko na naman lakasan ang loob ko mamaya para sabihin na hindi pa ko makakapagbayad. Huhu

***

Pagkarating sa school dumeretso agad ako sa room sakto naman andun na titser namin para simulan ang klase.

And after 692182 years nagring na rin yung bell, para sa lunch break, tinanong narin ako kanina about dun sa bayad as usual sinabe ko na naman next week na lang.

Inayos ko na mga gamit ko para pumunta sa cafeteria doon kasi tumatambay si Yoongi oppa kasama yung mga kaibigan niya, magpapalibre ako sa kanila nagtitipid kasi ako. Haha

Pagkarating sa cafeteria natanaw ko silang nagchichika chika habang kumakain, 'aba hindi man lang nila ako hinintay.' Dumeretso ako sa pwesto nila.

Sina Jin, Jhope, Jimin, Taehyung at Jungkook ang mga kaibigan ni oppa Yoongi, magkaibigan na sila simula pa nung elementary. Kapag magkikita-kita silang magkakaibigan noon sinasama ako ni oppa, dahil wala siyang choice chOur, pinabantayan kasi ako sa kanya ni eomma at appa dahil pareho silang nagtatrabaho. Kaya naging close nadin ako sa mga kaibigan ni oppa. Natatawa nalang ako nang maalala ko kung paano ako hawakan ni oppa sa kamay sabay hila-hila kung saan siya pupunta, takot na takot siyang mawala ako. Minsan pa ay pinapasakay niya ako sa kanyang likod.

Pagdating ko sa mesa nila umupo agad ako sa tabi ni Taehyung at nakaharap kay Yoongi, "Oh, kainin mo na to, alam ko naman magpapalibre ka, wala akong pera ngayon" sabi ni oppa sabay abot sakin yung sandwich nya.

Go Along With ThemWhere stories live. Discover now