Irish's POV
Dalawang linggo.
Dalawang linggo na magmula nung makalabas si Ricci ng ospital. Ayos na ang kalagayan niya ngayon at namamalagi muna siya sa bahay nilang mga Rivero para maalagaan siya ni Tita Abi at para na rin makasama niya ang mga kapatid niya.
Tigil muna si Ricci sa training at sa kung ano-anong guesting at shows niya sa T.V. kahit na medyo okay na siya. Gusto kasi talagang makasiguro ni Tito Pao na fully recovered na ang anak bago ito lumabas ulit sa T.V..
Hindi alam ng publiko ang nangyaring aksidente sa aming dalawa dahil na rin sa mga koneksyon na meron si Mommy Heather. Nakiusap kasi sina Tita Abi na sana ay hindi na malaman ng lahat dahil paniguradong tatadtarin kami ng tanong ng mga media at baka magkagulo pa ang mga fans ni Ricci.
Ang alam ng lahat ay kaya wala si Ricci ay dahil siya ay nagbabakasyon ngayon sa ibang bansa. Tanging mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang nakakaalam sa tunay na dahilan. Well, pati na rin ang mga nurse at doktor na tumitingin sa amin. Pero alam kong kinausap naman na sila ni Mommy Heather kaya dapat ay wala ng problemahin.
"Uyy bes, kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa phone mo." Saway sa akin ni Natalie nang makitang kanina ko pa pinapatay-bukas ang phone ko.
Busy sila sa pagchichikahan ni Xandy habang ako ay pilit lang na nakikinig sa usapan nila pero ang buong atensyon ko talaga ay nasa cellphone ko. Saglit lang akong titingin sakanila tapos bubuksan ko nanaman ang cellphone ko.
"Oo nga. Sana, diyan ka nalang nakipagdate sa phone mo." Gatong pa ni Xandy.
Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop at kumakain ng merienda. Niyaya kasi ako ng mga 'to para magbonding at magchikahan. Buti na lang ay wala kaming pasok ngayon kaya free na free na gumala.
Kaso lang, imbis na makipag-usap sa kanila ay lumilipad ang utak ko. Nandito nga ang katawan ko pero ang isip ko ay wala. Marami talaga akong iniisip nitong mga araw kaya kung minsan ay napupuna rin nila Stacey na lagi akong tulala at di nakikinig sakanila kapag nagsasalita sila.
Napangiwi lang ako nang marinig ang sinabi nila at malakas na bumuntong hininga. "Sorry... May inaantay lang akong text at tawag." Sabi ko at bumuntong hininga ulit.
Mukhang napapadalas na ang pag buntong hininga ko.
"Mula kay Ricci?" Kunot noong tanong ni Natalie.
Napakagat ako sa ibabang labi at tumango.
"Oh? Eh diba dati ay puro tadtad ka ng text at tawag mula sakanya? Minsan nga iniisip ko na mayaman talaga yang boyfriend mo. Ang daming pangload!" Sabi ni Xandy. Kaso baka ngayon, naubusan na ng pang load kaya di nagtetext." Biro niya pa.
Napangiti naman ako ng bahagya.
Totoo naman ang sinasabi ni Xands. Dati rati ay minu-minuto akong nakakatanggap ng text o tawag kay Ricci. Puro pangangamusta, updates kung anong ginagawa niya, o kung minsan ay puro malalanding messages lang. Kahit na busy siya ay hindi natatapos ang buong araw na hindi niya ako tinetext. Gumagawa talaga siya ng paraan para makausap ako.
"Oo nga eh. Minsan winiwish ko na sana maging katulad ni Ricci si Nathan. Yung very clingy and vocal." Nagkibit balikat si Natalie at uminom ng kape.
"Bakit bes? Di ba nagtetext sayo?" Tanong ni Xands sa akin.
Napalunok muna ako bago dahan-dahang umiling.
Magmula kasi nung makalabas si Ricci ng ospital ay hindi pa ako nakakatanggap ng text or tawag mula sakanya.
Nakailang beses ko na rin siyang tinext pero di ako nakakatanggap ng reply. Tinry ko rin siyang tawagan pero kapag kausap ko na siya ay lagi siyang nagmamadali o kung minsan naman ay busy lagi ang linya niya kaya di ko matawagan.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.