Kabanata 2

217K 8.7K 4.2K
                                        

Kabanata 2

"WINTER! Ang kaibigan kong tagtuyot!" Umirap ako nang pagpasok pa lang, ngalangala na ni Macarena ang nasalubong ko.

"Macarena," I greeted back.

Nawala ang ngiti niya, ang akmang pagyakap sa akin ay nauwi sa hampas at sama ng tingin.

"Bitch! It's Elena!" Irit niya. I rolled my eyes, hinila ko ang buhok niya at napasinghap siya at hinila rin ang buhok ko.

"Ipokrita, may kwento ako!" I groaned kaya napabitaw kami ng buhok.

"Uhm, hi, Winter." Napabaling ako sa likuran niya nang may magsalita.

Oh, God. He's here nga pala!

"Hey, Max!" Binati ko. Inabot niya sa 'kin ang bulaklak kaya inabot ko iyon "These are beautiful, thank you!" Ngiti ko.

"I'm glad you liked it." He shyly scratched his head. Nang lingunin ko ang kaibigan ko ay nanliliit na ang kanyang mata, inaasar ako. Gusto kong irapan.

"Come on, let's sit," anyaya ko at nauna na sa sofa, tumatango kay Ate Linda para maihanda na ang snacks.

"Uhm, napadaan ka pala?" Baling ko kay Max.

He looks great today. Deep black hair and eyes, reddish thin lips, and soft features. He looked boyish, like a good boy. Ganito ang usual type ko kaya ewan ba kung bakit ako biglang attracted do'n sa isang 'yon!

"I saw Elena on my way, sinabi niyang pupunta siya kaya sumabay ako," he said. "I hope you don't mind?

I nodded a little, pasimpleng kinukurot ang kaibigan kong humahagikhik sa tabi ko.

"No more tagtuyot days," bulong ng babae sa akin kaya nanlaki ang mata ko at hinampas ang hita niya.

"Macarena!" I hissed quietly, my eyes widening.

"You alright?" Bumaling ako kay Max at mabilis na ngumiti.

"Wala... Wala naman." I chuckled awkwardly.

"Kumusta na pala ang pangangampanya ni Tito?" He mentioned my father.

"Doing great. He has a big chance to be reelected. Mahal siya ng mga tao. Kasama niya si Mommy at nangangampanya sila," I said and smiled a little.

My father has been serving the public for almost sixteen years. Now, he's running for a possible reelection to the senatorial slate.

"That's good to see, ikaw, kumusta? How's your security? Have you been receiving threats again?" aniya.

"I'm doing good, Max." Sumulyap ako kay Macarena na nilalantakan ang cookies roon habang nang-aasar at ngumiwi ako.

Mabilaukan ka sanang gaga ka!

"I can handle threats better now and alam mo naman. I know how to defend myself. I trained."

"Do you have bodyguards?" He asked.

Oh, oh, bodyguard! Where is my handsome bodyguard?!

Inilibot ko ang aking paningin at napanguso nang hindi makita si Warrion sa paligid.

That ice! Naligo at nagbihis na nga ako kasi utos niya! O ayan, I'm nice and pretty again! Nasaan na siya?

"Winter?"

"Uh, yeah." Baling kay Max.

"Mayro'n naman," I said softly.

"Great, hindi na ako matatakot kapag nasa labas ka." He smiled at me.

Ngumisi lang ako ng hilaw at nailang na bigla roon. Nang ganoon kadali!

"Uh, gano'n ba?" I chuckled. "Oh, sige, kumain ka muna." Inabutan ko siya ng juice at inagaw ang plato ng cookies sa kaibigan ko para ilahad kay Max.

Heart of Darkness (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon