Chapter 2--Whatdapak!
(Mikhaella Ramirez POV)
"HWAAAT!!! Nakakita ka ng naga-anohan? Yung nagaganunan talaga? As in yu--yung nakapasok at nagba-back 'en forth na?" Meet my bessy, Shara Tolentino. Kung inosente ako at walang kamuwang-muwang sa mundo, aba mas malala naman yung isang 'to noh! Balak pa yata nitong magmadre.
Anyway, lunch time na namin ngayon at dahil hindi naman kami classmate. (Pero sa ibang minor subject, classmate ko sya.) ngayon ko palang nakwento sa kanya yung karumal-dumal na insedenteng nangyari kaninang umaga!
"Oo bessy nakakita na ako...tapos..tapos...Ang laki!!! Ang laki-laki bessy! Uwaaaah~!!!"
"Hay naku bessy. Okay lang yan bessy. Hindi mo sinasadya yon. Pinapatawad ka na ni Lord." Sabay hagod nya sa likod ko.
"Totoo ba bessy? Sa palagay mo napatawad na ako ni Lord?"
"Oo bessy, oo. Mabait si Lord, nauunawaan ka nya. Gipit ka nung oras na yun kaya kinakailangan mong magtago at pumasok sa kwartong yun. Hindi mo naman sinasadyang magkasala."
"Uwaaaaah~! Bessy. Ang mata ko. Makasalanan na ang mga mata ko."
"Ayos lang bessy. Ayos lang yan. Nandito lang ako. Lalaban tayo. Hahanap tayo ng magaling na abogado, hindi ka makukulong."
"Ay O.A na ha!" Tapos tinulak ko sya ng mahina. "Ako pa ba ang makukulong? Aba hindi naman yata tama yun! Kahit saang anggulo tingnan, sila at sila parin ang lalabas mali! Ang paggaganunan sa loob ng school ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang dapat sa mga yun expulsion!"
"Edi isumbong mo. Para ma-expel sila."
"Eh?" Tiningnan ko si bessy tapos three times kong ni-blink ang mata ko tapos unti-unti nag-form ang smile sa labi ko at nginisihan ko syang parang aning..."Nice idea! Ang galing mo talaga bessy! Bat nga ba hindi ko naisip yun." Niyuyog ko pa ang balikat nya. Medyo O.A din ako minsan. "Hihi humanda ang mga balahura na yun! Pagbabayaran nila ang pagde-devirgined sa mata ko! Maeexpel na sila sa school na'to! Wahahahaha!"
"Kyaaaaaaaaaahhhh~!!" "Waaaaaaaaah~!!!" Ay mga hinayupak panira ng moment! Biglang nalang tumili ng parang nahihibang yung mga babae tapos nagkumpulan sila sa entrance ng cafeteria. Anong meron dun?
"Bessy, sino ba yung tinitilian ng mga makikiring babae nayun?!" Tanong ko kay Shara saka ko hinila ang laylayan ng manggas nya.
"Tanong mo sa akin." Pilosopo! Dineadma nya lang yung tanong ko pati na yung tinitilian ng mga babae. Kumagat lang sya ng ubod laki sa sandwich nya. "Khaya tcha ba aychoko chumain tsa tsatechiria ang chaming papachin."--sa pagkakaintindi ko eto sinabi nya--"Kaya nga ba ayoko kumain sa cafeteria ang daming papasin."
Actually kasi hindi kami kumakain sa cafeteria ni Bessy may baon kasi akong packlunch. Si Shara naman oorder lang ng foods tapos sa rooftop kami kakain. Pero hindi ako nakapagbaon ngayon kasi tinanghali ako ng gising, hindi na ko nakagawa ng packlunch ko. Eh nakakatamad namang bibili ka ng pagkain tapos dadalhin mo sa rooftop, dyahe! Although ganon na ang gawain ni Shara eh mas tamad ako sa kanya eh. Masunurin naman sya kaya pumayag na syang dito kami kumain.
Pero ano kaya yung pinagkakaguluhan ng mga babae na yun. Hmmmm..masilip nga.
Tumingin ako sa cafeteria entrance.
Ayan na unti-unti ng nagsisihawian yung mga babae. At ayan na din unti-unti ko ng nakikita yung dumarating. Una kong sinuri ang sapatos no'n (infairness, mukhang branded) then umangat yung tingin ko (infairness pati yung suot mukhang imported.) Hanggang tuluyan ko na syang na.ki.ta---"Whatdapak!"