Prince Ivan's
Akala ko never kona siyang makikita. Akala ko never kona siyang makakasama. Akala ko never kona siyang makakausap. Akala ko hindi kona siya mahal
Pero mahal na mahal ko parin pala talaga siya
"Ivan" ang laki ng pinagbago niya. From a lady to a nerd pero para sa akin maganda parin siya
"Bakit? May mali ba? Panget ba? Teka lipat tayo. Punta tayo dun sa pinareserved ko na restaurant tapos p—" napahinto ako sa kakasalita ng takpan niya bibig ko
"Shh, yung phone mo! Kanina pa nagri-ring" napatingin naman ako sa phone kona nasa mesa, Oo nga, Kanina pa nga nagri-ring
BoyishKo's callinggg..
BoyishKo's callingggggg...
BoyishKo's callinggg...
"T-teka lang ha"
"Hello"
"Thanks god. Bakit ka absent? Di kana nagpaparamdam. Ano ba problema? I know na nagkamali ako pero .. Ikaw din naman ha? Nasan ka ba?"
"Nasa bahay ako. Busy pa ako. Next time na lang" sabi ko at in-end kona yung call
"Sino yun?"
"Wala yun. Mga nangungulit lang" sabi ko nalang
'Sorry boyish, Pero bestfriend ko muna'
Francheska's
"Nasa bahay ako. Busy pa ako. Next time na lang" nagulat ako ng biglang nag end yung call.
"Ano?" humiga na lang ulit ako sa kama ko sabay iling bilang sagot sa tanong ni Alliah "Nasan daw ba siya? "
"Nasa bahay daw nila" feeling ko maiiyak na ako. Ilang araw palang kaming mag-on pero bakit ganto na siya?
Simula ng pagkauwi namin dito sa manila. wala na siyang paramdam kahit isang text. Tapos mag sisinungaling pa siya, Bakit kailangan niyang magsinungaling? May tinatago ba siya?
"Confirm na yan girl" singit naman ni Sheena. Ayokong isipin na niloloko niya lang ako. Kasi baka kung ano pa yung magawa ko at pagsisihan kopa
Kaya ayokong pumasok sa relasyon dahil alam kong magkakaproblema. Kaso hindi yung problema na ganito. Na hinahanap mo yung taong ayaw naman magpahanap
"Dun ka nga Sheen! Lalo mo lang pinahihirapan si Cheska eh"
"Nako! Ako na naman? I'm just telling the truth, I know Ivan,better than you know him. He's Jerk like other guy"
"Ano ka ba Sheena?"
"Anong ano ako? Sinasabi ko lang yun para di masaktan bestfriend natin"
"SHUT UP AND LEAVE ME ALONE" napatahimik naman sila sa biglang sigaw ko. Narinig ko naman silang nagsisisihan habang palabas ng kwarto ko
Mas nagugulo lang kasi nila ako. Hindi lang ako makapag isip ng maayos. Hindi ko malaman kung ano ang papanigan ko! Kung yung side ng utak kona baka niloloko niya ako or yung side na baka busy lang talaga siya. Pero almost four days na siyang walang paramdam.
Kahit isang text or tawag wala. Ano ba problema niya? Nakakainis lang kasi girlfriend niya ako pero hindi man lang niya ako batiin ng 'good morning' 'good night' O kaya tanungin ng 'Kumain kana ba?' 'Nabusog kaba?'
Ganun naman kasi talaga yung mag boyfriend diba? Sa wattpad nga eh. Si Jeydon at Candice kahit anong mangyari may time parin sila sa isa't isa
Si Tyler at Yuki, Kahit nakalimutan nila yung isa't isa, Nandun pa din yung feelings. Ang akin lang, nakit ni-isa wala man lang paramdam si Ivan?
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Fiksi Remajaonce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible