Hindi mahilig manod ng horror movies or shows si Elizabeth. Bata pa lang sya madalas na syang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao. Hindi naniniwala ang nanay nya sa mga nakikita nya kaya pinilit nya itong wag isipin, pinilit nyang wag pansinin hanggang sa nawalan ng gana ang mga iyon sa kanya kaya tuluyan na syang nilubayan.
Naging hobby na nya ang panunuod ng comedy show tuwing Biyernes ng gabi, wala kasing pasok kinabukasan kaya pwede syang magpuyat. Dati mag isa lang syang nanunuod hanggang sa lumipat sa tabing bahay nila si Daisy, pinsan nya, dalawang taon ang tanda nito sa kanya. Lagi nya iyong tinatawagan tuwing Biyernes ng gabi at pinapapunta sa bahay nila para sabay silang manuod, kadalasan sa bahay na rin nila natutulog ang pinsan.
"Nasasanay na ko, minsan nakatunganga na lang ako buong Friday sa cellphone ko para hintayin yung tawag mo."
Tumawa sya. "Pansin ko nga e, di pa nagre-ring naririnig ko na yung boses mo minsan nga akala ko ring back e"
Nagtawanan sila.
Close talaga sila kahit nung mga bata pa sila. Isa si Daisy sa may alam na makinang si Elizabeth sa mata ng mga tinatawag nilang "multo".
"Nakakakita ka pa ba ng mga multo?" seryosong tanong nito pagkatapos nilang magtawanan.
Umiling sya. "Nagsawa siguro, minsan meron sa mga panaginip."
"Anong klaseng panaginip?"
"Yung parang totoo, yung akala mo gising ka yun pala hindi, yun lang. Nasanay na ko sa likot ng utak ko," ngumiti sya. "Pero nung dito ka natutulog medyo um-ok, di na nangyayari."
Tumango ito kahit hindi nya nage-gets ang sinabi ng pinsan. Mukhang ginagawa pa syang pangsangga sa mga multo.
"E ikaw, kamusta naman ang bagong lipat?"
"Bagong lipat? Kalahating taon na kami nandito ngayon ka lang nagkainteres sa pag lipat namin, slow ka te?" natatawang sagot nito.
"Ewan!" tumatawa na rin sya.
"May boyfriend na ko," nakangising sabi nito.
Nanlaki ang mata ni Elizabeth sa narinig.
"Oh? Bat ganyan itsura mo?" nginusuan nito ang pinsan.
"Bawal ka pang mag boyfriend diba? Kailan naging kayo?"
"Two months pa lang naman kami. Tsaka di mo na naman ako isusumbong kay nanay diba?"
Tumango sya.
"Mabait naman sya e tsaka gwapo at ang ganda ng katawan nya."
Nanlaki muli ang mga mata nya. "Katawan? Anong katawan? Bat nakita mo yung katawan nya?"
Ngumiti ito ng pgakatamis.
Nanlaki lalo ang mga mata ni Elizabeth. "Wag mong sabing sinuko mo na ang bataan?!"
Tumango ito.
...
Bunganga agad ng nanay nya ang sumalubong sa kanya pag uwi nya ng bahay. Pulang pula ang mukha nito sa galit, nag aalburoto ito na parang papasabog na bulkan.
"Beth! May alam ka ba sa pag boboypren ni Daisy?"
Natulala sya. "Po?"
"May alam ka ba?!"
"May boyfriend po sya?" tulirong tanong nya.
"Oo, at ayan nahuli sa bahay kanina, hindi na pala pumapasok sa eskwela yang pinsan mo. Pag umaalis yung tita mo papapuntahin nya yung lalaki dyan sa bahay, aba'y tamang tama bumalik yung tita mo dahil naiwanan yung mga dadalhing papeles, nahuli."
BINABASA MO ANG
At Bahala na Kayo sa Ending
Cerita PendekA collection of short stories in different genre. Lahat ng horror stories nag uumpisa sa paglipat sa isang bahay na may history ng patayan ek-ek. Lahat naman ng mga love stories nag uumpisa sa high school, mabubunggo ni lalaki si babae. Mayaman at g...