Chapter 1

58 0 0
                                    




Luna's POV


Papunta kami sa hindi ko alam kung saan. Basta kusa na lang akong dinala ng mga nakakataas na guardian dito sa kotse nila. Hindi ko nga alam kung bakit ang daming guardyang sumusunod sa amin. Hindi rin naman ako nagpumiglas pa kasi pinasakay ako nila mama.

Nakaupo ako sa likod ng kotse at tahimik na pinagmamasdan ang mga puno at gusali na nadadaanan namin. Hinawakan ko ang batok ko na kanina pa sumasakit. Anong bang nangyayari sakin?

Teka, parang alam ko kung saan ito papunta. Hindi ba't ito ang daan papunta sa bayan? Nakikita ko ang naglalakihang mga gusali at mga malalaking puno.

" Manong, saan po tayo pupunta? Bakit po ang daming kotseng nakasunod?" tanong ko. Ngunit hindi sumagot si manong at tiningnan lang ako sa rear mirror. Napabuga nalang ako ng hangin at hinintay na lamang na makarating kami.

Dito sa bayan naninirahan ang karamihan sa mga guardian mula sa dibisyon ng hilaga, kanluran, silangan at timog. Dito nagtratrabaho at nag-aaral ang iilan sa guardian upang makapaghanda sa labanang na maaring maganap. Ang iba kasi lumabas ng dibisyon upang manirahan kasama ang mga tao.

"You cant change the past but you can learn from it. Alam ko ang nangyari sa buhay mo, young lady. You should not blame yourself. Everything happens for a reason." biglang sabi ni manong driver.

"Bakit mo alam?" Tanong ko. Ngunit hindi na naman ito nagsalita. Sino ba siya? Bakit niya alam ang past ko. Pinipilit ko ngang kalimutan ang nangyari.

Medyo may katandaan na si manong driver pero napakagwapo nito para maging isang driver. Kung titingnan parang ilang taon lang ang agwat nila ni papa.

Maya-maya ay huminto kami sa tapat ng malaking building na di ko inaasahan na pupuntahan namin.

Anong ginagawa namin sa paaralan ni kuya? Dito nag-aaral ang kapatid ko. Ang alam ko ay nakakapag-aral ka lang dito kapag 18 anyos ka na at natatakan ka na bilang isang guardian. Kaya dito na nag-aaral si kuya simula noong natatakan na siya.

Gumalaw ulit ang sasakyan at pumasok ito sa malaking gate na may pangalan ng paaralan na nakakurba sa ibabaw – IMPERIUM UNIVERSITY. Wala akong gaanong alam sa paaralan na ito dahil confidential ang mga info nila.

Ang tanging alam ko lang ay dito naghahanda ang mga guardian para sa gyera.

Huminto na yung sasakyan at bumaba na si manong driver. Pinagbuksan niya ako kaya lumabas narin ako at nilibot ang paningin ko. WOOAHHH – Ito ang nasa loob ng naglalakihang mga bakod at gate! NAKAKAMANGHA!

Napatakip nalang ako ng bibig. Ang lalaki ng building, ang gaganda ng mga puno at halaman. Nakakamangha ang landscapes nila.

Naglalakad ang ilan sa mga estudyante at ang ilan nama'y nagpapahinga lang.

May napansin akong taong nakapatong sa sanga ng isang puno. Nakatitig ito sa akin at walang ni isang ekspresyon ang meron sa mukha nito. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito. SIYA! SIYA NGA! Anong ginagawa niya dito?!

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napalingon sa isang babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko. Napakaganda nito at napakadisenting tignan dahil sa pormal nitong suot.

"Ms. Luna Ramos?" tanong nito. Tumango naman ako at pinagmasdan lamang ang suot nitong glasses. WAHHHHH naaattract talaga ako sa mga taong nagsusuot ng glasses. Babae ako at babae din siya. Eh ano naman? Glasses lang naman ang gusto ko che! HAHAHAHAH!

"Ako si Ms. Deana Ramos. Hindi kita kilala kaya wag mo nang tanongin kung magkamag-anak ba tayo. Ako ang assistant ng president at trabaho ko ang ipahatid dito ang lahat ng highest guardian. Ihahatid kita sa dorm niyo at ito-tour narin sa buong campus. Follow me." Ang suplada naman nito pero ba't parang nabasa niya yung iniisip ko? Ayan na naman sila sa highest guardian nila. Ano ba yan?

The Guardians (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon