Chapter 2

28 0 0
                                    




"Mama!! Ang sakit!!!!! Di ko na kaya!! MAMA!!!!" napahawak ako sa batok ko na kanina pa sumasakit.

"MAMAAAAA!" di ko na kaya ito. Ang sakit na. Ano bang nangyayari? Biglang nawala ang sakit sa batok ko at lumiwag ang paligid ko.

Nasaan ako? Hindi ito ang bahay namin. Nasaan ako?

Nag-aastral travel kaya ako at naglalakbay ang sarili kong kaluluwa sa ibang dimension?

Nalelecture namin to sa school. Pag kasi hindi pa kami natatakan, sa skwelahan ng mga ordinaryong tao kami nag aaral.

Kasalukuyan akong naglalakad sa isang gubat. Mapayapang kumakaway ang mga dahon ng mga puno at mapayapang nagpapahinga ang bawat bulaklak ng mga halaman. Bakit ang payapa dito? Tanging tunog ng mga maliliit na kulilig ang maririnig. Nakakabingi ang katahimikan dito. Nasaan ba ako?

Naalerto ako nang may maramdaman ako tao sa paligid ko. Hindi ako nag-iisa, alam ko. Pinagmasdan ko ang bawat parte ng dimension na ito.

Hinahanap ng aking mga mata ang taong nasa paligid. Nanigas ako nang may nakita akong nakatitig sakin mula sa likod ng isang puno. Nakikita ko siya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Tsaka nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?" hindi ito nagsalita kaya napagpasiyahan ko ng lumapit dito. NASAAN SIYA? SINO BA SIYA?

Pagpunta ko sa likod ng puno ay biglang nawala ang tao dito. Nasan siya?

Napagpasyahan kong maglakad ulit hanggang sa kusa akong dalhin ng tadhana sa distinasyon ko.

Habang naglalakad sa ilalim ng matirik na araw ay biglang lumakas ang liwanag. HINDI KO NA NAKIKITA ANG PALIGID. ANONG NANGYAYARI?

"Anak, ikaw ay aking napili upang ibahagi ang kabutihan ng iyong puso sa buong mundo." Sabi ng boses. Malamig ang boses nito at nakakatindig balahibo. Patay na po ba ako?

"Ikaw ay idinideklara ko na isang highest guardian. The micro and macro are choosing you as our highest guardian to protect the ordinary guardians and human beings from evil. Only goodness bring peace." Sabi nito at biglang nalang nawala.

***

Nagising ang diwa ko dahil sa pagyuyugyog sakin. Iminumulat ko ang aking mga mata at nakita ang pamilyar na mukha. Umaagos sa mga mata nito ang malalaking luha.

"Mama." Mahina kong sambit at ngumiti.

"Akala ko mawawala kana samin. Hindi ka na kasi humihinga nang makarating kami dito. Kanina ka pa kasi sumisagaw *hmmff**hmmff*." sabi ni mama habang umiiyak.

Bumangon ako sa pagkakahiga at hinawakan ang batok ko. Hindi na ito sumasakit kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Masakit po ang batok ko. Hindi ko po alam kung bakit basta nung sumakit ito bigla na lang lumiwanag ang paligid ko. Napunta ako sa lugar na may maraming puno at halaman. May naki -." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nalang akong hinatak ni papa at tiningnan ang batok ko. Binitawan naman agad ako ni Papa at humarap agad siya kay mama.

Napatakip ng bibig si mama.

 "Lucas, di mamaari ito. Hindi maaari." Napahagulgol ng iyak si mama. Nalilito na ako? Ano bang nangyayari? Lumapit si papa kay mama at hinimas ang likod nito.

"Everything will be fine." Sabi ni papa.

"Pa, ano pong nangyayari? Sabihin niyo po sakin. Hindi ko na alam bakit nangyayari to sakin? Alam kong nangyari na ang ganito kay kuya pero hindi kami magkapareho." Ano ba to. Kung ang vision ko lang sana ay mabasa ang isip nila kanina ko pa nalaman kung anong ibig sabihin nila.

"Magpahinga ka muna. Papunta na dito ang highest officials at tatlong oras ang byahe niyo. Hindi ako ang makakasagot sa lahat ng tanong mo, anak. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Andito lang ako palagi at ang mama't kuya mo para tulongan ka. Magpakatatag ka doon." Lumapit si papa sakin at hinalikan ako sa noo. Ano bang pinagsasabi niya? Bakit ako mag-iingat?

Lumabas na si papa at dinala niya si mama sa kwarto nila. Hindi ko naman maiwasan na di isipin yung nangyari sakin. Sana na sakin ang ability ni mama. Ang ability naming taga Northern Division ay vision. Ang ability ni mama ay ang mabasa ang iniisip ng tao kapag hinahawakan niya ito. Ang ability ni kuya Lexydreth ay hindi ko alam dahil hindi niya naman ginagamit sakin. Habang si papa naman ay hindi ko rin alam. Hindi ko pa nakikita na gamitin ni papa ang ability niya simula pagkabata ko.

***

Nagising ako mula sa ilang oras na pagpapahinga dahil nakarinig ako ng mga andar ng sasakyan. Tumingin ako sa bintana at nakita ang anim na kotse.

Sino sila? Anong ginagawa nila dito? Biglang may kumatok sa pinto ko kaya napalingon ako dito.

"Bodyguards of the official highest guardian of the Northern Division. This is a command from the school's highest official. Kailangan po naming panatilihin ang kaligtasan ng highest guardian habang hindi pa nagsisimula ang training niya." Sabi ng nasa labas. Hindi ko kilala ang boses na ito.

Bumukas ang pinto at pumasok si mama at ang mga taong nasa labas. Lumapit si mama sa akin at niyakap ako.

"Mama, saan po tayo pupunta? Bakit may dala kang maleta? Bakit ka po umiiyak?" naguguluhan na ako.

"Labag man ito sa kalooban ko pero kinakailangan, kasi pinili ka ng micro at macro. Mag-iingat ka anak. Nawa'y gabayan ka ng micro at macro. Sumama ka sa kanila, doon mo malalaman ang lahat pati na rin ang dahilan kung bakit kita ipapadala.Mag-iingat ka." Sabi ni mama at nauna nang lumabas. Sumunod naman ako at bumaba na.

Nakita ko si papa. Nakikita ko na malungkot ito. Ano bang meron? Bakit hindi nila pwedeng sabihin sakin kung saan ako pupunta at bakit nila ako dadalhin. Naguguluhan na ako. Hinawakan ako ng dalawang guards at inilabas ng bahay.

"Mama! Papa! Ayokong sumama. Please, ayoko. Ayoko mama!" umiiyak na ako. Ayokong sumama! Tiningnan ko parin sina mama at papa. Umiiyak si mama sa bisig ni papa.

Isinakay na ako ng guards sa naunang kotse at dali-dali na nilang pinaandar ang sasakyan.

"MAMAAAAAA!"

***

Open po ako sa mga suggestions niyo. Comment for your suggestions. HEHE. Anyway, ang micro po at macro ay ang creator ng guardians. Sila ang Gods ng guardian. Salamat sa pagbabasa.

The Guardians (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon