*tok tok*Nagaa-arrange ako ngayon sa mga gamit ko nang may kumatok sa labas ng pinto ng dorm. Tumayo naman agad ako at lumabas sa kwarto ko. May lumabas na hologram sa tapat ng pinto. ASTIG! Pagmay hindi highest guardian na nasa tapat ng pinto ay automatic na lalabas ang hologram dito sa loob ngunit hindi mabubukas ang pinto.
Lumapit ako sa pinto at pinindot ang yes sa dalawang choices na 'yes' and 'no'. AHHH. Yes pala kung pagbubuksan mo at no naman kung ayaw.
Bumukas ang pinto at pumasok na si Ms. Deana. "Suotin mo ang jacket at jeans na nakaassign para sa inyo. Iba ang uniforms niyo sa ordinaryong guardian at sa 2nd degree guardian. Nakita mo na siguro ang uniforms mo sa cabinet mo." 2nd degree guardian? Ano na naman ba yan? Parang sasabog na ang utak ko dahil sa dami ng information. Hindi ko pa nga alam kung anong highest guardian eh. Hindi ko nga alam kung ano ako. Tsk.
Pumasok ulit ako sa kwarto ko at iniligay ang kamay ko sa detector ng cabinet. Astig diba?
Maoopen lamang ang cabinet mo kung kamay mo ang madedetect ng detector. High-tech na ang mga guardians ngayon eh.
"Pero bakit po ba may detector pati cabinet? Wala naman pong makakapasok dito."
"Sa lugar na ito tanging sarili mo lang ang makakapagtiwalaan mo."
Napa "Ahh" naman ako.
Kinuha ko ang fitted jacket ko at jeans tsaka inilagay sa kama. Napatingin ako kay Ms. Deana na nakatingin rin sakin. Tinaasan niya ako ng kilay at napapout naman ako.
"Di ako comfortable magbihis na may kasama." Sabi ko tsaka ngumti.
"Oh well." Tumalikod si Ms. Deana at lumabas na.
***
"Ito ang Celestinebuilding dito ang lahat ng officials at highest guardians nagst-stay. Ditonaman Sebastian building ay ang dorm ng lahat ng 2nd degree guardians. Ditonaman sa tatlong building also called as the triple building ay ang dorm ngordinary guardians. Doon naman sa kabila ay ang cafeteria ng mga students. Angquadrangle na ito ay ang dormitory ng mga guardians blah blah blah --." Kanina pa tong si Ms. Deana di ko naman gaanong pinakikinggan. Sarap lagyan ng earphone tong mga tenga ko.
Naglalakad kami ngayon sa hallway at pinagtitinginan na kami ng mga ordinaryong guardians. Nakinig din naman ako kanina. Ayon sa kasama ko, black daw ang designs sa mga uniform namin. Gray sa ordinaryong guardian at blue sa 2nd degree. Ayon naman daw sa kanya, eh, malalaman ko daw kung bakit ako nandito sa unang klase namin. Kanina pa ako tango ng tango di naman ako gaanong nakikinig. Ganito pala feeling ng may na learn. HEHEHE.
Tatlo daw uniform namin. Una ang uniform namin sa lecture class, knee length ang saya tapos ribbon at polo na may kasamang blazer jacket. Pangalawa, para sa physical training namin, stretchable pants at stretchable fitted jacket. Panghuli, ordinary jacket at stretchable pants for non-lecture and non-physical training class.
Napansin kong naglalakad na kami pababa ng hagdan. Ano to underground?
"Papunta ba tayo ng underground?" walang gana kong tanong.
"Hindi. Tunnel itong dadaanan natin at papunta ito sa main quadrangle." Sabi niya kaya hindi na ulit ako nagsalita.
Matapos ang dalawang minutong paglalakad ay huminto kami sa tapat ng metalled door. Iniscan kami ng door at bigla naman itong nagbukas. "Welcome, guardians.".
Bumungad sakin ang all white na paligid at mga guardians na naka blue na uniforms. Mas malaki pa nga ang quadrangle na ito kesa sa kabila.
Maraming guardian ang sobrang busy habang nakaharap sa computer at mga kung ano ano pang gamit na related sa technology.
BINABASA MO ANG
The Guardians (on going)
FantastikWe are made by the Gods to guard the people of this world. Imperium University, where guardians are trained to guard their division and save their world from hatred and revenge. Pero paano kung ang katotohan na iyong pinagkakatiwalaan ay siyang kas...