"That was expected." Malamig na sabi ng lalaking nasa harap namin."If you are going to attack someone, you should always trust your gut. If you lack confidence then you are not worth to be one of the highest guardians." Malamig parin nitong sabi.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Sino ba siya sa inaakala niya? Nagtatago parin naman ako pero si Rhed at Jaechan ay tumayo na. Wala siyang kaemo-emosyon kung magsalita.
Bigla akong tumayo at inihagis sa kanya ang fighting dagger ko. Hindi ko nga alam kung bakit may ganito sa maleta ko. Basta ang alam ko lang ay kay papa ito.
Nabigla siya sa ginawa ko at nagsmirk narin. SIYA?!! Nakikilala ko siya! Siya yung nakita ko sa pag a-astral travel ko. Siya din yung nasa ibabaw ng puno kanina. Bakit ngayon lang siya? Pero bakit nasa campus siya? Binigyan ko siya ng matalim na tingin.
"That is my counter attack. Does that reach your expectation?" sarcastiko kong sabi. Inatake niya kaming tatlo sa sinabi niya kaya binigyan ko siya ng counter attack.
Tumalikod muna siya para magpaalam kay Ms. Deana. Sumarado agad ang pinto at umupo siya sa sofa habang kami ay nakatayo parin.
"Welcome to the highest guardian dormitory." Masiglang bati ni Jaechan.
Hindi ito sumagot at nanatiling nakaupo. Pinagmasdan ko siya, ang intimidating look niya, ang mahahaba nitong legs at ang pormal nitong suot. Saan ba to pupunta?
"No offense, dude ha. Pero bakit ka naka formal attire? Hindi kasi kami nag formal attire noong pumunta kami dito. Galing ka ba sa business meeting? hahahaha." pagbibiro ni Jaechan at umupo rin sa tapat na sofa. Umupo narin kami ni Rhed at nakaharap din sa kanya.
"I am." Maikli netong sagot. Napa 'oh' naman si Rhed at Jaechan.
Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi ko alam kung bakit siya lang yung nakita ko sa pag-astral travel ko. Hindi lang siya ang highest guardian na nandito. Apat kami kaya bakit siya lang yung nakita ko? Hindi ako alam kung siya nga ba yon pero dahil apat lang kaming highest guardian sigurado akong siya yon . Ibig sabihin sabay kaming natatakan pero bakit nauna ako dito?
"Curiosity kills." Sabi ng lalaking nasa harap namin at nakatitig ito sakin.
"Jaechan Fabricante ang cutie boy ng eastern division." Ngumiti ito ng malapad at inilahad ang kamay nito.
Tiningnan lang ng lalaki ang kamay ni Jaechan. Aba't sino ba to?!
"Hideyuki Tamura. Hi-de." Sabi niya.
"Ako naman si Rhed Bustamante." Ngumiti lang si Rhed at hindi naglahad ng kamay. Tumingin na man si Hideyuki sakin na para bang hinihintay na sabihin ko ang pangalan ko. Ayoko nga. Yoko sa kanya.
"Hoy angrybird! Hinihingi niya siguro pangalan mo. HAHAHA." Sinamaan ko ng tingin si Rhed. Ayan na naman sila sa Angry Bird nila.
"Luna." Hindi din ako nag lahad ng kamay.
"KAINAN NAAAA!!!" sigaw ni Jae sa kusina.
***
Kinaumagahan dali-dali kaming nagtungo sa tunnel para makapunta sa mga classrooms. Nauna na si Hide at hindi man lang kami ginising!
Nalaman naming ang schedule at subjects namin kagabi, hinatid ito ni Ms. Deana. Hindi ko alam kung anong itsura ng building namin. Alam niyo naman siguro kung anong nangyari kahapon.
Hindi na ako nai-tour sa classrooms namin at sa underground. Umalis kasi ako kahapon matapos ang nangyari doon sa Science Building.
Sunod lang ako ng sunod kay Jaechan at Rhed. Sasapakin ko talaga yung Hideyuking yun. Iniwan daw ba kami! Lagot talaga yun samin!
BINABASA MO ANG
The Guardians (on going)
FantasiWe are made by the Gods to guard the people of this world. Imperium University, where guardians are trained to guard their division and save their world from hatred and revenge. Pero paano kung ang katotohan na iyong pinagkakatiwalaan ay siyang kas...