*****
The BITCH'S POV
"It is better for her to be transferred in a hospital dahil mas mada-diagnose ang sakit niya doon. All I can tell you today is that the bleeding on her nose and mouth is clearly caused by extreme shock and stress. We are not sure enough but we've seen symptoms of cancer, specifically in her lungs. Immediate action is needed," kalmadong paliwanag ng Head Nurse ng aming school.
Kumabog ang dibdib ko dahil talagang seryoso ang sakit ni Jasmine, dahilan upang ilipat siya sa ospital sa labas ng campus. Minor injuries and illnesses lang kasi ang ginagamot sa clinic namin o mas kilala na rin sa tawag na mini-hospital dahil sa laki ng gusali nito.
Cancer...
Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata sa narinig. Nakayukong tumalikod ako upang balikan ang animo'y natutulog lang na si Jasmine.
_____
The NERD'S POV
Tatlong araw na ang lumipas at ngayon na ang huling araw ng aming Sport's Fest. Tatlong araw na rin simula nang makita ko sila.
"Good morning, ate." Humihikab na bati sa akin ni Joana.
"Good morning!" Nilapitan ko ito at bago pa makapag-tago sa unan ay binigyan ko na ng isang matunog at matamis na halik sa kanyang pisngi.
"Eew!" Pinahid niya ang kanyang pisngi habang ako'y tatawa-tawang pumasok sa banyo.
Ito ang pinakahihintay na araw ng lahat ng estudyante ng RH dahil maraming masasayang kaganapan ang mangyayari, tulad ng Color Fun Run sa may oval, guest DJ's and bands, fireworks display at higit sa lahat, p'wedeng mag-invite ng dalawang guests ang kada student; mapalalaki man o babae.
Paniguradong jam-packed ang malawak na campus ng Regona High ngayong araw na ito dahil pagkakataon na ng mga ibang babae na makasama ang mga boyfriend nila.
Ang tanong, may inimbita ba ako?
Oo naman! Matagal na rin kasi noong huli ko siyang makita. At ang araw na iyon ay nang iwan siya ng nobya niyang si Karin at sa akin nag-iiyak. I wonder how he's doing now?
Ilang sandali lang rin ay natapos na ako sa pagligo. Sinuot ko ang aming club T-shirt dahil sa huling araw ng Sports Fest lang pinahintulutan na magsuot ng ganito. Pagkatapos naman ng shift ko sa club namin ay puwede na ulit akong magpalit.
_____
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon nga ay pasado alas tres na ng hapon. Nakakain, nakapagpahinga at nakapag-ayos na rin ako ng sarili.
4 p.m. ang schedule ng Color Fun Run at required na sumali lahat ng players sa school namin, kaya malamang ay nandoon si Cassie mamaya, at kung hindi ka naman kabilang sa kahit anong sport ay maaring hindi ka na mag-participate. Kinulit na nga ako ni Cassie kanina sa food stall na sumama daw ako, pero tinanggihan ko dahil nga may darating akong bisita sa oras na 'yon. Hindi na naman niya ako pinilit pa at sinabing mag-enjoy na lang ako at magkita na lang kami mamaya.
Ngayon nga ay ka-text ko ang lalaking makakasama ko mamaya. Papunta na raw siya at pinalad na payagan ng kanyang boss na maagang umuwi. Nagtatrabaho kasi siya sa isang food factory.
Habang naghihintay sa kanya ay nagpasya muna akong maglakad-lakad.
Sobrang daming tao sa paligid ngayon at ang hirap mag-adjust na may mga lalaki dahil nasanay na ako na puro babae ang nakikita. Phew. Ikaw ba naman ay manatili ng sa eskwelahan ng ilang taon na puro babae ang nakapaligid sa'yo! Kaloka. Kaya hindi na nakapagtataka kung paglabas mo rito ay baluktot ka na.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...