Mataman kong tinitigan ang mga nagkalat na litrato sa daan ilang dangkal mula sa mga paa ko. Hinabol ko ng tingin ang babaeng karag-karag ang syota marahil nito. Tsk! Alam kong maliit ako, pero ganun na lang ba ang tingin nya sakin para hindi man lang mamalayang nasagi, no, binangga nya ako?! Ibe-break ka rin nyan, makita mo! Maganda ka pa naman sana. Grrrr...
Nag-ngingitngit pa rin na isa-isa kong pinulot ang mga pictures. Dalawang rolyo ng film, para sa exhibit ng organization namin. Ako nga pala ang certified 'Sinag Express slash Batang Quiapo' ng org. Malapit lang kasi sa mga printing shops sa Quaipo ang boarding house ko. That explains why kung bakit naitalaga, (self-appointed actually) ako na taga-takbo dito at doon kapag me kailangang ipa-develop. Feeling ko nga malapit na rin kaming magka-develop-an ni kuyang staff sa dalas kong maligaw doon.
Anyway, pulutin ang nagkalat na pictures bago pa sila mabalahura ng mga estudyanteng nagmamadali sa paglalakad papasok at palabas ng university compounds na yun. Mga kilalang unibersidad ang nasa paligid. Parte pa rin ng U-belt, pero bandang Malacanang na. Dadaan sana ako sa pamosong simbahan sa may banda roon, pero heto nga at hindi ako magkandaugaga sa mga pictures ko! Waaaaaah! Saglit lang, wag kayo madudumihan please! Malilintikan ako kina Kuya Les! Grabe, nagmumultiply ba kayo? Bakit kanina pa ako hindi matapos-tapos sa pamumulot?
Dahil abala ako sa pag-abot ng mga pictures- me isang kilometro ata ang niliparan ng mga litrato nato- joke lang, oa naman yun, mga 100 meters lang. Ayon nga, dahil abala ang beauty ko, di ko napansin ang nilalang sa likod ko. Mabilis nyang nalikom lahat ng pictures sa aking likuran at inilapag sa harap ko sabay talilis. Hindi agad rumehistro sa utak ko ang mga nangyari kaya't noong matauhan ako, napasigaw na lang ako ng 'Thank you' sa mamang yun kasi malayo-layo na rin sya. Ang bilis nya maglakad ha! Nagmamadali? Ano ba meron sa mga private college nato at lagi atang habol ang oras?
Akala ko hindi nya ako narinig. Pero nakita kong itinaas nya ang kanang braso, senyas na walang anuman...siguro. Me sukbit syang gitara sa likod. Bandista kaya sya? Maporma, tamang tangkad, maputi, base sa kulay ng braso! Sayang hindi ko nakita ang mukha. Hmp! Ambango pa naman nya, fresh na fresh. Habulin ko kaya? Kaso hindi xa naka-uniform. Malay ko ba kung saang college sya. Napatingin ako sa ilang litrato na naiwan sa lapag. Dinampot at isinilid ko ang mga yon sa sobreng nawarak dahil sa pagkabagsak. Hay, makauwi na nga lang.
********************************************************
Matao sa lugar na yon tuwing araw nato. Ito kasi ang novena day para sa patron saint ng simbahan na yon. Kaya natural, siksikan na naman sa daan na papunta doon. Halos magkabanggaan na ang mga taong papunta at pabalik sa simbahan. Heto nga at may isang grupo akong makakasalubong pero dahil mga hindi nakatingin sa dinaraanan dahil busy sa paghaharutan, eh tyak nang mabubunggo ako. Umiwas ako pakanan ngunit sya namang tulak ng isang lalaki sa kasama nya patungo sa direksyon ko. Huli na para makaiwas kami. Bam! Ansakit ng braso ko, tumama sa pader. Buti na nga lang at me pader kaya hindi kami natumba.
'Sorry, miss! Eto kasing kasama ko', sabay tingin ng masama sa lalaking nanulak. Napatingin naman ako sa mukha ng lalaking nakasagian ko. WOW, fafa ito! Wait, parang pamilyar. Pero mabilis na itong nakalayo sa akin sabay habol sa mga kasama. Napasimangot ako habang pinagmamasdan ang nakatalikod ng lalaki. Ganun lang yun? Kahit bandaid man lang sa nagasgas kong braso wala? Oy, baka naman gusto mong tanungin kung nasaktan ako? Of course monologue yan sa utak ko.
'Pasensya na ulit, miss!', tumatakbo nang sabi nito at itinaas pa ang isang kamay. Napatanga ako. That gesture... Ah! Siya yong mamang tumulong sakin noong isang araw! Omgee.. gwapo! Forget the brasong gasgas! Grabeee...Nakakatuwa naman. Saang school kaya sya? Ano kayang year? Course? Single kaya? Ay, pangalan pala muna! Hahaha! Sinundan ko ng tingin ang grupong yon. Siguro me banda sila, yung ilan kasi me sukbit na mga gitara. Apat, lima....anim! Malamang sa hindi members nga sila ng banda. Ano kayang posisyon nya? Instrument? Hindi kaya vocalist? Naman! Type na type!
At dahil dyan, nalimutan ko na ang pakay ko. Sorry po, next week na lang ulit ako magsisimba. Namnamin ko po muna etong kiligness ngayon! Minsan lang naman po, pagbigyan nyo na. Hehehe. Well, malapad ang ngiting tinext ko si Christine para makipagkita sa printing shop. Opo, print ulit. Papers naman para sa projects. Mahirap talaga pag journalism major, mind you.
************************************************************
Para na akong tanga. Sobrang tagal na ng pagsintang pururot na 'to! Hindi na ako nadala. Panove-novena pang nalalaman. Wala pa rin, sad naman talaga oo! Baka gayuma na ang katapat nya. Na-try ko na ang secret chants of white magic galing sa librong pinahiram sakin ni Mae, pati yong method sa soul mate book ni Carrie at take note, pinatos ko na rin yung kulam technique galing sa lola ni Barbie! Hay, wala pa ring himala. Bakit kasi nagkrus ulit ang landas namin dito sa peyups. Nananahimik na ang puso ko eh. Kung kelan akala ko nalimutan ko na yung puppy love nato, saka naman sya nagpakita ng motibo. O ako lang ang assuming? Ayoko na. Simula't sapul naman alam ko kung sino ang mahal nya. Buong elementary at half ng high school years ko nang iniyakan yon 'no! Bestfriend ko lang naman po ang loves nya, pero hindi naman sya loves. Honestly dapat matuwa ako. Pero ikaw nga, subukan mong panoorin ang mahal mo na nasasaktan kasi hindi sya mahal ng mahal nya? Saklap ano? Yes, ako na ang bitter!
Well, ang pinagpuputok lang naman kasi ng puso este butse ko eh, bakit pa sya naging sweet lately? Inaya ako magsine, sa school film showing at yung isa sa megamall. Dinala nya ako sa 6th floor ng West wing para ipakita sakin ang sunset doon. Paborito daw nya ang lugar na yon. Perfect spot na yon! Akala ko finally magtatapat na sya haaaay! Pero bigo pa rin ang kagandahan ko, mas maganda daw kasi si bez. Tapos, naka-jamming rin namin sya after ng human rainbow, kumanta pa nga sya sa videoke room ng 'A Little Bit' sakin eh. Tapos, ilang araw na, wala pa rin. Eh di ako nga lang si assuming! Spell A-S-A...
I have adored him since I was a seven. I've kept the dog stuffed toy all those years. Regalo daw nya noong kinder graduation namin. Friend ko na kasi yong ate nya even before pa kami magtagpo ni crush sa may puno ng bayabas malapit sa bahay nila. At buong klase ata alam na crush ko sya, deny to death lang ako! Aba, eh di nalintikan ako kay Mader kung nagkataon, teacher din sya sa school namin eh. At syempre hindi naman ganon kadali manligaw ng lalaki ano. Kung pwede nga lang. Pero sigurado naman ako na hindi sya manhid para hindi man lang maisip na gusto ko sya. Kung me award lang siguro ang unrequited love, grabe, ten-year awardee na ako! Tagal na, loyal na loyal pa rin ang puso ko sa kanya. Kaya lang, sobrang nakakapagod na. Mahirap umasa... Oh, shit! Nakakaiyak! Asan na ba ang panyo ko?
'My little princess, what do you wish for and you're crying your heart for it?'
Ha? Ano daw?? Aba't... Sino ka...? Wala akong katabi, sino yon? Yay, tumatayo balahibo ko. Kailangan ko na ba mag-panic?!
Nanay ko, wag naman po please. Mag-isa ako ngayon eh. Di ko keri ang mumu pag wala sina Mae! Nagpalinga-linga ako, kaliwa, kanan..wala. Sa likod? Wala rin! Eh sa ibaba? Sabay yuko! Gosh, zero. Linga ulit. Sa harap naman. Napatingin ako sa cafe sa loob ng school na yon. Namataan ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng mesa.
Sya ba? Sya kaya? Ok lang po basta tao! Tinitigan ko ang mukha nya. Gotcha! Me kalayuan din ang agwat namin. Pero huling-huli ko ang pagkagulat nya nang magtama ang aming mga mata. Tapos bigla syang nawala! 'Ha?' Napakurap lang ako eh! Ang bilis nya talaga. Hindi ko napigilan mapatawa ng lihim. Si mamang me gitara ulit. Napangiti ako nang todo. Kahit papaano, gumaan ng konti ang nabibigatan kong puso. Muli kong nilinga ang loob na yon ng cafe bago nagsimulang humakbang palayo sa lugar na 'yon.
Bye, handsome.
BINABASA MO ANG
Memories Among The Stars
RomanceCan a single memory make everything right? Pero paano kung ang natatanging alaala na iyon ay hindi pwedeng manatili sa mundong pumili sa kanila? Can love really conquer all? Two people, two different lives intertwined in a story full of laughter, an...