ika nga ni Pinoy Superman, "help me I'm confused...I'm confused about my gender, huhuhu"
My Request: Isa lang, pakibasa ang kwento nang word for word.
Disclaimer: this is a work of fiction... thank you sa mga maniniwala...
Warning: Sa mga hindi magkakagusto sa story, nasayang oras nyo. tsk.
My Advice: kung hindi masisiyahan sa F.F.F. (first few faragraphs) move on na sa ibang kwento, huwag nyo na hintayin ang ending at baka mabuwisit lang...B.T.T.Y. (be true to yourself)
P.S. sa mga feeling gutom, this is for General Consumption.
Here we go...
My Gosh, two days na na masakit ang tiyan ko, feeling ko mamamatay na yata ako...so, I leave this long and important message to my beloved and special readers bago ako pumanaw...ETONA!!! FFFRRRRRRRROOOOOOOOTTTTT!!! Joke lang! joke lang! Balik na kayo please... eto na ang totoo....
Hayy, the life of a Pinoy Superman, so exciting!!! Ang sarap kaya lumipad...lumulutang habang nakikita lahat ang nasa ibaba, puwede pa ako pumitas nang balloons, sumakay sa tuktok nang Ferris wheel, makipagsabayan lumipad sa mga eroplano at helicopter, salubungin ang kidlat, HAHA!! at kaya ko maka-reach nang napakataas, lampas earth!!! WOHHOOOOO!!...may kasama pang extra...other superpowers!!! super strong ako...Which means pwede ako magbuhat nang multiple na balde kapag nag-iigib. Kasama din ang heat vision, super-speed, super-bagal (kapag tinatamad) at my all time fave, X-RAY VISION!!! yehey!!!
Hassle lang ang paglalaba nang costume once a week pero kailangan gawin dahil kumakati din sa pakiramdam (kumakapit kasi ang pollution nang Manila) yes, I live within the vicinity of Manila and I talk to myself in Taglish (tagalog-english), you gotta problem with that neegrow!!!??? Also, I force myself to do an office job because hindi ako mayaman eh, hindi ko naman peg ang pagnanakaw dahil I am good-natured by nature ?_____? (english grammar police, hulihin mo na ako) Nasa calendar pa ang edad ko, medyo young at heart, nanonood pa nang cartoons, ganda kasi nang The adventures of Boatman and Robin...kakaloka mga stories nang mag-bro or mag-sis yata sila? whatevahh!!!
Brown-skinned ako, super insecure tuloy (isa ding superpower ko, hehe) , gusto ko sana fair color pero parehong maitim si Ma at Pa, duon ko napagtanto na tunay nila akong anak. Sinubukan ko ang medicine, and unfortunately, hindi nakatulong ang isang gallon na methatione tablets , well, deep-well, kasalanan ko rin, nilalaklak ko lahat nang isang bagsakan, once a day lang pala yun...nasira pa budget ko.
To describe myself, which is kanina ko pa ginagawa, average Filipino height ako, 7 feet 5 inches (Jowk!!), 5'11" lang pero kung minsan feeling 5'8"...naguguluhan ba kayo? ako rin...moving on...
M.M.M.M.M. (Meaning May Mga Muscles Me) sa upper part nang body, fat cells sa lower part, kaya kapag nakahubad sa harap nang giant mirror, I look like a mutant.
Favorite din ako nang kulugo, medyo marami na kasi sa wetpaks ko (hindi naman sila nanganganak pero dumadami, HAR HAR!). Nagpa-doctor ako , tinanggal nya lahat, sinunog isa-isa at maganda naman ang naging side effect, nagkabaku-baku ang surface nang ass ko, mukhang mga dimples. Haha!!! Kaso lang bumabalik ulit one by one...Dumadami na naman, sino kaya ang ama? huhuhu...moving on...
Dati makapal ang balahibo ko sa both legs pero inahit ko na since last month, ang sarap kasi himasin, feeling makinis.. hehe. Nakakahiyang aminin pero in spite of my powers tinutubuan na rin ako nang nakakarimarim (nakaririmarim yata ang tama, hindi ako sure kung kaka o riri ang double) na varicose veins (ano ba yan,ang dami ko'ng kapintasan! superpowers nasaan ka??!!), mainam pa si Dharrna, ang flawless (tumikim din kaya ako nang bato, yung semento ha) . Resulta yata ito nang pag-iigib sa madaling-araw. By the way , ( BTW for brevity) the reason for my pag-iigib is explained in details in the next, next, next, next , neeeeeexxxt paragraph. Be patient.